BestLightNovel.com

Potion Of Love 43 Chapter 42

Potion Of Love - BestLightNovel.com

You’re reading novel Potion Of Love 43 Chapter 42 online at BestLightNovel.com. Please use the follow button to get notification about the latest chapter next time when you visit BestLightNovel.com. Use F11 button to read novel in full-screen(PC only). Drop by anytime you want to read free – fast – latest novel. It’s great if you could leave a comment, share your opinion about the new chapters, new novel with others on the internet. We’ll do our best to bring you the finest, latest novel everyday. Enjoy

Klea's POV

Tiktok ng orasan, ugong ng aircon, langitngit ng upuan, pagpilas sa pahina ng notebook, at pagbagsak ng isang kamay sa lamesa. Lahat kami na tigilan sa pagsagot ng exam upang tignan si President. Tumayo siya sa gitnang harapan.

"Tapos na kayo?" kalmado ngunit halata rito ang pag-aalala.

"Last page na!"

"Wait lang,"

"Tapos na ko,Yehey!"

Buntong hininga ang narinig ko sa kanya bago magsalita. "Ten...."

"Hala, Pres. Wait lang! Uy, ano sagot ninyo sa number thirty five?"

"Nine..." ay s.h.i.+t, wait lang. Hindi pa ko tapos may dalaw.a.n.g questions pa.

"Eight ,seven ,six...."

Shems, na kakataranta yung pagbibilang niya. Hindi ako makapag-concentrate sa tanong. Ano ba 'to? Ano nga ulit? Sino may gitnang apilyedo na Edralin? Shems, pang-Elemetary itong lecture ha?

"Three, two, one...."

"Haaaa?! One agad? President naman," reklamo ko.

"Nagrereklamo?" dilat na dilat ang mata nang tignan ako. Nag-peace sign ako sabay binilugan ang huling sagot.

Kusa kong inabot sa kanya ang test paper ko. Pagkakuha niya may ngiti sa labi itong nakatingin.

"Wow, perfect."

"Perfect? Grabe ka,"

"Pustahan?" alok niya.

"Ano ipupusta mo?" nakngisi niyang nilapit ang mukha sa mukha ko.

"Sasabihin mo sa akin kung bakit wala ka nang nararamdaman sa kanya." walang k.u.mukurap isa sa amin.

"At aaminin mo kung sino na pumalit sa kanya."

Tinapik ko ang noo, "Pinagsasabi mo?" para mawala kami sa usaping iyon ay ako na k.u.muha ng mga test paper ng iba para iabot sa kanya.

"Klea Maceda, kilalang direct to the point sa nararamdaman pero bakit tila nagbago ang ihip ng hangin?"

"Lubayan mo ko," na gawa kong irapan bago hablutin ang bag palabas sa room. Marami na siyang nalalaman sa buhay pag-ibig ko. Kung umamin siya sa akin hindi ako magtataka kung bakit ganyan siya.

"Klea!" ugh, President, Lubayan mo ko. Mahirap kang pagsinungalingan eh. Nalalaman mo kaagad kung nagsasabi ako ng totoo o hindi.

Pinasa niya sakin ang kalahating test paper, "Kakain na ako,"

"Tumulong ka muna bago k.u.main," naglalakad niyang sabi. Sinabayan ko siya.

"Hindi ko na talaga kaya," naka pout ko pang reklamo.

"Libre kita," abot langit ang ngiti namin pareho.

"Actually, kaya ko pa naman tiisin ang gutom. Tutulungan kita rito." humalakhak ito na para bang wala ng bukas.

"Ganyan kasaya ang President namin kapag lakas mangbuwisit."

Inakbayan ako kahit marami itong dala, "Hindi ako nanbubuwisit."

"Aray, ang bigat ng braso mo!" sigaw ko rito. Sakto naman nasa tapat na kami sa room ng Section A. Lahat sila nakatingin sa'min.

"Wala na yata mas bibigat sa mga tingin nila sa atin," bulong niya. Kaagad niya kong hinatak palabas ng building.

"Ano nga pala nangyari kanina sa Section A?" tanong ko ng patungo kami sa Faculty ni Mama.


"Ewan. Hindi na siguro tungkol sa atin yun. Aba, magwawala ako kapag tayo na naman ang dahilan ng gulong yun."

"Grabe yung sugat at gasgas ni Amir kanina. Nakakawa."

"Concern?" Nakngisi.

"Medyo. Tamang bugbog ang mga cla.s.smates niya. Kilalang bully si Amir kaya nakakapagtakang hindi man lang siya lumalaban,"

"Pansin ko rin iyon. Tsaka, bakit sinabi ni Leny na mag-Jowa na sila ni Amir. Ibig sabihin ba nito wala na kayo?"

"Parang ganoon na nga,"

"Sino nakipaghiwalay?"

"Ako," kagat ko ang lower lip.

"Ikaw? Ba't siya pa ngayon una nagkJowa kung ikaw pala nakipag-break?" gusto ko sana matawa sa sinasabi niyang Jowa pero tingin ko serious type muna kami.

"Baka na tauhan ang tao sa sinabi ko tungkol kay Leny. She was so perfect. Kaya nga ipinagtulakan ko siya rito,"

"Bakit mo ginawa yun? Wala na ba siyang puw.a.n.g sa puso mo?"

"Hay, mahabang kwento."

