BestLightNovel.com

Potion Of Love 51 Chapter 50

Potion Of Love - BestLightNovel.com

You’re reading novel Potion Of Love 51 Chapter 50 online at BestLightNovel.com. Please use the follow button to get notification about the latest chapter next time when you visit BestLightNovel.com. Use F11 button to read novel in full-screen(PC only). Drop by anytime you want to read free – fast – latest novel. It’s great if you could leave a comment, share your opinion about the new chapters, new novel with others on the internet. We’ll do our best to bring you the finest, latest novel everyday. Enjoy

Amir's POV

NAMIMILIPIT ako sa inis dito sa higaan. Ilang araw na ko naghahanap sa kanya pero wala akong magawa. Wala akong mapagtanungan kung nasaan na siya. Pinipilit ko si t.i.ta pero hindi niya masabi sa'kin.

Karapatan ko malaman dahil girlfriend ko siya. Karapatan ko siyang mahanap dahil magiging asawa ko na siya. Pero ano ito? Lahat na lang ba ng pagtatanungan ko ay hindi alam kung nasaan siya? Ano 'to, bigla na lang nawala, ni hindi man lang sila nag-aalala. Sa palagay ko, may kinalaman ang pamilya niya rito. Nakaka siguro ako roon.

b.u.malikwas ako, kasabay nun kinuha ko ang wallet, susi at cellphone sa table. Pababa na ko ng maratnan ko si t.i.ta may kausap sa cellphone. Kaagad itong nagpaalam sa kausap ng mapansin ako sa kanyang gilid.

"Saan ang punta mo?"

"Hahanapin siya." inis kong tugon.

"Amir, tama na. Huwag kana mag-aksaya ng panahon para hanapin ang ayaw magpahanap."

"Sinasabi ko na nga ba at may alam kayo rito. t.i.ta, please, sabihin mo sa'kin kung saan siya nagtatago. Malapit na kaming ikasal. Ano bang balak nyo?!"

"Tigilan mo na ang anak ko. Huwag mo na siya hanapin, wag mo na balakin matutuloy ang kasal niyo."

I sigh. "Paano mo na sasabi sa'kin yan t.i.ta? Akala ko ba okay na sainyong ikasal kami ni Klea? Eh, ano 'to? Ano ba problema nyo sa'kin!" Bulyaw ko rito.

"Yan! Dahil sa ugali mo! Akala mo ba hindi ko alam ang ginagawa mo sa kanya tuwing may pinagseselos ka sa kanya?! Ni minsan hindi ko nasaktan ang anak ko. Ni minsan hindi ko siya napagbuhatan ng kamay. Pero ikaw? Anong karapatan mo para saktan ang anak ko! Boyfriend ka lang niya pero hindi pagmamay-ari!"

"SHUT UP t.i.tA!!!"  umiinit na naman ang ulo ko. Ayoko sa lahat ay iyong pagsasabihan ako at susumbutan sa lahat ng mga ginagawa ko.

"Bawasan mo ng kabastusan ang ugali mo Amir! Baka nakakalimutan mong nasa pamamahay kita?" pananakot sa'kin.

"Ah ganoon ba? Ano gagawin mo? Palalayasin mo ko?" Sarcastic kong taong. "Kayang-kaya ko na buhayin ang sarili ko. Sa katunayan nga, mas malaki ang na ambag ko sa business ni Daddy, ikaw? Ano ba nagawa mo?"

"Nagiging bastos ka." inis niyang wika.

"Matagal na, ngayong may karapatan ka palayasin ako, pwes , karapatan ko rin bastusin ka. Hindi naman talaga kita kadugo 'di ba?"

Itinuro niya ang pintuan, "Get out!"

Sarcastic ko siyang tinignan. Gusto ko ipamukha sa kanya na kahit mas matanda siya sa akin ay akala nito hindi ko siya papatulan. Kahit magiging byenan ko pa siya, wala akong pakialam.

PINAHARUROT ko ang kotse. Isang tao lang ang dapat kong lapitan kapag may problema. Siya lang ang nakakintindi sa akin.

