Potion Of Love - BestLightNovel.com
You’re reading novel Potion Of Love 25 Chapter 24 online at BestLightNovel.com. Please use the follow button to get notification about the latest chapter next time when you visit BestLightNovel.com. Use F11 button to read novel in full-screen(PC only). Drop by anytime you want to read free – fast – latest novel. It’s great if you could leave a comment, share your opinion about the new chapters, new novel with others on the internet. We’ll do our best to bring you the finest, latest novel everyday. Enjoy
"Ano,okay ka na ba?" Pag-alala ko rito.
"Malayo sa bituka."
Kinurot ko sa tagiliran. "Umayos ka nga.Mabuti na abutan ka nila Nixon ,kung hindi baka napaano kana."
"Nag-slala ka?"
"Malamang!"
"Okay na okay ako love." Bitbit pa rin ang mga books.
"Saan mo ba dadalhin yan?" Usisa ko.
"Diyan lang."
"Tulungan na kita."
"Wag na,kaya ko na 'to.Pumasok kana sa klase nyo."
"Sure ka?"
"Oo naman,geh na.Keri ko na 'to."
"Okay." Seryoso itong nag paalam sakin.
After cla.s.s dumiretso ako sa field dahil may cooking show nga ang kapatid ko.Abala ang lahat habang pinapanuod ang ginagawa nila Jomel ng may k.u.malabit sakin.
"Magaling talaga si Jomel sa pagluluto ah?" Hindi naman ito nakatingin sakin bagkus ay abala siyang panuorin ang bawat galaw ng kapatid ko.
"Sinabi mo pa."
Ipinatong nito ang kanyang siko sa aking balikat. "Wala yata ang boyfriend mo?"
"Baka nandyan lang yon sa tabi-tabi."
"Okay lang,nang masolo naman kita."
"Ano?"
"Ah wala! Sabi ko ,kayang-kaya din pala ng kapatid mo magsolo sa pagluluto."
"Ah yon ba? Oo naman,siya pa ba?"
"Dapat ikaw din."
"Darating din ako diyan,kapag kinasal kami ni Amir, sisiguraduhin kong alam ko na ang lahat." Masaya kong sabi.
Nawala naman ang ngiti niya sa labi."Gusto mo na ba talaga na siya ang makatuluyan mo?"
"Oo naman."
"Paano naman ako?"
Kunot noo ko siyang sinulyapan.Bago pa man ako magsalita ay may tumapik sa siko ni Nixon, at inakbayan ako.
Nilingon ko kung sino,at si Amir pala 'yon.May ibinigay itong bulaklak na tingin ko pinitas lamang niya sa garden ng Academy.
"Anong meron? Bakit may pa flowers pa si Mayor?" Natutuwa kong kinuha sa kanya.
"Happy Third Monthsary!" Tila inuunawa ko pa kung ano ang sinabi niya.Bahagyang tumikhim si Nixon sa likuran ko.
"Seventeen, ngayon." Paalala nito.
"Hhappy Monthsary Love!" Para hindi mahalatang nakalimutan ko ay pinakita kong exciment!
"Akala ko pa naman nakalimutan mo na." Wika ni Amir.Napakapkap naman ako sa bulsa ko.
"Bakit? May nawawala ba?" Usisa sakin.
"Wala,wala." Iniisip ko pa kung saan ko nga ba inilagay ang gayuma.
"Lumabas tayo mamayang gabi." Sabi niya.
"Sa bahay nalang tayo." Baka sa bahay ko na iwan yon.Hay.
"Bakit? Ayaw mo ba icelebrate ang monthsary natin?"
"Pwede naman kahit sa bahay na." Kailangan ko na rin kasi mapainom si Amir nito,at kung hindi mawawala ang bisa ng gayuma.
"Sure ka ba?"
"Oo,sure na sure."
"Bakit parang wala ka naman sa katinuan? Ano bang iniisip mo?" Bulaslas niya.
"Ha? Matino naman ah?" Tumunog naman ang cellphone. "Sa sagutin ko lang." Paalam ko para lumayo sakanila.
"Klea.Napainom mo na ba si Amir?" Bungad ni aling Carlota.
"Muntik ko na nga pong nakalimutan. Uhm,meron pa po ba kayong available dyan? Ang alam ko po kasi pa ubos na rin 'yon."
"Meron pa naman."
"Sige po,bibili ako.Sa susunod na araw magpupunta po ako."
"Oo,aalala ko lang,wag na wag mo ipapakita at ipapaalam sa iba ang tungkol sa gayuma.Isipin mo rin na kasiraan sayo 'yan."
"Opo.Maraming salamat po Aling Carlota." Pinatay din niya kaagad ang cellphone.