"Pwede mo i-kwento," naksmirk sabay taas ang isang kilay.

"Hay, ano pa nga ba." nadaan kami sa Clinic. Nandoon ang mga alipores ni Leny sa labas.

"Tignan nyo kung sino dumaraan ngayon,"  Bulaslas ng isang panget na alagad. Ang sasama ng tingin sa akin.

"Hoy, nag-uumpisa na naman kayo ah! Lubayan nyo si Klea." pagtatanggol ni Pres.

"Tignan mo nga naman, kahit saan magpunta may psuperhero."

"Tumigil na kayo...." nagbago ang tono nang pana.n.a.lita ni Pres dahilan para tumigil nga ang mga ito.

"May pag-asa pa para magbago. Nahahawa lang kayo sa ugali ni Leny," sabi ko pa. Mga nagkatinginan sila. "Pwede nyo ko maging kaibigan."

"Sino nagsabi na maghakot ka ng mga kaibigan?" si Leny! Tumingin sa mga alipores niya, "Dito kayo sa likod ko!" mabilis nagsitago ang mga ito sa likod.

"Grabe ka," sabi ko.

"Ano ka pa? Anong panggap mo Klea? Manghihimok ng kaibigan para dumami?"

"Wala akong intensyon na agawan ka ng kaibigan." pagtutuwid ko.

"Really? Anong tawag dyan sa sinabi mo? Pwede ka nila maging kaibigan?" magsasalita sana si Pres pero pinigilan ko.

"Hindi masasama ugali ng mga kaibigan mo. Alam mo kung bakit ganyan sila? Simple lang, dahil sayo. Tinatakot mo sila. Ganyan ka ba makipag-kaibigan?"

"Ano ba pakialam mo? Humihingi ba ko ng opinyon tungkol sa pagkkaibigan namin?"

"Hindi kaibigan ang tawag dyan," sumabat si President. "Sa tingin ko, ikaw ang pinuno habang sila ay mga alipin. Ganoon ang tingin kong tawag doon."

"Shut up!"

"Ayoko. Mas mabuti kung ikaw ang manahimik at makinig sa'kin." inakbayan niya. "Unang-una kung gusto mo maging malanding bruha wag kana mangdamay." ngiting-ngiti si President pero bigla syang siniko. "Ouch!"

"Malanding bruha pala ah?" hindi ko mapigilan matawa sa dalawa habang nag-aasaran. Ngayon ko lang din napansin na tumatawa si Leny. Marahil masaya siya dahil b.u.malik na sa kanya si Amir.

Hindi ko na pansin nakatingin pala sa akin si Leny. Pilit kong itinago ang ngipin upang wag niya mabalingan ng inis. Sa magandang sabi, inirapan lang ako at iniwan kami. Habang nakasunod ang mga alipores niya.

"Grabe,amazona yata yun." nawala ang ngiti ng mapagtantong nakat.i.tig ako.

"May dumi ba sa mukha ko?" siniyasat ang mukha kung meron nga ba.

"Tara na nga." kinamot-kamot niya ang buhok bago kami sabay muli maglakad. Sa 'di inaasahan o sinasadyang pagkakataon nakasalubong namin sina Clarissa at Nixon.

Yung pagwawala ng puso ko parang may hinahabol na magnanakaw sa bilis nito. Wag... Wag sana mapansin na hindi ko keri makipag-usap sakanila ngayon.

"Hi Best!" niyakap ako ni Clarissa.

"h.e.l.lo," si Nixon, nakatingin sa akin. Oh my G.o.d, please, wag ngayon.

"Saan kayo?"

"Ihahatid namin itong test paper," si President sumagot.

"After?" sa akin tumingin.

"Kakain ng lunch,"

"Ah, sabay na kayo sa'min?" s.h.i.+t, President please, wag kang papayag. Papatayin kita.

"Ah, pwee---" hinarangan ko siya para hindi ituloy ang sasabihin.

"Pwede, kaso...ihahatid nga namin itong test paper. Mabilisan lang din kaming kakain dahil ang alam ko kami ni President ang magche-check nito. Kaya hindi pwede, 'di ba Pres?" pilit ang ngiti ko. Dinidilatan ko na rin ng mata para makuha niya ang nais ko.

"Ahhhh, oo.Oo nga pala. Pasensiya na kayo. Sa mga susunod na araw na lang tayo k.u.main ng sabay-sabay." nagtatanong ang mga mata niya kung bakit ko sinabi yun.

"Mauna na kami wah! Bye Clarissa, Bye Nixon!" sinukbit ko ang kamay sa kanyang braso upang wala na siyang kawala sa panghahatak ko palayo sa dalawa.

*****

"Bakit mo iniiwasan ang kaibigan mo?"

"Sino? Ako??"

"Ay, hindi. Kausap ko mga test paper." Nilapit niya sa mukha ang hawak. "h.e.l.lo mga test paper. Bakit mo iniiwasan ang mga kaibigan mo? h.e.l.lo?" psimple tumingin sa'kin ng mapagtanto niyang hindi ako tumawa.

"Hindi ko iniiwasan ah. May dahilan ba para gawin ko yun?"

"Meron nga ba?"

"Wala!"

"Ows? Yung butas ng Ilong mo Ohhhhhh..."

"Hays, tigilan mo ko. Wag ka nga p.i.s.sue."

"May feelings ako...." Humarang ako sa nilalakaran niya.