Nakarating ako sa kanyang office. Actually, nasa meeting daw ito. Naghintay ako ng ilang minuto bago kami magkita sa pinaka lobby ng building. Ang formal ng suot nito, tulad ng mga isinusuot ko kapag may meeting kami sa ibang lugar.


"Insan?" hindi makapaniwala niyang panimula. Lumapit ako sa kanya upang tabigin ang kanyang balikat.

"Nagulat ka?"

Sarcastic niya kong tinignan. "Kagagaling mo lang dito noong isang araw, hindi na ko magugulat kung bakit nandito ka na naman."

"Kukulitin lang kita," sabi ko.

"Wala kang mapapala." buong tapang niya kong nilagpasan.

"Magkano ba binayad sayo ni Klea?" tanong ko na ikinatigil niya.

"No money involved here. I just did what's right."

"Right? Tama bang itago ninyo sa akin si Klea? Iyon ba ang sinasabi mong tama ha, Blaze?!"

"Klea is happy wherever she is. Kalimutan mo na ang babaeng hindi na ikaw ang laman ng puso niya. Marami pang iba diyan na mas papansinin ka ,kaysa ikaw ang maghabol."

"Sa sinasabi mo, parang alam ko nang kasama niya si Nixon ngayon. Blaze, what happened to you? Akala ko ba magkakampi tayo rito?"

"Akala ko rin eh. Nung una, okay kapa pero, patawarin mo ko, hindi ko na kaya mtake ang ugali mo. Sanay ako sa ugali mo mamahiya ng tao pero yung manakit? Iba na yun, mauunawaan pa sana kita kung isang beses mo lang ginawa sa kanya iyon pero...maraming beses na insan. Maraming beses na."

"Ganoon? Babaliktad kana? Ako na ngayon ang kaaway mo rito ha?"

"First of all, wala tayong kaaway dito Amir. Ginawan mo lang ng issue eh. Imbes na tanggapin mo na lang ang katotohanan parang pinalala mo pa. Ginamitan mo pa siya ng gayuma para ibigin ka niyang muli."  Halatang dissapointed ang pinsan ko sa mga nagawa ko.

"Ginawa ko ito dahil sobrang mahal na mahal ko siya. Nagagalit ka sa'kin dahil nagmumukha akong tanga kakaasa pero----"

"Nope, I never say that word. Hindi ako galit dahil sa nagmumukha kanang tanga. Galit ako dahil naninira kana ng ibang tao. Hindi ba pwede hayaan mo na lang sila? Sila naman talaga itong totoo nagmamahalan eh."

"Ayoko na makipagtalo. Paulit-ulit lang tayo eh. Nakakasawa na mga pangaral nyo."

"Sana pati sa kanya magsawa kana rin. May panahon pa para magbago at b.u.malik ang mabuti sa dati. Alam mo tatanggapin kapa ni Klea sa buhay niya kung palalayain mo siya."

"Pero bilang kaibigan lang, at ayoko ng ganoon. Mahal ko siya, Blaze, mahal ko siya! Hindi mo ba nararamdaman itong nasa puso ko?! Mahal ko siya. Mababaliw ako, mamatay kapag na punta siya sa ibang lalake."

Nakuha kong magwala sa lobby. Pinapanuod kami ng mga tao. Iniisip yata nilang may toyo ako sa ulo.

"Insan, please, mag-usap tayo ng maayos. Doon tayo sa Bar. Tara na," hahawakan sana niya ko pero kusa akong lumabas ng building.

Nauna ako sa kotse. Nakita kong lumabas na rin siya sa bas.e.m.e.nt buhat ng kanyang sasakyan. Sinundan ko lang ito hanggang marating namin ang bar na hindi pa nagbubukas dahil masyado pang maaga. Pinauna ko lamang siya b.u.maba bago ako sumunod sa kanya papasok sa loob.

May dalaw.a.n.g tao lamang meron dito. Isang manager at isang staff na abalang inaayos ang gamit para mamaya.

"Sorry sir pero closed pa po kami," Magalang na paumanhin ng manager.

"Please, may mahalaga kaming pag-uusapan ng kaibigan ko. Saglit lang at lalabas din kami." sabi naman ni Blaze.

"Sorry po talaga," pag-kunwa'y nalulungkot nitong sagot.

