BestLightNovel.com

Project Indigo 22 A Taste Of Fire

Project Indigo - BestLightNovel.com

You’re reading novel Project Indigo 22 A Taste Of Fire online at BestLightNovel.com. Please use the follow button to get notification about the latest chapter next time when you visit BestLightNovel.com. Use F11 button to read novel in full-screen(PC only). Drop by anytime you want to read free – fast – latest novel. It’s great if you could leave a comment, share your opinion about the new chapters, new novel with others on the internet. We’ll do our best to bring you the finest, latest novel everyday. Enjoy

Chapter Eighteen

A Taste of Fire

Part One

"CAN you be quiet the whole day, Matix? Naririndi na ako sa boses mo." Inis na sabi ni Chaos saka naglagay ng earphones sa tainga.

Nasa kotse kasi kami ngayon at papunta na ng Bagiuo. Si Matix at Effie, kanina pa k.u.makanta. Nagising nga ako sa boses nila. Si Chaos naman, pinipilit na makatulog.

"Friday." Tawag ni Chaos. His arms are crossed while looking outside the window. Magkatabi kasi kami. Sa isang van, may fourteen seats na tig-dalaw.a.n.g seats na magkatabi. Nasa unang row kami at katapat namin sina Matix at Effie na siyang magkatabi naman.

"Ano yun?"

He looked at me. "What did you talk about with Effie's father?"

"Ah. M-May ano kasi..naalala mo yung sinabi ni Daeril na nawawalang student? Si Rhoanna?"

Chaos nodded. "Yeah. So?"

"Tapos sabi ni Daeril, nahanap na diba?"

Tumango ulit si Chaos. "What happened?"

"Natagpuan namin siyang patay sa girls dormitory." Sambit ko.

Chaos's eyebrows furrowed. "How did that happen?"

Nagbuntong hininga ako at kinuwento ang lahat ng nangyari.

"So Arius killed Rhoanna?" He asked.

"Iyon ang sabi ng police." Sagot ko.

"Pinapaniwalaan mo naman?"

Umiling ako. "Of course not. Arius helped us behind the beast's back. Sapat na iyon sa akin para sabihing mabait si Arius."

"Then the beast killed Rhoanna, framed Arius and he might also be the one who texted Daeril?"

"That's what I think." I shrugged.

"We need to solve—"

"We can't solve it unless we can't find the beast. Ang dami nating hindi nasosolve na cases. Una ay yung sa nawawalang police file. We still don't know whose file was missing. Pangalawa, the one who killed the couple and Mary Rose. Pangatlo, yung mga clues natin about the beast, hindi pa natin nasasagot. Pang apat, the one who killed Rhoanna; at pang lima, kung sino ang pumatay sa magulang mo." Sabi ko.

Totoo naman, there are lots of cases left unanswered.

"Then we better find who the beast is bago natin pagdikit-dikitin ang puzzle." Chaos said while thinking deeply.

Pansin ko ngang may hawak itong duffel bag at sobrang higpit ng hawak niya doon. "Ano yan? Bakit may duffel bag ka?"

"These are the clues we found about the beast. The notes and the papers you found at the precinct."

I gave him a serious look. "Chaos, magbabakasyon tayo. It's time to relax our minds! Bakit dinala mo pa iyan?"

Chaos shrugged. "I can't waste time. I already wasted ten years to find my family's killer."

I breathed heavily at tinignan si Matix na abala ngayon sa laptop niya. Si Effie naman, ayun, bagsak.

"Matix." I called.

Agad siyang tumingin sa akin. "What?"

"Yung confidential file mo na related sa beast, nadecode mo na?" I asked.

Pinakita niya sa akin ang screen ng laptop. "I'm not even halfway there." Sagot nito


I sighed. Whoever that beast is, mukhang pinagplanuhan niya ito maigi.

Pinikit ko nalang ang mga mata ko nang makaramdam ako ng antok. Malayo pa naman ang lalakbayin namin.

~~

"Friday, wake up."

Nagising ako sa marahang pagtulak sa balikat ko. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Chaos na nakatingin sa aking nang masama. Nakabukas ang pinto ng van at wala na sina Matix and Effie.

"Nandito na ba tayo?" Tanong ko saka naghikab.