"Wag mo nang ituloy,"

"Bakit? Feeling ko kasi may something sainyong tatlo."

"Wrong feeling yan," nakasimangot kong sabi.

"Talaga? Yung nararamdaman ko sayo mali pa rin ba yun?"

"Ha?" kusa niya kong nilapitan. Kung wala siguro kami hawak na papers baka malapit na malapit na sya sa akin. Kulang na lang mahahalikan na naman niya ko.

"May aaminin ako sayo. Tutal malapit na rin matapos ang taon natin bilang high school." lumingon siya sa paligid. Nang mapagtantong walang tao ay kinuha sa akin ang hawak ko. Sabay----- kiss sa labi ko. Ugh! For the second time! Nag-walk-out siya na wala man lang sinabi kung bakit niya ginawa ulit yun sa pangalaw.a.n.g pagkakataon.

Gusto kong kiligin sa ginawa niya pero gusto rin mainis ng sarili ko dahil lagi niya ko ninanakawan ng halik. Hinabol ko siya ngunit kay bilis naman maglakad. Hanggang maabutan ko siya sa faculty ,kausap ni Mama. Pareho pa silang tumingin ng pumasok ako.

"k.u.main na muna kayo bago gawin ito," utos ni Mama na wala man lang kaalam-alam sa kalapastangang ginawa ng President namin.

"Okay Maaaam----" lakas makbuwisit ng lalakeng ito ah! Binatukan ko nga ng makalabas kami sa Faculty.

"#* mo ka!" gigil kong mura rito.

"Ang lutong ng mura," nakpout.

"Mas malutong yang ulo mo. Buwisit ka, alam mo nakakdalawa kana!"

"Alam ko," binatukan kong muli. "Araaay! Halik lang naman yun ah, parang wala pa nakakahalik sayo."

"Ah ganoon? Hoy ,para  sabihin ko sayo. Nagpapahalik lang ako sa taong gusto ko."

"Ah ganoon ba? Hehe, sorry na."

"Sorry, dahil diyan dadamihan ko ang order ng makabawi man lang,"

"Pwede mo bawiin ang halik ah? Bakit sa pagkain pa?"

"Aba, gusto mo pangatluhan pa!"  Babatukan ko sana pero dumating si Blaze.

"Ang sweet naman. Ang daming langgam oh," satsat niya.

"Isa kapa,"  bahala nga sila dyan. Walang magawa sa buhay kundi pagtripan ako.

Alam kong nakasunod sila dahil may pinag-uusapan ang dalawa tungkol sa gaganapin na graduation. Narating namin ang canteen,pero...sobrang awkward, hindi dahil maraming tao kundi nakita ko sina Clarissa. Tumakbo ako,hindi pasulong kundi paatras. Doon ko lang din naalalang nasa likod ko ang dalawa.

"Aray!" bulyaw ni Blaze ng tignan ko hawak ang paa. Marahil, natapakan ko kakamadaling takasan ang dalawa.

"Ano ka ba? Ang clumsy mo." sabat ni Pres. Tinignan namin ang available table. Pero wala na talaga. Meron pa naman available na upuan kina Clarissa,good for three at tingin ko para nga talaga sa'min yun pero syempre, para hindi masaktan si Blaze sa dalawa at ako na rin ay hinatak ko ang dalaw.a.n.g loko palapit sa pwesto ng mga cla.s.smates namin. May available pang apat na upuan.

Feeling ko ang layo ng nilakad ko palapit sa kanila. Dinaig ko pa tumakbo sa kahabaan ng oval. Umupo ako habang pinupunas ang pawis sa mukha.

"Ano kakainin mo?" Si President, hindi na umupo pero dumukot ng wallet na makapal. Aw! Yaman talaga. Tutal libre naman niya kakain ako ng marami.

"Lahat," tugon ko.

"Seryoso?" Di makapaniwala tanong ni Blaze.

"Oo, seryoso."

"Okay, lahat daw. Pati ako wah?" Sabi niya kay President.

"Anong lahat daw ,pati ikaw? Sinabi ko ba ililibre kita?" busal niya.

"Hindi pero syempre, nakakahiya naman sa'kin. Si Klea ililibre mo tapos ako hindi?"

"Close tayo?" tinabihan naman siya ni Blaze.

"Ayan, close na tayo."

"Maglubay."

"Minsan mo lang ako ilibre." parinig niya.

"At never yun. Ang yaman-yaman mo!"

"Bakit si Klea ba hindi?"

"Kahit na! Wala ka sa usapan namin."

"Sige na libre mo na ko. Nang mexperience kong malibre ng ibang tao."

"Iba ka rin noh?"

"Pumayag kana. Sa susunod ako naman ang manlilibre."

"Kahit wag na," hinila nito sa laylayan. "Tulungan mo ko sa mga order."

"Kaya mo na yan,"

"Hoy, sinabi nga ni Klea lahat daw kakainin niya. Tingin mo makakaya kong buhatin yun?"

"Kaya mo nga'ng bilhin lahat,makakaya mo rin buhatin." Dinilatan siya ng mata. "Oo na, heto na po President." k.u.mindat bago sila lumayas.

"Klea, hiwalay ka yata ng table sa bff mo?" Nagtatakang tanong ng isa namin cla.s.smate.

"Syempre, ano ka ba naman. Mag-jowa na yung dalawa. Binibigyan lang ng time ni Klea para masolo ang isa't-isa." komento ng isa.