"Saglit lang kami rito. If you want uubusin namin ang best seller nyong alak para lang pumayag kayo." Hamon ko.

Tumingin siya sa staff at pagkatapos ay tumango. Binigyan kami ng konting s.p.a.ce para makapasok sa loob.

"Doon kami sa VIP Room. Dalhan nyo kami ng maraming alak. Yung tipong wala ng uwian." dugtong ko bago kami iwan ng manager.

Pumasok kami sa isang VIP room, then sinimulan kong magsalita kahit wala pang dumarating na alak.

"Dapat na ba ko magbago?" hindi ko alam kung tama itong tinatanong ko sa kanya. Gayong alam ko naman ang isasagot nito.

"Kung gugustuhin mo. Marami ng hindi na tutuwa sa ginagawa mo Amir. Marami na silang galit sayo."

"Masama na ba magmahal?" Tumayo ako at binuksan ang yosi. Nagsimula lang ako ginamit nito after graduation namin. Hindi ko pinahalata kay Klea sapagkat alam kong magagalit siya.

"Nagiging masama lang ang pag-ibig kung hindi mo aalagaan ng maayos. Tulad ng pagmamahal mo sa kanya. Sinasaktan mo kahit hindi dapat. Parang masaya kapa kapag nakikita mong nahihirapan ang mahal mo."  inagaw niya ang yosi saka isiniksik sa ashtray.

"Siya kasi!" sinuntok ko ang pader. Lumayo sya sa akin dahil papasok sana ang staff pero pinigilan niya. Ibinaba niya ang mga alak sa table.

"Sinisisi mo siya dahil iba ang mahal niya tama ba ko? Pwes, sisisihin din kita. Kasalanan mo kung bakit tuluyan lumayo ang loob niya sayo. Okay lang kung sobrang sweet mo, at may konting pagkaseloso pero hindi talaga maganda tignan na saktan ng lalake ang isang babae. What if kasal na kayo? Kapag uminit 'yang ulo mo, basta mo na lang siya masasaktan kasi nasanay ka na. Lalayo talaga ang tao kung ganyan ang trato mo." Inabutan niya ko ng alak.

Itinungga ko ito ng diretso hanggang sa maubos ang laman.

"Hindi mo gayahin si Nixon Guevara. He's so sweet, gentle and loving. Napaka perpekto na nang tingin ni Klea sa kanya. Ni minsan hindi ko na kitang pagbuhatan niya ng kamay ang mahal mo. Ni respeto pa nga niya ito noong under siya ng potion mo. Sa madaling sabi, martir siya pero okay ang pagiging martir niya. Wala siyang masasaktan at walang pinapaasa."

"Wow! Ang perfect ah? Hindi masaya sa isang relasyon ang masyadong perpekto. Nakakasawa at wala man lang kagangana."

"Paano mo na sabi? Eh iyon nga ang tingin sayo dati ni Klea kaya ka niya na gustuhan eh. Nagbago lang, nung nagbago kana. Nawala at nagsawa ang puso niya para mahalin ka. Tandaan mo, marami nang tao nagsawa sa relasyon hindi dahil paulit-ulit ang sitwasyon kundi, nagsasawa sila dahil  maraming nagbago."

"Ano pa ba hinahanap niya kay Nixon na wala sa'kin? Hamak na mas mataas ang level ko kaysa sa kanya. Insulto kaya sa'kin ito. Pipiliin niya ang bestfriend niya dahil lang sa simpleng problema."

"Hoy! Hindi ito simpleng problema lang Amir!" Bulyaw niya sa akin. Naupo kami sa mahabang sofa.

Nakilang alak kami na ubos bago ako magsalita. Medyo tinatamaan na ko kaya humarap ako rito.

"Naghahanap ako ng taong handang makinig sa mga sasabihin ko. Ikaw Blaze, nilapitan kita dahil alam kong ginagawa natin 'to dati."

Nilapitan ko siya at handang halikan....

"f.u.c.k! Amir! Ano ba!" buong lakas niya kong itinulak palayo.

"Why do you avoid me? Ginagawa naman natin ito dati pa 'di ba?" hindi niya magaw.a.n.g tignan ako sa mukha. Parang takot itong may makakita sa'min.

