Potion Of Love - BestLightNovel.com
You’re reading novel Potion Of Love 28 Chapter 27 online at BestLightNovel.com. Please use the follow button to get notification about the latest chapter next time when you visit BestLightNovel.com. Use F11 button to read novel in full-screen(PC only). Drop by anytime you want to read free – fast – latest novel. It’s great if you could leave a comment, share your opinion about the new chapters, new novel with others on the internet. We’ll do our best to bring you the finest, latest novel everyday. Enjoy
Halo-halo ang nararamdaman ko buhat noong magkapag-usap kami ni Aling Carlota, batid kong nais pa niya b.u.malik si Amir sa huwesyon na mahal niya ko,pero nakiusap ako na kung maaari ay pag-iisipan ko pa muli.Gusto ko na muna kasing ayusin ang sa amin ni Clarissa. Ilang araw din siyang hindi sumasabay sakin ,pag-pasok,pag-uwi at kahit sa canteen ay hindi ko siya na kikita.Talaga yatang pinanindigan nitong Friends.h.i.+p over na kami ngayon. Talaga yatang nagmatigas siya,at tumaas ang kanyang pride.Sabi ko, sa sarili na once magkita kami ay ako na rin ang hihingi ng paumanhin,dahil sa totoo lang kasalanan ko ito.
"Okay ba kayo ni Clarissa?" Tanong sakin ni Nixon, habang nag-aabang ng masasakyan.
Nasa talyer ang kotse niya, kaya sya na itong kasama ko tuwing uwian.Nakikiusap nga ko na maglakad nalang kami pero hindi siya pumapayag,kung minsan pa nga ay siya ang laging nagbabayad sa pamasahe namin.
"Oo naman." Hindi ko siya matignan ng diretso.
"Bakit lagi niya kong tinatanggihan sa tuwing sinasabi kong samahan ka namin umuwi?"
"Hindi ba, noon pa yon? Hindi naman,talaga siya sumasabay sa uwian kahit sino sa atin." May dahilan naman ako.
"Eh yong tuwing lunch-break? Minsan siya pa kusang susundo saatin sa room."
"Baka naman diet,alam mo na.May secret admirer." Naka ngisi kong sabi.
"Kung sa bagay ,pero bakit ganoon na lang niya ko tanggihan?"
"Hmm,bakit na miss mo ba? Ikaw ha,ang dami mong dahilan.Bakit kasi hindi mo na lang aminin sakin na may gusto ka sa kanya?"
"Pwede ba?" Masama niya kong tinignan.
"Mabait si Clarissa ah? Mayaman na gaya mo.Saan kapa ba makakahanap ng gaya niya?"
"Tsk.Kayo ang topic dito ,bakit na punta samin?"
"Kasi naiintriga talaga ako sainyong dalawa,bakit kasi hindi na lang siya?"
"Kung ibalik ko kaya sayo ang tanong na yan?"
"Ha?"
"Bakit hindi na lang ako?" Diretso itong naka tingin sakin.
"Oo nga,bkit hindi na lang ikaw ang mahalin niya? Gwapo ka namin 'di ba?"
"Tsk,Slow..." Bulong nito.
"Bakit mo naman na sabi na slow ako?"
"Kasi hindi mo magets, hindi mo makita at maramdaman."
"Na ano?" Gulong-gulo kong katanungan dito.
"Wala,hayaan mo,at kung nagkaroon ng pagkakataon na magustuhan ko siya,kaagad kong ipapaalam sayo."
"Yehey! Sabi ko na nga ba eh!"
"Sabi ko,kung may pagkakataon nga 'di ba? Hindi naman ako umamin.Tsk."
"Okay, init ng ulo."
"Sumakay na tayo." Pinauna niya kong sumakay sa sasakyan.
"Ahm pwede magtanong?" Tanong ko sa kanya.
"Ano 'yon?"
"Kamusta si Amir?" Umismid ito,ipinasak sa headset sa kanyag ang tainga."
"Okay naman."
"Paanong okay? Hindi ba siya nagtatanong sayo? Or ano?"
Tatango tango ito marahil ay rock ang song na pinakikinggan niya.
"Hoy." Sinagi ko ang kanyang braso.
"Ohh?"
"Tinatanong kita."
Bahagya niyang tinanggal ang headset." Ano ba 'yon?" Tsaka Binalak sa tenga.
"Kung kamusta ba siya kako?" Ngunit nagpatuloy lang ito sa pakikinig ng musika.
Tinanggal ko ang headset, at pinakinggan kung ano ang tugtog ngunit wala naman palang tunog.
"Kainis ka!" Sabay bato sa kanya ng headset.
"Wag kana kasi mag tanong.Paano ka makakmove on?"
Isiniksik ko na lang ang aking katawan sa dulo ng sasakyan at hindi na siya nilingon pa.Mayamaya pa ay inilagay nito ang headset sa tenga ko.May tugtog na ito at hindi ko naman alam kung ano ang t.i.tle ng song.Marami nagsisakay, kaya mas lumapit pa siya sakin at inakbayan ako upang huwag mauntog sa gilid ko.Ganoon ka sweet din itong kaibigan kong si Nixon,kaya nakakapagtaka na wala pa siyang girlfriend.