"Kahit na, dapat kasama kapa rin." binigyan ko siya ng manahimik-klook. Mukhang nakuha niya sinabi ko dahil tumigil sila kakokray sa'kin.

Susundan ko muna yung dalawa. Baka mapikon ako at makasapak ng wala sa oras eh. Pagtayo---- ugh, si Nixon, ugh. Harapan ko na.

"Doon na kayo sa pwesto namin." teka, nagpapcute ba mata nito o sadyang na kyu-kyutan lang ako?

"Ha? Ah, kasi...ano... may pag-uusapan pa kami ng section namin. Hindi ba mga cla.s.smates?" Binigyan ko ang mga cla.s.smates ko ng sumang-ayon-kayo-kung-ayaw-nyong-maliin-ko-exam-nyo-look.

"Ahhhh oo! Naku, Pasensiya na Nixon."

"May pag-uusapan pa kami na dapat kami lang makarinig. Alam mo na."

Muli kong hinuli ang kanyang tingin. Sana lang ay maniwala siya dahil kung hindi ay mawawala na naman ako sa konsentrasyon.

Buntong-hininga itong tumingin, "Sige. Pwede ba tayo mag-usap mamaya?"

"H-ha?" malapit ng dapuan ng langaw ang bibig ko,lagi na lang nakanganga.

"Pupuntahan kita sa bahay ninyo." pinisil ang pisngi ko bago umalis. Taranta akong umupo dahil paparating sina President.

"Ano sinabi sayo ni Nixon?" nakasimangot na tanong ni Blaze. May padabog-dabog pang nalalaman.

"Pinapalipat tayo sa table nila," sabay-sabay kami lumingon sa dalawa. Ang sweet nga eh,kulang na lang ang langgam nagdidiw.a.n.g.

"Wag na kamo. Tignan mo ang sweet-sweet. Baka lalo magselos si Klea niyan." Banat ni Pres.dahilan para samaan ko ng tingin.

"Kahit 'di mo sabihin selosa talaga si Klea, 'di ba mga cla.s.smates?!" tawanan sabi ng isa namin kaklase.

"Gusto nyo samain sa'kin?!" bulyaw ko sa mga ito. Nagawa kong hampasin ang lamesa.

Inalalayan akong maupo ni President, "Relax mahal namin Prinsesa. Wag mo na lang pansinin ang mga cla.s.smates natin. k.u.main na." ang lambing niya. Sobra.

"Pasalamat kayo may pagkain," buwelta ko sa lahat. Nagniningning ang mata ko ng mapansin ang maraming pagkain. Kanin, ulam, cheese curls, at kung anu-ano pa.

"Ang sarap k.u.main ng libre noh?" satsat ni Blaze. Nag-umpisa na naman itong dalawa. Bahala nga kayo diyan. Basta ako masaya dahil marami pagkain.

"Hindi mo pa nararanasan malibre kasi ikaw lagi nanlilibre ganoon?"

"Ganoon na nga,"

"Subukan mo magsabi sa mga kaibigan mo." Tumingin sa akin si Blaze.

"Ano?" tanong ko.

"Libre mo ko wah?"

"Asa,"

"Damot,"

"Mas mayaman ka kaysa sa'kin." Buwelta kong muli.

"Di nga? Ang alam ko mayaman si Ma'am Faustino,"

"Sa kanya yun,hindi akin."

"Anak ka niya."

"Hindi tagapagmana," natatawa kong sabi pa.

"Ikaw lang tagapagmana nun, or else may iba ka pang kapatid. Pero sabi nga ni Ma'am ikaw lang ang anak niya."

"Paano kayo nakakasiguro na siya lang ang anak?" singit ni President. Pareho kami tumingin sa kanya.

"Malay nyo kung may kapatid pala siya sa labas?"

"Kung meron man. Kapatid lang sa Papa niya hindi sa Mama." buwelta rin ni Blaze.

"Oo nga. Ang pera ni Mama para sa kanya lang. Mabuti sana kung----"

"Magtigil na nga kayo. Bilisan nyo dyan." na inis yata si Pres.

Matatapos na kami k.u.main ng biglang buhos ang ulan. Ang mga estudyante sa labas nagsipasok sa loob ng canteen. Halos magkingay ang kabuuan dahil sa tuwa.

"Akala ko makulimlim lang kanina."

"Wala pa naman akong payong na dala."

"Salo na lang tayo."

"Gusto ko maligo sa ulan! Whoo!"

"Hindi ka siguro na ligo kanina noh?"

Kung anu-ano pa na rinig ko habang tinatapos ang pagkain. May sinesenyas sa akin si President mula sa likod pero hindi ko naman makuha ang ibig niya.

"Tignan mo raw yung dalaw.a.n.g daga," hindi kinaya ni Blaze ang bitterness kaya siya na nagsabi. Usual , ang sweet nila. Sobra. Dapat yata umalis na kami rito bago pa pumutok ang Bulkang Blaze.

"Tapos na ko," mabilisan kong kinuha ang bag. Hindi ko na nilingon kung sino sumunod ang importante ay makalis ako. Kung minamalas, wala akong payong na dala.

"Best! May isa pa kong payong dito. Magsasalo na lang kami ni Nixon sa payong niya." kapit-tuko si Best sa Bestfriend namin. Hay, sana mawala na itong nararamdaman ko. Siguradong habang buhay akong maiilang tuwing kasama sila.