"We've arrived thirty minutes ago. Kanina pa kita ginigising pero di ka naman nagigising. Nauna na sina Matix sa cabin." Sagot ni Chaos.

Grabe. Thirty minutes ako ginigising ni Chaos? Sabagay, mahirap talaga ako gisingin. Dalaw.a.n.g alarm clock ang ginagamit ko pati na rin yung phone ko na naka alarm para sure na magigising ako bago pumasok ng school.

Tumingin ako sa bintana. Isang cabin ang nandoon na brown ang kulay at napapaligiran ng halaman. "Hindi ka pa ba bababa?" Masungit na tanong ni Chaos.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit ang sungit mo?"

"Kanina ko pa gustong b.u.maba pero para ka kasing mantika matulog." He rolled his eyes at nagkabit ng earphone sa tainga.

"Bakit kasi hindi ka nalang nauna b.u.maba?"

"How can I move when your head is on my shoulder?." Sambit nito saka tuluyang b.u.maba ng van.

b.u.maba na rin ako ng van at tumulong sa pagbubuhat ng maleta namin. "Ako na po, ma'am." Anang driver.

Ngumiti ako. "Okay lang po. Ako na." Sabi ko saka binuhat ang maleta ko na nasa compartment pero bago ko pa iyon mabuhat, isang kamay ang umagaw doon.

Pinukol ko siya ng masamang tingin. "Ako na. Ayokong makaabala sayo." Mataray kong sabi.

"Bakit ang sungit mo? You weren't like that to me before." Ani Chaos.

"Tinarayan na kita noon baka nakakalimutan mo." Sagot ko.

"Just let me carry the baggages." Aniya saka pumasok sa loob ng cabin.

"Friday! Friday!" Sigaw ni Effie na tumatakbo palabas ng cabin.

"Bakit?"

"Halika, handa na ang kwarto natin." Excited nitong sabi. Ngumiti ako saka inikot ang kamay ko sa braso niya.

~~

"NUNG sinabi ni Mr. Albert na magbabakasyon tayo sa Bagiuo, hindi ito ang nasa isip ko." Nakabusangot na sabi ni Matix.

Naglalakad-lakad kasi kami ngayon sa gubat. Oo, gubat. Yung cabin kasi ng pamilya ni Effie, nasa gitna talaga ng gubat at kailangan namin maglakad para maabot ang siyudad ng Bagiuo. Nasa manila na ang van kaya wala kaming masakyan na kotse.

"Mag-eenjoy naman tayo mamaya eh. Tsaka, mas maganda daw ang maglakad kaysa naman sa gumamit ng kotse." Ani Effie na nakakapit sa braso ko. Nasa kanan ko si Chaos. Nasa kaliwa ko naman si Effie na katabi naman si Matix.

"Cars are invented to travel far places." Masungit na sabi ni Chaos. Siniko ko siya. Ano bang problema nito at nagsusungit? Siguro ay ayaw talaga niya na magbakasyon. Hindi pa kasi okay ang lahat.

b.u.mulong sa akin si Effie. "Bakit ang sungit ni Chaos ngayon?"

I shrugged. "Masama siguro ang gising niya." Biro ko at pasimpleng hinaplos ang buhok ni Effie. "Bagay sayo ang buhok mo ngayon."

"Thank you! Masyadong ha.s.sle kasi kapag long hair kaya pinagupitan ko na ng maikli." Sagot nito habang nakakapit pa rin sa braso ko.

Ngumiti ako pero agad iyon naglaho nang parehas na tumigil sa paglalakad sina Matix at Chaos. "What?" Tanong ko.

"Do you see that?" Chaos asked. Sinundan namin ang tingin niya.

A man, covering a dead body and rolling it to the bush para siguro walang makakita. Lumilinglinga pa ito sa paligid. Matix pushed us to the side para magtago. "Bakit tayo nagtatago? Dapat pinuntahan natin siya!" Ani Effie.

"The man has a gun with him. Who knows baka barilin niya tayo once he sees us." Matix explained.

"Anong gagawin natin?" Tanong ko.

"We follow him." Chaos suggested.

I sighed. Kung tutuusin, nakakatakot lapitan ang lalaki dahil mayroon siyang baril na nakaipit sa beyw.a.n.g niya. Baka nga barilin kami kung nagkataon.

