BestLightNovel.com

Potion Of Love 3 Chapter 2

Potion Of Love - BestLightNovel.com

You’re reading novel Potion Of Love 3 Chapter 2 online at BestLightNovel.com. Please use the follow button to get notification about the latest chapter next time when you visit BestLightNovel.com. Use F11 button to read novel in full-screen(PC only). Drop by anytime you want to read free – fast – latest novel. It’s great if you could leave a comment, share your opinion about the new chapters, new novel with others on the internet. We’ll do our best to bring you the finest, latest novel everyday. Enjoy

Kulot na Pandak

Hindi ko namalayang nasa harap ko siya.Nagising lamang ang aking diwa ng pitikin nito ang aking ilong.

"Ouch" Reklamo ko.

"Kanina pa nag lalawa 'yang bibig mo." Namulsa siya habang naka tingin sa ibang direksyon.

"Kainis." Bulong ko habang hawak ang ilong.

"Ano bang ginagawa mo rito?"

"Tinulungan ko lang si Ma'am Faustino." Turo ko naman Kay ma'am habang abala sa gamit.

"Oh?"

"Anong oh?" Usisa ko.

"Bakit nandito kapa?"

"Paalis na nga eh." Inirapan ko na lang."Sungit mo.Kala mo pagsisisihan mo lahat ng pagsusungit mo sakin." Sana narinig niya para naman tamaan at makonsensiya.

Yun nga lang kung may konsensiya. Ewan ko ba,kung bakit gustong-gusto ko ang tulad niyang walang patawad sa gaya ko.Alam niyang gustong-gusto ko siya,ayaw pa ko pag-bigyan!

"Hoy,kulot !" Habol niya sakin.

Sinamaan ko na lang siya ng tingin habang nakanguso.

"Uuwi kana ba?"

Umayghad. Isasabay niya ko pauwi?

"Okay lang.Susunduin naman ako ni Tatay."

Kunot noo niya kong tinitigan."Anong sinasabi mo diyan? Idaan mo lang 'to sa guard!" Hinagis sakin ang isang susi pero diko naman nasalo.Ang bilis kaya ng paghagis niya.

Pahiya pa ko ng kalahati."Ano naman sasabihin ko?" Inis kong tanong.

"Pakisabi,ayusin ang pagpark ng kotse ko.Alam niya 'yun,basta inaabot mo lang 'yan.Kahit huwag mo na lang kausapin baka matakot sayo." Nangbuwisit pa!

Todo irap ako sa kawalan dahil sa inis.Kailan ba ko magt.i.tiis sa pagiging mayabang ng isang 'to? Gaya nang utos niya ginawa ko naman,nandoon na pala si Tatay na naghihintay sakin.

"Akala ko ba half day lang kayo bakit matagal ka 'yata lumabas?" Nagtataka na naman si Tatay.

"Alam mo naman Tatay. Masyadong matulungin ang Anak nyo kaya lagi late." Nagtawanan nalang kami bago umalis sa University.

Halong kaba at excitement ang nararamdaman ko sa oras na 'to.Sana nga meron ngang GAYUMA.

"Nay!" Nasa labas si Nanay ngayon ng shop.

"Oh.Nag meryenda na ba kayo?" Tanong samin ni Tatay.

"Hindi pa po." Sagot ko.

"Pumasok muna kayo rito.Wala si Aling Carlota ngayon eh.May hinatid na mga orders."

Pumasok naman kami ni Tatay. Hangang hanga naman ako sa loob ng shop dahil ibat-ibang bote ang naka display sa bawat corner.Habang ang ilang pwesto ay maraming dahon-dahon pero diko na alam kung para saan yun.Sa bandang dulo naman ay nandoon ang kusina.Binigyan kami ni Nanay ng tinapay at Juice.Sinamantala ko naman,habang nag-uusap ang dalawa,lumibot ako sa kabuuan ng shop.Narito at may mga kung anu-ano pang nakalagay sa bote.Meron din sa loob nito na may ugat-ugat. Kinikilabutan nga ko dahil feeling ko nandito lang yung gayumang binebenta ni Aling Carlota.Mayamaya nagpaalam din si Tatay.Susunduin nalang daw kami ni Nanay bago mag ala singko,nagkaroon pa rin ako nang pagkakataong lumibot pa at usisain ang mga gamit ni Aling Carlota. May nakita akong maliit na bote at may nakaprinted na naka sulat.'Love' kukunin ko sana kaya lang.


"Klea?"