"Thanks Clarissa, pero kasalo ko na si Klea sa payong ko." ugh, salamat Pres. Hulog ka ng langit. Hindi ako mapipilitan sumabay sa kanila dahil sa payong na ipapahiram niya.

"Mauna na kami sainyo." buong ngiti kong paalam sa kanila. Todo akbay itong President. Kung hindi mo lang ako sinagip malamang lagot ka sa akin.

"Pilit sumasama si Blaze, ang sabi ko may gagawin pa tayo. Mabuti naman ay hindi na nangulit pa."

"Kung t.i.tignan ang gwapo niya pero sa kaloob-looban ang kulit niya. Nakapagtataka dahil nawalan ng gana si Clarissa sa kanya samantalang sinabi niya sa'kin mas attracted siya sa mga lalakeng may sense of humor." mahaba kong sabi.

"May sense kasama si Nixon tama?"

"Pwede rin, pero nakikita ko sa kanya yung pagiging sweet. Kung magiging close rin kayo, I'm sure makikita mo yun. Sa amin nga lang ni Clarissa sobrang sweet. What for sa magiging girlfriend niya. At iyon na nga...si Clarissa ang girlfriend nito." malungkot nguni't may saya kahit paano sa puso ko.

"Aminin mo sa'kin. May nararamdaman ka na ba sa kaibigan mo?" napalunok ako at hindi nakapagsalita. "Wag mo na lang siguro sagutin dahil ramdam ko. Sino nga hindi magkakagusto sa gaya niya. Wala na yata akong makita sa kanyang panget na ugali. Kaya hindi ako magtataka kung bakit-- bakit minamahal mo na siya ngayon."

"S-sinasabi mo?" binilisan ko ang paglalakad dahilan para mabasa ako sa ulan.

"Klea, sandali! Malakas ang ulan. Ikaw talaga," ginulo ang buhok ko gamit ang isang kamay. "Mapagkakatiwalaan mo ko sa lahat ng bagay." muling dugtong niya.

"Alam ko naman iyon,"

"Pwede mo ko maging Kuya,"

"Kuya, pero may magkapatid ba na hinahalikan ang kanyang kapatid?" namula ang magkabilang pisngi nito.

"Gusto mo pala ako maging kapatid pero ginawa mo yun," hindi ko naiwasan sumimangot.

"Ano-- kasi--"

"Op! Palalagpasin ko lahat ng kasalanan mo." ambon na rin naman kaya kinuha ko ang payong upang mauna sa paglalakad. Hindi mawala sa labi ko ang isang ngiti. Ngiti na kailanman ay hindi mawawala dahil may isa na kong kuya na maitatawag. Hindi man pareho ang dugong na.n.a.laytay sa katawan namin pero masaya ako dahil ang bait ng kuya ko.

****

Kaming dalawa lang ni President ang andito sa Faculty nila Mama. May pailan-ilan lamang dumarating pero aalis din. Sa akin ibinigay ang test paper ng mga lalake,habang sa kanya ang mga babae. Una kong chineck ang test paper ni Blaze. Curious lang ako sa talino niya kung hanggang anong percent ito. Halos lahat kasi kilala ko siya lang ang hindi.

"May score kana," mahina niyang sabi sa akin habang iwinawagayway ang papel.

"Talaga? Ano?"

"Hindi pwede. Sasabihin natin ito sa harap natin lahat."

"Ang daya, malalaman ko rin naman yan,"

"Mas masaya kung sabay-sabay tayong nakangiti at iisipin ang isusuot natin pang-loob sa toga." pumalakpak ako sa tuwa.

"Oo nga, sana lahat tayo ay makapasa."

"Yan din ang hangarin ko." muli kami nagcheck hanggang sa matapos.

Halos lahat ng lalake na cla.s.smates ko ang score ay nasa seventy plus. Hindi ko lang alam kung anong percent pasado dahil up to one hundred ang tinake namin na exam. Hindi mawala sa isipan namin ang masayang balita sa lahat. Kung kami masaya, paano pa kaya sila na naghihintay habang nakatayo kami sa harap. Kasama namin si Ma'am Faustino upang marinig ang resulta. Unang nagsalita si President, ganoon din ang resulta. Halos lahat nasa eighty plus ang scores.

"At ang panghuli, Miss Klea Maceda, one to one hundred ang score niya ay ninety two." na gulantang ako sa huli niyang sinabi. Nabibingi nga ba ako o dahil sa hiyawan nilang lahat?

"Congratulations Klea ikaw ang Top sa inyong lahat na babae."

"Akalain mo yun!"

"Yehey! Pcheese burger kana."

Lumapit sa akin si Mama."Congrats anak, sabi na at magagawa mo yan ng mas mainam." hindi ko na pigilan maiyak sa sobrang saya. Naki-usap na ituloy ko ang pagsasalita para malaman na rin ang scores ng mga lalake. Una kong binasa ang score ni Blaze na nakakuha ng ninety score at sa panghuli ang President namin na nakakuha ng Ninety five.

"Hindi lamang sina Blaze, President, at Klea ang dapat i-congrats dahil lahat kayo ay aakyat ng stage sa darating na graduation day!"

Oh my G.o.d, ibig sabihin lahat kami? Walang maiiwan. Walang iiyak sa kalungkutan ,kundi sa kasiyahan. It's my dream to start.