Pero kung susundan naman namin siya, paano na ang bakasyon namin?! Papunta na sana kami sa syudad ng Bagiuo pero heto, hindi kami nilulubayan ng malas.

Nang tumalikod na ang lalake, agad kaming lumabas sa pinagtataguan at walamg ingay na sinusundan ito. "I need to call my dad." Nababahalang sabi ni Effie.

"No." Pigil ni Matix.

"Why?" Effie asked. Nasa kamay na niya ang phone niya para tawagan ang police.

"We should solve this ourselves." Aniya.

Effie rolled her eyes. "Chaos, the purpose of our vacation is to get away with these murders. Paano tayo magsasaya kung magsosolve na naman tayo ng murder."

"Maybe it has something to do with the beast."

Matix chuckled at ako, napanganga lang. "Chaos, hindi lahat ng makakasalamuha nating murder ay patungkol sa beast na yan. You are going crazy." Sambit ko.

Umingos si Chaos. "Then we should solve this to find out."

b.u.magsak ang balikat ko. Gusto ko sanang mamasyal sa Bagiuo pero mukhang postponed muna. Haay.

Tumigil sa paglalakad ang lalaking sinusundan namin. Agad itong sinalubong ng alaga nitong aso. He seem nice. Walang bahid ng kasamaan ang mukha niya. The dog looks happy to see him at umiikot ikot pa ito.

"Mukhang namali tayo ng nasundan." Sambit ni Matix.

Pumasok sa loob ang lalaki at makalipas ang ilang minuto, lumabas ito at pinakain ang alaga nitong aso. Wala na siyang baril na hawak kaya nilapitan na namin siya.

"Excuse me." Tawag ko.

Lumingon siya sa amin at ineexpect ko na magugulat or magiging bayolente but he just smiled while rubbing the dog's fur.

"Bakit?"

"Nakita ka naming may nirorolyong bangkay kanina. We need to make sure if you killed the body." Ani Chaos na seryosong-seryoso.

Lumaki ang mga mata ng lalaki. "N-Nakita niyo iyon?"

Tumango ako. "Kaya sabihin mo sa amin ang nangyari bago ka namin isumbong sa police." Sabi mi Effie.

"H-Hindi ako ang pumatay sa kaniya, pangako. N-Nagkasagutan lang kami at bigla nalang siyang humandusay sa sahig ng cabin ko." Paliwanag ng lalaki.

"Paano mo mapapatunayan na totoo yung sinabi mo?" Matix asked.

"Hindi ako mamamatay-tao." He said in a convincing voice.

"But we need to hear an allibi to prove if you're innocent." Ani Chaos.

Huminga nang malalim ang lalaki. "Look, kaibigan ko ang namatay at pumunta siya sa cabin ko para humingi ng tulong. May inutangan kasi siya pero walang pambayad. Inalokan ko ng tubig at k.u.main pa siya ng tinapay tapos maya maya, bigla nalang siya humandusay at b.u.mula ang bibig." Kuwento ng lalaki.

"So he wasn't stabbed or anything..." Chaos spoke.

Tumango ang lalaki. "Wala akong bahid na dugo kaya hindi ko siya pinatay."

Oo nga 'no. Hindi naman siya makakapagpalit agad ng damit dahil sa panic.

"You said you offered him a gla.s.s of water?" Chaos asked.

Tumango ang lalaki.

"Did he drink it?"

"Oo." Sagot ng lalaki.

"Uminom ka rin ba ng tubig?" Tanong ko na ikinatango naman ng lalaki.

"What kind of food did he eat?"

"Pan de Coco ang kinain niya. Dala niya iyon kanina at inalokan niya ako pero hindi naman ako k.u.makain ng pan de coco."

Tumango-tango kami. posibleng, nilagyan ng lason ang tubig o ang pan de coco.

"Can we come inside?" Matix asked.

Tumango ang lalaki at siya ng b.u.mukas ng pinto. "Basta ba hindi niyo ako isumbong sa pulis."

"We won't if we prove you innocent." Effie smiled widely.

Pumasok na kami. Maayos ang paligid. Pero may dalaw.a.n.g baso ang nakapatong sa lamesa at isang container na may lamang pan de coco.

Kinuha ko ang dalaw.a.n.g baso ng tubig at si Chaos naman ay sinusuri ang pan de coco na nasa loob ng container.