"Tulungan mo kasi yang sarili mo para makapagmove on. Ikaw din ang mahihirapan." Bulong sakin.
Akala ko nga narinig ng mga nakasakay din sa sasakyan pero wala naman nagtatangkang tumingin samin.
"Kung mahal mo talaga siya, hindi kita pipigilan diyan sa nararamdaman mo, ang gusto ko lang naman ipabatid sayo na tanggapin mo ng buong puso.Hindi ka ba masaya dahil kahit sa tatlong buwan nakasama mo sya? Napakita, at naparamdam mo sa kanya yang totoo mong nararamdaman?"
"Tigilan mo nga ko? Hindi ko kailangan ang mga payo mong bulok." Pagtataray ko.
Tumawa ito ng malakas kaya naman nagtinignan ang mga tao samin.May dalaw.a.n.g estudyante rin na tumingin,panay naman siya papansin sa kaibigan ko, ngunit imbis na pansinin niya ang mga ito ay mas hinigpitan niya ang pagkakakbay sakin.Nanlaki ang mga mata,at nagkatingin ang dalaw.a.n.g estudyante ,hindi yata sila makapaniwala sa kanilang nakita.Akala yata nila syota ko 'tong poging kasama ko.Tinignan ko si Nixon nakatingin sa mga ito habang nakangisi.Pumara na ko at mabilis na b.u.maba.b.u.maba pa pala ang loko.
"Hindi pa naman dito bahay nyo ah?" Usisa ko.
"Common sense naman,malamang hinahatid kita."
"Alam mo nakakailan kana ah? Lagi mo ko ginaganyan."
Inakbayan niya ko ngunit ang iba rito ay binigatan niya ang braso nito sa aking balikat.
"Hoy! Ang bigat kaya ng braso mo!"
"Ang arte naman ng best ko."
"Ewan ko sayo,heto na bahay namin,pwede kana umuwi."
Kakamot kamot siyang nakatingin sa loob ng bahay namin.
"Wala pa ba kayong makakain?" Nakangisi niyang usisa .
"At may balak kapang makikain ah? Hindi kapa ba na busog sa kinain natin?"
"Iba naman kasi 'yon kaysa sa kanin."
"Nandiyan na pala kayo! Tara na sa loob,nandito na si Amir." Sabay pasok ng Tatay.
Nagkatinginan kami ni Nixon. Dahan-dahan pa kong pumasok habang nag,-iisip kung bakit nandito siya.
"Nandito na pala si Ate." Sabi ni Jomel.
"Nixon,dito kana rin k.u.main bago kayo umuwi ni Amir." Paanyaya naman ni Nanay.
"Hindi pa ba alam ng mga Nanay na wala na kayo ni Amir?" Bulong sakin ni Nixon.
"H-hindi ko pa nasasabi." Tugon ko.
"Ano pa ba binubulong nyo diyan,tara na.Klea,maupo na kayo ni Nixon." Sabi ni Tatay.
Wala naman din kaming nagawa kundi sumunod nalang.Tahimik lang si Amir habang k.u.makain kami,wala rin ba napapansin sila na hindi kami nagkikibuan nito?
"Ah Klea." Tawag ni Amir sakin.Lahat kami tahimik na hinihintay ang kanyang sasabihin.
"May pinadala pala si t.i.ta para sayo.Pinalagay na lang ni Nanay sa kwarto mo."
Ugh.Pumasok siya sa kwarto namin ni Jomel.Malamang na kita niya mga pictures namin together.
"Ok." Sabi ko na lang at nag patuloy sa pagkain.
Sabay-sabay naman kaming lumingon sa pintuan ng may malalakas na katok kaming na rinig.Tatayo na sana ko ng si Nixon ang naunang mag
bukas ng pinto.
"Wow! Himala nandito ka!" Tuw.a.n.g tuwa sabi ni Nico, ngunit hindi ko pa alam kung sino ang kausap niya.
"Sino yan kuya Nico?"tanong ni Jomel.
"Hi Nanay ,h.e.l.lo Tatay!" Si Clarissa pala.
Bigla naman akong kinabahan sa pagdating nito.Baka kaya nandito siya para ibuko niya ko?
"Clarissa! Bakit ngayon ka lang na padpad dito?" Usisa ni Tatay.
Naka tingin sakin ang kaibigan ko."May mga inasikaso lang po kaya ngayon lang po na punta."
"k.u.main kana ba? Tara." Paanyaya ni Nanay
"Tamang-tama po, kanina pa ko nagugutom.Dumaan po talaga ko rito para matikman ang niluto nyo." Tumabi siya sa kinauupuan ni Amir habang si Nixon ay tumabi na sakin.
"Reunion ba 'to?" Natataw.a.n.g tanong ng kapatid ko.
Sa pagsambit nito sa Reunion ay labis kaming na gulat ng b.u.magsak ang napakalakas na ulan.