******

Nagpaalam ako kay Mama na puntahan sina Nanay, Tatay, at Jomel, upang ibalita ang nangyari. Kung tutuusin, ngayon lang ulit kami magkikita dahil ang tagal kong hindi nakuwi.

"Talaga ba anak? Masaya ako para sayo." litanya ni Tatay na ngayon ay yakap ko. Sobrang na miss ko ang yakap niya. Lalo ngayon ay nandito na muli ako sa bahay kung saan kinalakihan ko.

"Dito kana rin maghapunan." buong galak akong inalalayan ni Nanay sa upuan.

"Oo nga Ate,tsaka pwede rin kahit dito kana muna matulog. Miss ko na may kasama sa kwarto matulog." dugtong ni Jomel.

"Sana nga,pero...baka hindi ako payagan ni Mama. Gusto ko sana matulog dito. Nakakamiss na ang bahay."

"Ang bahay lang?" inakbayan ako ni Jomel.

"Syempre, kayo. Miss na miss ko talaga."

"Bakit hindi ka papayagan ng Mama mo?" si Nanay.

"Huling practice na namin bukas. Kailangan agahan ang pasok. Sa susunod na araw graduation na."

"Ede agahan mo gumising! Dati naman nilalakad mo lang papasok sa school. Tsaka may bike dyan,pwede natin gamitin." suggest ng kapatid ko.

"Tatawag ako," kukunin ko sana cellphone pero naki-usap sina Tatay at Nanay na sila kakausap dahil may sasabihin din itong importante. Umakyat kaming masaya ni Jomel sa kwarto kung saan magkasama kami.

"Nandito pa rin yan?" turo ko sa wall. Nakadikit pa rin ang mga poster ng A1 at maging ang mga picture ni Amir.

"Hindi ko tinanggal dahil umaasa akong babalik ka at dito na ulit t.i.tira." mahina niyang pagtatapat habang nakupo sa kama niya.

"Pati itong bedsheets ko hindi mo inalis, Ugh, Jomel, grabe ka sa'kin." mangiyak-ngiyak kong wika.

"Kahit man lang dyan maramdaman kong may Ate pa rin ako." tinabihan ko siya maupo.

"Sobra ko na appreciate ang ginawa mo. Sana nga ay dito na lang ako, pero marami ng nagbago. Kung dati okay lang kahit dito ako matulog. Syempre, malulungkot naman si Mama kapag dito ako tumuloy." tumayo ako malapit sa bintana. Naalala ko dati kung paano ako nasasabik tumanaw sa labas para lang tignan kung daraan si Amir. Ngayon, sobrang wala na kong maramdamang tuwa tuwing naaalala siya.

"Ang dami kong na miss dito. Iyong gigising ako sa umaga para k.u.main ng almusal ni Nanay. Tapos sabay-sabay tayo kakain bago pumasok sa school at si Tatay ay papasada. Excited akong uuwi sa bahay dahil alam kong nandiyan na si Tatay at hinintay si Nanay galing trabaho. Matutulog kasama ka pero bago iyon mangbubuwisit ka muna. Hay,"

"Pwede pa natin gawin iyon,"

"Kung papayag si Mama. Minsan nga ibig nun tumabi ako sa pagtulog kaya lang nahihiya rin magsabi dahil isipin niya dalaga na ko at mahihiya sa kanya."

"Ang hiling ko lang sana kahit weekend dito."

"Magagawan natin ng paraan. Tutal malapit na bakasyon 'di ba? Oh, kamusta ang pag-aaral? Bihira rin kita makita sa school."

"Madalas nasa room lang ako."

"Bakit?"

"May iniiwasan lang akong tao," taas kilay kong tinignan siya. "Ano ba iniisip mo?"

"Yung iniiwasan mo,"

"Wag mo nang isipin dahil 'di ko rin sasabihin."

"Babae?"

"Hindi,"

"Lalake?"

"Hindi,"

"Hayop?"

"Pwede," medyo alangan ng konti.

"Uhm, Hayop talaga hindi tao?"

"Oo,"

"Ang hirap naman,"

"Di ba sabi ko wag mo nang alamin." tinabihan ko siya sa kama.

"Pwede ka magsabi sa'kin kung may problema at gumugulo sayo."

"Wag na. Lalake ako ,at karapatan ko sigurong maayos ito na ako lang."

"May nambubully ba sayo?" hindi nagsalita pero alam ko na sagot.

"Talaga ba Jomel?" nag-aalala kong tanong. Marahan na tango lang ang ginawa niya. "S-sino? Bakit ka binubully?"

Ilang segundo lang lumipas bago niya ko tanungin ng ganito.

"Ate, mukha ba kong bakla?" k.u.malabog ang puso ko. Tila,kuha ko na kung ano ipinupunto niya.

"Tinutukso ka nilang bakla?" malungkot niyang tango. "Bakit nila sinasabi yun? h.e.l.lo ~ mas mukha ka ngang lalake sa iba mong cla.s.smate na lalake 'di ba? Anong dahilan bakit ganoon ka nila bullyhin?"

"...dahil wala raw silang nalalaman tungkol sa babaeng na gugustuhan ko."

"Ganoon lang? na bully ka kaagad?"

"Lagi ko kasi kasama yung cla.s.smate kong lalake. Medyo may pagkselahis yun. Iniisip nila kaya wala akong crush o girlfriend dahil may relasyon  kami ni Jordan."