"If what happened is poisoning, then the poison might be in the bread." Sambit ni Chaos.

Tumango ako. "Wala namang kakaiba sa mga tubig. Both don't have ice."

"Edi, nasa pan de coco ang lason?" Tanong ni Effie.

"Could be." Simpleng sagot ni Chaos.

Humarap ako sa lalaking kanina pa nakatingin sa amin. "Sinabi ba niya kung saan galing ang pan de coco? Walang brand na nakasulat man lang sa container."

"Ang sabi niya, galing sa kaibigan niya yung pan de coco. Iyong inutangan niya." Sagot nito.

"Bakit naman siya bibigyan ng tinapay ng taong may utang sa kaniya?" Matix asked.

"To give poison?" Patanong kong sagot.

Humarap si Chaos sa lalaki. "Ilang buwan nang hindi binabayaran ng kaibigan mo ang utang niya? And how much is his debt?"

"Hindi ko alam kung ilang buwan na niyang hindi binabayaran ang utang niya. Pero ang alam ko, nasa fifty thousand pesos ang utang niya."

Kaya pala. Kahit naman ako ang inutangan ng fifty thousand, siyempre, di ako t.i.tigil na singilin iyon.

"Who is this friend who gave him the bread?" Chaos asked.

"Ah, si Justine Montero. Di naman malayo ang bahay niya rito. Ilang lakad lang iyon mula dito."

"We need to visit this Justine."

~~

NASA harap kami ngayon ng bahay ni Justine Montero. Sinamahan kami ng lalaki papunta rito. Ang bahay ni Justine ay iba sa bahay ng lalaki kanina. This one is a mansion. Halata ang karangyaan sa buhay niya.

k.u.matok kami at isang lalaki ang nagbukas ng pinto. He looks mature at medyo guwapo rin.

"Are you Justine Montero?" Chaos asked.

Tumango si Justine. "Yup. It's me. May problema ba?"

"We identified the dead body of Rody Diaz. Does the name ring a bell?"

"Yup. Siya yung may utang sa akin. Patay na pala siya?" Tanong niya na para bang wala lang ang pagkamatay ng kaibigan.

"Oo patay na siya. Nakakagulat diba?" Sarkastikong tanong ni Effie.

Justine's straight face remained. "Oo. Nakakagulat nga."

I sighed. "Nandito kami para sana itanong kung saan galing ang pan de coco na binigay mo kay Rody."

"Sa bakery namin. My mom owns a bakery in Manila." Sagot nito.

"Why would you give a bread to someone who has debts with you?" Tanong ni Chaos.

"Kahit naman may utang siya sa akin, ayos lang. Naiintindihan ko ang estado niya sa buhay kaya nga sabi ko, kahit anong oras ay pwede niyang bayaran ang utang niya sa akin." Masuyong sagot nito.

k.u.munot ang noo ko. He seemed like an understanding friend. Malabong siya ang naglagay ng lason sa pan de coco but we don't have any other lead.

"Kung ganoon, bakit ka naglagay ng lason sa pan de coco?" Effie asked.

Tumawa nang mapait si Justine. "Please don't insult my mother's business like that. Walang lason sa pan de coco na binigay ko."

"Pero ayon sa kuwento ni Jhun, nalason siya siguro ay dahil kinain niya ang pan de coco." Si Jhun ang lalaking kinausap namin kanina.

"Walang lason sa pan de coco. Maniwala kayo. Bakit ko naman papatayin ang kaibigan ko? Tsaka paano na yung fifty thousand ko kung papatayin ko ang lalaking yun."

"Just admit it. May lason ang pan de coco na binigay mo. Mukha pa ngang contaminated ang container na pinaglagyan nun." Saad ni Matix.

k.u.munot ang noo ni Justine. "Container? Binigay ko ang pan de coco, nakapaper bag at may brand ng business namin."

Huh? Naguluhan kami bigla. "Pero nakita namin ang pan de coco sa container."

Justine chuckled. "Panigurado ako na sa isang paper bag ko nilagay ang mga tinapay."

Tumingin sa amin si Effie. "What if wala naman talaga sa pan de coco ang lason? What if nasa container na pinaglagyan ng tinapay? Nahaluan lang sa tinapay kaya nalason si Rody." Aniya.