"Hi Aling Carlota." Hindi ako mapakali.Baka kaya nakita niyang kukunin ko yun.Hala,wag naman sana.

"h.e.l.lo.Nandito ka yata ngayon?" Usisa niya.

"Ah opo,half day lang naman po kami.Sasabay na rin ako Kay Nanay pauwi para may kasabay siya."

"Himala pumasok ka ngayon sa shop ko?"

"Pinagmeryenda po kasi kami ni Nanay. Kayo po,mag meryenda muna."

"Tapos na ko.Pinagmeryenda ako ng reseller ko." Ibinaba nito ang bag sa lamesang maliit.

"Ah mabuti naman po pala." Hindi ako nakatingin ng maayos sakanya.Para kasing marunong siyang magbasa ng iniisip ng tao eh.Nakakatakot baka malaman niya na may pakay talaga ako rito kaya ako pumasok.

"Ngayon mo lang nakita itong loob ng shop noh?" Tila nag uumpisa siya mag-alam.

"Ah Opo,dati hindi talaga ako pumapasok."

"May dahilan pa ba bukod sa pinapasok kayo ng Nanay mo para magmeryenda?" Patay ! Ayan na nga ba sinasabi ko eh.

Manghuhula nga talaga itong si Aling Carlota.

"W-wala po." Nauutal na ko. Halatang nagsisinungaling!

"Sure ka?Baka may kailangan ka rito."

"Talaga po?" Napaisip din naman ako sa biglang tanong ko.

"Sa School,may mga projects kayo na pwede rito mabili." Dugtong niya sakin.

"Wala pa naman ho." Iwas na iwas ako sa kanyang pagt.i.tig.

"Ah Okay.Sabihan mo lang ako kapag may kailangan ka.Libre ko na lang sayo."

Nabuhayan ako sa sinabing 'libre' pero may sinabi naman ang utak ko na. Ibibigay kaya niya yung libreng gayuma? Baka nga hindi ako payagan nitong b.u.mili eh.

"Salamat po.Lalapit na llang po ako Kay Nanay kapag may kailangan para masabi sainyo."

"Okay.Maiwan muna kita diyan may gagawin lang ako sa taas."

"Sige po." Sinundan ko ang bawat lakad niya patungong Second floor nila.

Muli naman nagtama ang paningin ko isang bote.Gusto ko itong tignan kaya lang baka makita ako ni Nanay at isipin pang interesado ako sa bagay na hawak ko.Mukhang negatibo ang mangyayari ngayong araw dahil wala pa kong plan na dapat gawin.

Magtatanong lang naman ako eh tapos iyon na.Kaya lang baka nga kasi isipin na gagamit ako ng gayuma dahil sa baliw na baliw ako sa isang lalake O kaya pwede rin idahilan kong sa kaibigan ko.Kaya lang sino? Kay Clarissa? Baka magtaka pa sina Nanay dahil alam nilang si Clarissa ang hinahabol ng mga lalake. Bahala na nga. Mas mainam magpakatotoo nalang.

Pinili ko na lang na manahimik sa isang sulok para mapigilan na rin ang pagka gusto sa bagay na gusto kong makita.

Mula nung sunduin kami ni Tatay, ang isip ko lutang na lutang. Paano nga kung na ayuma kona siya? Ano kaya call sign namin? Baby? Babe ? O di kaya naman Mahal ,kaso masyadong OA ang mahal ,pwede rin honey pero pang mag asawa lang naman yun,di pa naman kami magpapakasa. Ahh basta siya na lang tatanungin ko kapag naging kami na.

"Jomel." Tawag ni Nanay sa kapatid ko.

"Po."

"Paki dala nga ito Kay Aling Tasing." Inaabot kay Jomel ang isang kilong baboy.

"Naaay ! Ako na lang po! Papunta rin naman ako kina Clarissa." Aniko.

"Baka magpagabi ka na naman."

"Magpapa hatid nalang po ako Kay Nixon."

"Sa bagay may kotse rin naman yun .Oh Sige.Pakisabi nga pala Kay Aling Tasing na two hundred fifty ang isang kilo ha? Isang kilo lang yan." Sabi na isang kilo lang to eh.

"Opo." Nagpalit kaagad ako ng damit tsaka umalis na.

Ang layo ng bahay nila Aling Tasing ay katumbas ng dalaw.a.n.g kanto ,pero dahil nagt.i.tipid ako ay naglakad-lakad nalang para bawas taba na rin sa katawan.

"Aling Tasing.Isang kilo raw po yan. Two hundred fifty."