"Bakit hindi sabihin ng Jordan na yun wala kayong relasyon at isang Fake news lang."

"Napaka mahiyain eh, alam mo yun. Parang isang maria Clara kung k.u.milos."

"Dapat pinagtaggol ka man lang. Kung tunay siyang kaibigan dapat ginawa niya yun."

"Hayaan mo na ate."

"Sayang, ang ganda pa naman ng Name niya tapos bakla pala." pareho kami tumawa ng malakas. "Pero kung hindi ka nga bakla. Sino nga ba crush mo o may girlfriend kana?"

"Ate naman!"

"Tinatanong lang kita. Anong ate naman. Sa'kin mo muna patunayan na lalake ka nga. Tell her name."

"Hindi mo siya kilala," nahihiya nitong banggit.

"Kahit na hindi kilala tell her name."

"Clarissa," mahinang-mahina ngunit bigla akong napisip.

"Hindi ko kamo kilala 'di ba?" tumango, "kapangalan lang ni Clarissa. Ah okay,"

"Hindi mo kilala dahil iniiwasan mo na sila." nagt.i.tigan kami. "Si Clarissa na crush ko at kaibigan mo ay iisa. Noon pa lang ay gusto ko na siya. Iyon nga lang malayo ang agwat ng edad namin kaya ni minsan hindi ko na sabi sakanya ang nararamdaman ko."

Nawalan ako ng kibo. Kung tutuusin, maganda talaga si Clarissa. Sino bang lalake hindi nagkagusto sa kanya? Maganda na mabait pa. Hindi ko masisisi ang kapatid ko kung bakit crush niya nga ito. Kahit kailan talaga ang talino ng kapatid ko inilulugar niya. Bukod kasi sa itinatago niya ang nararamdaman,alam niyang hindi pwede. Hindi pwede dahil malayo ang agwat nila at malabong maging sila.

"Kakain na!" Sigaw ni Nanay mula sa labas ng pinto.

"Mamaya natin pag-usapan ang tungkol dyan. Tara k.u.main na tayo. Excited na kong k.u.main dahil luto ni Nanay yun." kinikilig kong sambit habang sinusundan siyang palabas ng kwarto.

Masaya namin pinagsaluhan ang buong hapunan. Tawa rito,tawa roon. Parang ang tagal namin hindi nakitkita. Sumakit ang tiyan ko kakatawa at maging ang panga ko ay hindi maibalik sa dating pwesto dahil hindi ko maiwasan dumadaldal para i-kwento ang nangyari noong hindi kami nagkita ng ilang buwan. Naki-usap ako na maghugas ng pinggan dahil dati ko naman gawain iyon. Habang sina Nanay at Tatay ay pumasok sandali sa kwarto nila at si Jomel ay binabantayan ako sa ginagawa.

"Ate,"

"Bakit?"

"Sana pumayag Mama mo noh?" naku! Nakalimutan ko na, hindi ko naitanong kay Nanay at Tatay kung ano sinabi ni Mama.

Saktong pumasok si Nanay, " Pumayag ang Mama mo matulog ka rito. Ang sabi ko may ibang uniform kapa namin dito kaya wala tayong problema."

"Talaga po? Yes! Paano ba yan Jomel?" nag-thumbs up ito sa'kin. "Tatapusin ko muna ito tapos tatawagan ko si Mama. Magpapaalam ako kung pwedeng every weekend nandito ako para hindi ko kayo masyado mamiss."

Pagkatapos ko maghugas ng pinagkainan ay tinawagan ko si Mama. Hindi naging mahirap para sa'kin dahil pumayag kaagad ito sa kagustuhan namin. Habang abala kami magkwentuhan ni Jomel sa kwarto,pumasok si Tatay sa loob.

"Klea, nasa labas si Nixon hinahanap ka." nakalimutan kong gusto nga pala niya ako kausapin.

"Sige Tay, Lalabas na ko." lumabas kaagad kasama si Jomel. May halong pang-aasar itong kapatid ko bago mawala.

Halos liparin ko ang cabinet ko upang maghanap ng lipstick. Sabay suklay at inayos-ayos ang suot kong damit. Kinakabahan ako. Ano naman kaya pag-uusapan namin? Sana lang ay huwag niyang mahalata na ilang akong makusap siya.

"Good evening Klea," ang-- ang gwapo niya sa suot niyang polo s.h.i.+rt na kulay rosas. Bagong gupit din ito at halatang bagong paligo.

"Ate! May pasalubong si Kuya Nixon sa atin ohh," pinakita ang isang box ng donut.

Ngumiti ako, "Salamat." sabay tingin kay Nixon.

"Wala yun."

"Ah Tay, Nay, mag-uusap lang kami sa labas." paalam ko.

"Ipagt.i.timpla ko kayo ng Tea. Maganda sa katawan yun habang masinsinan ang pag-uusapan." loko ni Nanay!

"Halika Jomel, doon ka sa kwarto muna namin ng Nanay mo. Baka matukso kang pakinggan ang pag-uusapan ng dalawa." baliw si Tatay!

"Tama po kayo riyan! Nay, bilisan mo. b.u.malik ka kaagad ha?" siyang gatong ng kapatid kong ubod ng loko.

"Yan. Ganyan ang na miss ko sainyo eh. Ang hihilig manloko pagdating sa'kin."