Bago ako lumapit kay Amir at Nixon ay naglagay na ko ng reminder sa Cp ,na kada monthsary namin ni Amir ay paiinumin siya ng gayuma.
"Love! Sigurado ka bang okay ka lang?" Siya na itong lumapit sakin.
"Oo,okay lang talaga ako.Pwede sa bahay nalang tayo magkita? Kasi may gagawin pa pala ako.Babawi ako mamaya." Niyakap ko siya at patakbong lumayo sa field na 'yon.
Kinuha ko ang bag ko sa Locker pagkatapos hinanap ang gayuma ngunit wala rin.Maaari nga talagang naiwan ko ito sa bahay.
"Heto ba ang hinahanap mo?" Natigilan ako sa paghalungkat ng bag.
Humarap ako sa taong nagsalita,laking gulat ko ng hawak ni Clarissa ang gayuma.
"Bakit na sayo 'yan?" Aagawin ko sana pero mabilis niya itong itinago sa pocket ng kanyang blouse.
"Kailan pa? Kailan mo pa ginagawa ito?" Mahina man ngunit may kaonting inis niyang tanong sakin.
"Clarissa."
"Tinatanong kita! Kailan mo pa ginawa sa kanya ito!" b.u.mulyaw na siya kaya naman may iilang estudyanteng tumingin sa amin.
"Mag-usap tayo sa walang nakakarinig na ibang tao.Please..." Hindi ko alam kung paano ko siya na kombinsing magpunta sa Oval.Doon walang katao-tao at masisinsinan kaming makakapag-usap.
"Klea,bakit mo ginawa 'yon kay Amir? Akala ko pa naman ,kaya ka niya minahal dahil sincere siya na mahal ka nya, 'yon pal---minahal ka lang niya dahil dito."
"Pasensiya na."
"Kaibigan mo ko pero bakit hindi mo man lang sinabi sakin ang totoo?"
"Natakot lang naman ako,baka husgahan mo ko."
"Pero sa ginawa mo hindi ka na takot?" Pilit niya kong tinitignan sa mata pero ako naman ang umiiwas.
"Alam mo naman na noon pa man gusto ko na siya.Kahit anong papansin ko sa kanya dedma niya lang ako.Kaya masisisi mo ba kung bakit ginawa ko sa kanya ito?"
"Pero mali pa rin,minamahal ka niya dahil ginamitan mo siya ng gayuma.Hindi mo ba na isip na malaking gulo ito kung malaman niya ang totoo?"
"Hindi niya malalaman basta walang magsasabi." Napairap na lamang siya saakin nong sabihin ko 'yon.
"Kaibigan tayo ,'di ba?"
"Tama ka,magkaibigan nga tayo,pero hindi ibig sabihin nun ay kokonsintihin ko nalang 'yang kalokohan mo!"
"Isusumbong mo ko?" Hamon ko."Ganoon nalang ba 'yon Clarissa? Sa tagal ng friends.h.i.+p natin dahil lang dito magkakasira tayo?"
"Bakit parang ako pa yata ang dapat mag-adjust? Klea ,ikaw ang nasa maling gawa,hindi ko kayang makita na ganyan ang ginagawa mo."
"Isusumbong mo nga ko?" Ulit ko pa.
"Itigil mo na yan." Mahina niyang utos.
"Hindi ko kaya,masaya ako sa anong meron samin ni Amir. Hindi ko naman kakayanin kung aaminin ako sa kanya na ginayuma ko siya."
"It.i.tigil mo ba 'yan o ang pagkakaibigan natin ang t.i.tigil?" Seryoso niyang hamon.
Nanlaki ang mata ko at napatayo kami pareho.
"Dahil lang ba rito Clarissa? Masisira ang pagkakaibigan natin?"
"Ayaw mo naman siguro na mangyari 'yon 'di ba? Nang matigil na 'yang kahibangan mo!"
"Hindi ito kahibangan ,alam mo yan!" Mangiyak-ngiyak kong sambit.
"Hibang,Desperada,gumagamit ka sa maling paraan para mahalin ng tao."
"Masisisi mo ba ko?"
Nakipagt.i.tigan siya sakin.
"Kaibigan kita Klea,ayoko na sa bandang huli ikaw lang ang masasaktan! Nauunawaan mo pa ba ko O hindi na dahil nalason na ng pesteng gayuma yang utak mo!!!" Singhal nito.
"Hindi ito basta pesteng gayuma ! Malaking tulong ito para magbago ang buhay estudyante ko! Hindi ka ba masaya, wala nang bubully sakin,hindi na nila ako pinagtritripan na tulad nong dati? Saksi ka sa mga nangyari sakin noon." May konting luha sa pisngi ko.