"Ah saglit kukunin ko lang yung pera sa loob." Pumasok ito sa bahay nila.

Habang hinihintay si Aling Tasing, dumaan ang kotse nila Amir.Huminto ito saglit sa tapat ko pero hindi ko na rin pinansin dahil lumabas na rin si Aling Tasing sa bahay nila at inaabot ang perang bayad sa kilo ng baboy.

"Salamat po.Mauna napo ako."

"Sige lang.Pakisabi na next week kukuha ulit ako ha? Salamat Klea."

"No problem po Aling Tasing! Salamat din po!" Paalam ko na rito.

Wala na rin ang kotse nila Amir kaya naman kampante akong maglalakad patungo sa bahay nila Clarissa.Malapit na rin naman ang bahay nila rito kaya walk walk na lang din ako.

"Klea ,pumasok kana rito." Sigaw sakin ni Clarissa. Nasa garden na sila ni Nixon at k.u.makain ng chips. Pumasok na ko at naupo sa tabi ni Nixon.

"Ang sakit sa paa." Reklamo ko habang minamasahe ang paa.

"Nilakad mo lang ?" Usisa ni Nixon sakin.

"Oo.malapit lang naman.Kesa naman mag tricycle pa ko ang mahal kaya Thirty five pesos!"

"Sabi ko naman kasi sayo susunduin kana lang ng driver namin ayaw mo pa." Si Clarissa naman..

"Sus. Kinaibigan ko kayo dahil mababait kayo hindi para abusuhin. Sa katunayan nga ang dami nyo nang naitulong sakin tapos dadagdagan nyo pa."

"Ginagawa namin 'to kasi ayaw namin na mahirapan ang special friend namin." Nakatingin naman si Clarissa sakin ng sabihin yun ni Nixon.

Para bang bawat sasabihin ni Nixon may issue Kay Clarissa.

Yun ang diko naman alam kung bakit? Tingin ko kasi sa dalaw.a.n.g ito may relasyon bale pangpagulo lang talaga ako ( sabit nga sabi nila).

"Kaya nga pala pinapunta kita rito kasi may ibibigay ako." Inilabas ni Clarissa ang isang ticket."Hindi kasi ako makakapunta diyan.May bakasyon grande rito sa bahay at dadating ang mga relatives nila Mom and Dad." Halos lumuwa ang mata ko sa ticket na inagaw ko Kay Clarissa.

"To-to-totoo ba 'to???? Concert ng A1."

"Sayo ko na lang ibibigay."

"Hindi rin kasi ako pwede eh. Maraming gagawin sa Juice bar ni Mom." Siwalat ni Nixon.

"Ibig sabihin , Sakin na ito? As in sakin na talaga.?"

"Oo nga! VIP TICKET yan Klea ! Kaya talagang makaka daupangpalad mo pa sila!"

Nagtatalon ako sa tuwa .Seryoso. Idol na idol ko talaga ang Boyband na A1. Since elementary pa lang ako.Sobra kasing ang gaganda ng kanta nila lalo ung 'If you were my girl.' .

"Puntahan mo yan ha? Sayang din yan kung di magagamit." Paalala ni Clarissa.

"Oo naman.Alam nyo naman na sobrang Lodi ko itong A1."

"Pa birthday ko na rin sayo yan." Bulaslas pa sakin.

"Talaga?? Alam mo ito na yata ang pinaka the best gift na matatanggap ko sa birthday ko." Yumakap ako sa kanya.

"Eh ganoon? Paano naman ako? I mean ,yung ireregalo ko sayo hindi the best?"

"Tampo kaagad si Nixon ko eh! Syempre ,kung gaano the best yung kanya dapat sayo rin!"

"Talaga?"

"Oo nga."

"Good. Akala nga namin si Amir lang ang The Best sayo eh."

"Eh syempre ibang usapan na yun Nixon."

Mapakla ang ngiti niya sakin bago tumayo "Okay ! Pero ikaw din sa kahahabol mo sa kanya hindi mo alam yung lalakeng para sayo lumalayo."

Pumasok ito sa loob ng bahay ni Clarissa.

"Nangyari roon?" Usisa ko.

"Dramatic Prince."

"Matanong ko nga. May GF na ba si Nixon?"

"Ewan."

"Bakit di mo tanungin ? Mas close kaya kayo!"

"Hindi ko dapat pansinin ang love life nya noh."

"Dahil ikaw ang gusto niya tama?"

"Ha? Hindi ah!" Tanggi nito.

"Weh?"