Tama nga siya. Paano kung hindi naman talaga si Justine ang naglason kay Rody? Paano kung si..

"Guys, nasaan si Jhun?" Tanong ni Matix.

Lumingon kami. Oo, wala nga siya. Kasama namin siya kanina rito at nasa likod lang namin.

Dali dali kaming umalis. "Tatawag ako ng pulis!" Pahabol na sabi ni Justine.

"Saan naman siya magpupunta?" Tanong ni Effie.

"In his house, maybe?" Sagot ko.

"Effie and I will search back in the house. Friday and Chaos, kayo ang maglibot sa gubat para mahanap si Jhun." Utos ni Matix bago umalis kasama si Effie.

Napasabunot si Chaos sa buhok niya. "I can't believe we had the killer in our sleeves but we are too ignorant and dumb!" Inis na sambit nito.

"Hey, no one expected this. Hindi natin alam na siya pala ang pumatay kay Rody." Sabi ko.

"We need to find this person."

Tumango ako at sabay kaming naglakad lakad sa gubat para mahanap si Jhun pero makalipas ang halos trenta na minuto sa paghahanap, tumawag si Matix at sinabi na nahanap nila si Jhun na nagtatago sa bas.e.m.e.nt ng bahay nito.

Nang makapunta na kami sa bahay ni Jhun, naroon na ang pulis na tinawag ni Justine.

"Salamat at natagpuan niyo itong si Jhun." Saad ng pulis.

k.u.munot ang noo ko. "Bakit naman po? Matagal niyo na po ba siyang hinahanap?"

Tumango ang isang pulis. "Siya ang most wanted criminal sa Bagiuo. Mabuti nalang ay ligtas kayo at hindi nabiktima ng suspect."

"Pwede po ba namin siya makausap?" Tanong ni Effie.

"Sige, pero may pulis na magbabantay sa inyo." Anang pulis.

Lumapit na kami kay Jhun na nakaposas ang kamay at nasa loob ng sasakyan. Nakababa kasi ang bintana ng kotse.

"Bakit mo nilason si Rody?" Tanong ko

"Kasapi ko siya sa pagkuha ng droga pero last week lang ay sinabi niyang t.i.tigil na siya at huwag na siyang guluhin pa." Sagot nito.

"Wala namang masama doon ha?"

"Nang nakapagbenta kami ng droga, nakaipon kami ng one hundred million at kinuhaan niya ako ng eighty million pesos. Sinong hindi magagalit doon?!" Galit na paliwanag nito.

"Anong lason ang ginamit mo?" Tanong ni Effie.

"Ginamit ko ang rat poison at pinahid ko sa loob ng container. Doon ko nilagay ang pan de coco." Sagot nito.

Hindi na kami nakapagtanong pa dahil pinaalis na kami ng pulis.

"Eto, may nagpapabigay." Anang pulis at nagbigay sa amin ng note bago umalis.

Chaos took the note and read it. "Do not enter cabin." He read.

k.u.munot ang noo namin. "Who was it from?" I asked.

Chaos shrugged. "Probably from the beast."

I breathed heavily. Ano bayan, hindi na matuloy-tuloy ang bakasyon namin.

"So tuloy na ba bakasyon natin sa siyudad?" Effie asked.

"Magpahinga muna tayo." Sabi ko. NakakapaG.o.d rin. Bukas nalang kami magbabakasyon sa siyudad sa Bagiuo.

Tumango sila at tumuloy na kami sa loob ng cabin. Agad akong inantok at nakatulog nang makapasok na kami sa cabin.

CHAPTER EIGHTEEN: A TASTE OF FIRE PART TWO WILL BE POSTED SOON'

Please click Like and leave more comments to support and keep us alive.

RECENTLY UPDATED MANGA

Project Indigo 22 A Taste Of Fire summary

You're reading Project Indigo. This manga has been translated by Updating. Author(s): BuwanCapili. Already has 720 views.

It's great if you read and follow any novel on our website. We promise you that we'll bring you the latest, hottest novel everyday and FREE.

BestLightNovel.com is a most smartest website for reading manga online, it can automatic resize images to fit your pc screen, even on your mobile. Experience now by using your smartphone and access to BestLightNovel.com