"Kahit ano pa sigurong paliwanag mo hindi ko na kayang makinig."
"Ganoon? Oh Sige! Kung hindi mo ko kayang suportahan sa ginagawa ko ,Friends.h.i.+p over na lang tayo!!" Hamon ko
Dumating naman sina Nixon, at Amir.Nakita ko 'yon dahil nasa likuran lang ni Clarissa ang dalawa.
"Finnneee! Friends.h.i.+p over!!" Kasa niya sa hamon ko.
Kinuha kaagad niya ang bag at malalaking hakbang siyang lumayo samin.Napahawak ako sa batok at noo sa mga nangyari. Hindi ko alam kung mababawi ko pa itong mga sinabi ko sa kaibigan ko.
"Anong nangyari?" Takang-taka tanong ni Nixon sakin.
Hindi ko naman din maopen ang mga nangyari.Tama kami lang ni Clarissa ang nakakalam nito.Palapit ang dalawa nang may dumating na tao.
"Amir, Nixon----Pinatatawag kayo ni Ma'am!" Cla.s.smate nila.
Tila binabasa nila ang mukha ko bago ako iwan,siguro nahihiya na silang magtanong dahil sa mga narinig nilang away namin ni Clarissa,kahit wala silang kaalam-alam sa puno't-dulo nito.Naupo muli ako para ibuhos ang sakit na nararamdaman ko.Ngayon, pa lang yata ay nahihirapan na kong tanggapin ang katotohanan na sira na ang friends.h.i.+p namin ni Clarissa dahil lang dito.
Wala na rin namang klase kaya ng umuwi kami ng kapatid ko na wala akong kibo.Naglakad lamang kaming dalawa,total ay maaga pa naman.
"Ate,parang sandali lang kitang nakita sa cooking show namin?" Bulaslas niya.
"May ginawa lang." Mapait kong tugon.
"Sayang hindi mo na kita yong medal na isinabit sakin." Hindi ko na sumagot pa,dahil masyado ng lutang ang isip ko.
Marahil ay napansin niyang wala akong gana makipag-usap, hinayaan na lamang niya ko.Nakarating kami sa bahay na wala pa sina Nanay at Tatay,ginawa ko muna ang gawaing bahay bago mag kulong sa kwarto,gumawa ng a.s.signments at maagang natulog.Ginising lamang ako ni Jomel kaya napabalikwas ako ng bangon.
"k.u.main kana raw,nasa labas si Kuya Amir." Tila si Jomel pa ang maingat na nagsasalita sa harap ko.
Nag-nod ako bago iwan niya.Walang gana akong lumabas ng kwarto.Lahat naman sila ay sabay-sabay na lumingon sakin. Alam ko naman, alam nila ang away namin ni Clarissa. Kilala kasi nila ko na pagdating sa away friends.h.i.+p, sobra akong apektado.Daig ko pa na broken hearted nito kapag nangyayari 'yon.
"k.u.main kana." Utos ni Nanay.
Naupo lang ako sa upuan.Kung saan may pagkain na sa lamesa.Dahan-dahan pa kong tinabihan ni Amir.
Hinawakan niya ang Balikat ko."Okay kana ba?" Hinawakan ko lamang ang kutsara tapos tumayo na.
"Hindi na po ako kakain." Tinalikuran ko nalang sila pero bago 'on ay tinawag muli ako ni Amir.
"Happy Monthsary."
Pigil na pigil ang luha ko na wag tumulo.Tumango lamang ako sa kanya, tsaka siya tinalikuran.
Inuusig tuloy ako ng aking konsensiya.Mas mainam kasi 'yong ako lang nakakaalam ng lahat kaysa may umuusig sakin,don kasi ako hirap na hirap.Hinayaan ko nalang na umiyak ng umiyak hanggang sa maktulog.
Kinabukasan,gutom na gutom ako,kaso ang pinaka nakakainis ay 'yong mugtong mugto ang mga mata ko.Hindi sana ako papasok pero kailangan kong pumasok dahil baka b.u.maba ang grades ko nito.Malaking kawalan 'yon sa pagiging scholar ko sa Academy.
Lahat ng tao ay nakatingin sakin habang papasok ng Academy. May iba nagbubulungan at ang iba naman ay lantarang pinaririnig sakin ang usapan nila.
"Baka nag-away sila ni Amir?"
"Baka naman na huli niya si Amir na may babae."
"Kaya nga siguro hindi papasok si Amir ngayon." Natigilan ako sa huling sabi ng student
Hindi raw papasok si Amir? Bakit kaya? Apektado ba siya sa nangyari sakin? Galit ba siya dahil Monthsary namin kahapon hindi ko man lang siya inintindi?Parang ang sakit sa puso na nasasaktan ako ng doble ngayon.