"Hindi nga! May ibang gusto siya noh! Issue ka ha."

"Sa Section A din ba?"

"Hindi. Ibang section."

"Ah Section B?"

"Hindi rin."

"Section C?"

"Mas lalong hindi. Alam mo naman na maraming inis si Nixon sa mga lalake roon."

"Sa Last section? Samin? Seryoso? Kanino doon? Sa muse ba namin na si Charline?"

"Gwapo si Nixon pero tingin mo sa ganda siya tumitingin?"

"Ewan ko. Wala pa naman kaming usapan tungkol sa mga nagugustuhan niya.Parang ang alam lang niya eh pag-aaral at lista ng mga estudyanteng pasaway."

"Yun ang Akala mo."

"Sino nga?"

"Secret baka sabihin mo pa eh! Sikretong malupet yun Klea!"

"Ah ganyanan na ha?"

"Ayoko na sakin mang gagaling."

"Okay. Kulitin ko siya." Pareho kaming ngumiti nang lumabas si Nixon may dala  na itong tubig.

"Oh.Baka nauhaw ka sa paglalakad kanina." Abot skin ni Nixon.

"Ang sweet naman ng Bestfriend ko." Niyakap ko ang kanyang braso.

"Ayun naman eh.Sweet nyo.Bagay kayo!" Banat ni Clarissa.

"Magtigil."

"Mas bagay kami ni Amir."

"Hindi kaya! Mas bagay kayo ni Nixon.Ayaw mo pa ba sakanya? Hindi mayabang katulad ni Amir." tinitigan ko naman ang mukha ng kaibigan ko at nag isip.

Totoo naman. Malayong malayo ito sa ugali kaya lang mas attractive talaga ako Kay Amir. Same silang Gwapo pero mas malakas ang karisma nito kaysa kay Nixon.Hindi rin ako nag paabot ng gabi at hinatid na ko ni Nixon sa bahay. Tulad dati gustong-gusto nilang pumapasok si Nixon sa bahay dahil kahit mayaman hindi matapobre.

"Kuya Nixon.Kamusta ba ang mga pasaway na estudyante? Kasama ba doon si Ate Klea?"

"Hindi pa naman. Baka malapit na rin." Kakamot-kamot niyang tukoy.

"Aba.Umayos siya ." sabat ni Nanay

"Hindi naman gawain ng anak natin yun.Ano ka ba naman." Pagtatanggol ni Tatay sakin

"Eh malay mo ba kung inaya ni Amir sa kung saan. "

( Wow! Yun ang lagi ko pinangarap pero malabo )

"Kausapin nga ko ng matino hindi niya magawa. Ayain pa kaya kung saan." Bulaslas ko.

"Ay kawawa naman pala ang anak naminBakit kasi hindi nalang itong si Nixon ang gustuhin mo? Kilala namin at mabait talaga." Nakatingin sakin si Nixon habang iiling-iling si Tatay.

"Tay. May ibang gusto yan At alam nyo ba kung saan?"

"Saan?" Usisa ni Jomel.

"Sa last section."

"Oh! Oh ede ikaw yun!" Sabi ni Nanay.

"Naaaay ! Mahiya ka nga nandito si Nixon ngayon oh. Naririnig kayo."

"Hindi klea. Okay lang yon."

"Pasensiya kana."

"Sanay na ko. "

"Mabuti naman.Siguro kung si Amir ang nandito? Baka inis na inis na yun sakin."

"Wag mo na nga kasi banggitin.k.u.main na kayong dalawa.Ininit ko ang buto-buto."

"Wow! Yun po ulam nyo? Favorite ko yan!" Si Nixon na rin ang kusang lumapit sa hapag kainan. Nang aasar naman ang tatlo ng puntahan ko si Nixon sa kusina.Parang mga sira yun.Alam naman nilang si Amir ang gusto ko eh.

May nag-text naman sakin na unknown number.

"Hoy Kulot na pandak ! Ita !"

s.h.i.+t ! Mukhang alam ko kung sino ito.

Please click Like and leave more comments to support and keep us alive.

RECENTLY UPDATED MANGA

Potion Of Love 3 Chapter 2 summary

You're reading Potion Of Love. This manga has been translated by Updating. Author(s): Ayieshien1991. Already has 751 views.

It's great if you read and follow any novel on our website. We promise you that we'll bring you the latest, hottest novel everyday and FREE.

BestLightNovel.com is a most smartest website for reading manga online, it can automatic resize images to fit your pc screen, even on your mobile. Experience now by using your smartphone and access to BestLightNovel.com