"Kung ibang tao lang ako. Iisipin kong magkakamag-anak talaga kayo." makahulugan sabi ni Nixon.

"Oh siya! Gawin nyo na mga gagawin nyo. Tara Nixon." todo iwas ako na huwag niyang makita ang pagkilang ng lumabas kami sa bahay.

Naupo kami sa labas kung saan nandito pa rin yung favorite kong tambayan tuwing gabi. Nakakamiss ang ganitong gawain ko noong nakatira pa ko rito.

"Congratulations Klea. Alam mo masayang masaya kami ni Clarissa ng malaman namin nakapasa kayong lahat."

"Salamat." Please, wag mo ko tignan ng ganyan.

"Bukas last practice na."

"Oo nga eh. Alam na rin namin kung paano gagawin."

"Eh, ano nga pala inilagay mong University sa College Form mo?"

"Ah ikaw? Ikaw muna."

"Ikaw muna."

"Ikaw na. Hindi kita gagayahin promise." na tawa ako sa sarili kong biro.

"Sa Achievers University."

"Talaga? Ang ganda roon ah! Siguro mataas na kurso ang kinuha mo."

"Oo, itutuloy ko ang sinimulan ni Daddy."

"Mabuti iyon."

"Ikaw naman ba saan ang University na papasukan mo?" usisa niya.

"Ah actually, hindi pa ko nakakapag-fill up."

"Seryoso?"

"Hindi ko pa alam kung saan. Baka kasi hindi ako makapasa sa exam na ibibigay ng University na gusto kong pasukan."

"Matalino ka. Tiwala akong mapapasa mo kahit na anong exam. Eh, ano nga ba kukunin mong kurso kung sakali?"

"Gusto ko maging artist," mabilis kong tugon.

"Wow! Pasado ka kaagad diyan. Sa ganda mo magpinta malabong hindi ka mapasa."

"Salamat," tila mga kuliglig ang nangibabaw nung na tahimik kami. Tinitigan kasi niya ko kaya todo iwas ang mga mata kong huwag niyang mahuli.

"Pwede ba b.u.malik kana?" basag niya sa katahimikan.

"Ha? Saan ba ko pumunta?"

"Hindi literal na umalis ka kaya pinababalik na kita. Ang ibig kong sabihin, ibalik mo na yung dating Klea sa buhay ko, sa buhay namin ni Clarissa. Oo nga't naging kami pero ikaw naman itong umiiwas na huwag kami samahan sa lahat ng bagay."

"Hindi ako umiiwas ah,"

"Kung hindi , bakit hindi kana sumasama sa'min?"

"Ano kasi, uhm, busy nga 'di ba? Kailangan kong maglaan ng oras para makapag-review dahil magte-take kami ulit ng exam noon."

"Naiintindihan ko," ohmy ! Ba't ganon tingin niya sa akin. Parang inaakit niya ko. Hindi ko mapigilan labanan ang paninitig niya sa akin. Hala, Klea, please umayos ka. Boyfriend na siya ng Bestfriend mo. Umayos ka.

"Bakit?" di ko napigilan magtanong.

"Na miss kita," tumayo ito sabay yakap sa'kin. Kung dati hindi sa akin issue ito pero ngayon ay sobrang may laman ang ginagawa niyang pagyakap.

Minsan iniisip ko kung may feelings pa ba siya sa akin. Kasi kung meron pa parang ang gara naman jinowa niya si Clarissa. Pero, kilala ko si Nixon. Maaaring si Clarissa na nga ang iniibig niya. Marahil ay nakalimutan na niya ako at kusang na lang na paG.o.d ang puso niya kahihintay sa akin.

"Sa tagal natin hindi nagkasama gustong-gusto kong tanungin kung bakit hiwalay na kayo ni Amir."

"Ahm,"

"Akala ko ba mahal na mahal mo siya? Bakit kung kailan--- kailan,"

"Kailan ano?" hinintay kong magsalita siya pero hindi na tinuloy. "Nixon?"

"Sorry,"

"Bakit ka nagso-sorry?"

"Sorry, hindi na kita na hintay." ibig sabihin , mahal na nga niya si Clarissa. Ibig sabihin nang hindi na niya ako  na hintay dahil nagbago na ang feelings niya sa akin.

Kung tutuusin, kasalanan ko ito. Kung hindi ako na bulag  sa katotohanan baka ngayon... masaya kong kasama siya at si Clarissa ang nasa sitwasyon ko ngayon. At kung mahal nga ni Clarissa si Nixon, siguro pipiliin ko na lang na tama ang ginawa ko. Dama ko kung ano sa pakiramdam ang umasa ka sa wala at maghintay na mahalin ka ulit ng dati mong tinuring na kaibigan.

Mahal na nga kita By : James Wright

Ito background nila habang nag-uusap. Bitinin ko muna kayo mga Bebe ;) Read this chapter ;)

Please click Like and leave more comments to support and keep us alive.

RECENTLY UPDATED MANGA

Potion Of Love 43 Chapter 42 summary

You're reading Potion Of Love. This manga has been translated by Updating. Author(s): Ayieshien1991. Already has 798 views.

It's great if you read and follow any novel on our website. We promise you that we'll bring you the latest, hottest novel everyday and FREE.

BestLightNovel.com is a most smartest website for reading manga online, it can automatic resize images to fit your pc screen, even on your mobile. Experience now by using your smartphone and access to BestLightNovel.com