"S-sinabi ko sayo na tigilan na natin ito. Kung gusto mo malaman ang tunay mong pagkatao... D-doon ka sa ibang---"

"Why? Ikaw lang ang nakakaalam ng sikreto ko. d.a.m.n! Wag mo sabihin na hindi mo na ko kayang TULUNGAN?"

"Amir ano ba?! Hindi na tayo bata para gawin 'yan! At lalong hindi ako--- hindi ako bakla para patulan ka!"

"Then, why would you allow me to kiss you? Kung makiwas ka parang diring-diri kapa sa'kin."

"Isang pagkakamali lang iyon. Saka, naki-usap ka sa'kin dati na gusto mong malaman kung lalake ka ba talaga o ano."

Yumuko ako, "Lalake ako,"

"Bakit balak mo kong halikan kung lalake ka?!"

"Bakit ikaw? Bakit pumapayag ka dati na maghalikan tayo!" sumbat ko rito.

Pareho kami natigilan. Wala kami makuhang sagot sa isat-isa dahil kahit kami man ay na lilito sa mga nangyayari.

"Mag-pinsan tayo..."

"Anak ako sa ibang lalake ni Mommy," dahilan ko naman.

"Pareho tayong lalake Amir!" Galit niyang sumbat sa'kin. Hingal na hingal itong tumayo.

Malungkot akong yumuko. "Pasensiya kana. Nadadamay kapa sa gulong ito."

Tinapik niya ang balikat ko. Tumayo ako at hinawakan ang kamay niya.

"Lalake ka Amir. Oo, mapanakit ka kay Klea pero sinasabi kong tunay na lalake ka. Okay?" Pangungumbinsi niya sa'kin.

"Pero---" kagat labi ko siyang tinignan. Kasabay nun ay itinulak ko siya sa sofa at tsaka kinubabawan.

"Amir, ano ba?! Tigilan mo nga ito!!" nagpupumiglas niyang paki-usap.

Natauhan ako kaya't lumayo sa kanya. Hahayaan ko siyang lumabas pero bago iyon may sinabi ako na tiyak ikapapayag niya.

"Sasabihin ko kay Clarissa na pumatol ka sa'kin! Tutal naman ay pareho tayong BAKLA 'di ba?"

Nilapitan ko sya ng dahan-dahan.

"HINDI AKO BAKLA." mariin niyang pag-amin.

"Hindi nga."

"Ano ba kasi gusto mo?!" gigil niyang tanong.

"HALIKAN MO KO." itinulak ko siya sa pinto.

"Halikan mo ko." Ulit ko pa.

Kinuwelyuhan niya ko kasabay ng isang mapusok na halik. Halik na dati pa namin ginagawa. Halik na kailanman ay nagbibigay sa'kin ng ligaya. Marahas niya kong itinulak sa sofa. Muli akong hinalikan at hindi pa na kontento ay hinubad nito ang kanyang damit. Kapwa na kami may tama ng alak sa katawan pero ang isip namin ay nagsasabi na gusto namin ito. Gusto namin ang ginagawa ito kahit mali. Kahit hindi kami sigurado sa totoo namin pagkatao.

A deep kiss made him down to my chest. Nagbibigay sakin ito ng sensasyon na kailanman hindi ko naramdaman sa mga babaeng nakatalik ko na. Kahit kay Klea ay hindi ko ito ginawa, sabihin pa natin mahal na mahal ko siya.

Si Blaze, si Blaze ang nakakapagbigay ng init sa buo kong katawan. Siya ang nagbigay ng sagot na nais ko ang gaya niya habang ang puso ko ay babae ang nagugustuhan. Marahil ay maraming malilito sa kasarian ko pero kahit ako, tanungin ay wala akong maisasagot. Makuha ko man si Blaze gamit sa mapupusok na sitwasyon, mahal ko pa rin si Klea.

NATAPOS kami ng ilang minuto. Nauna syang magsuot ng damit. Habang ako ay nakahiga pa sa sofa. Walang iniwan na salita si Blaze bago ako iwan dito sa silid. Binuksan ko muli ang isang yosi, pagkatapos ay nag-isip kung paano ko makikita si Klea. Balik ulit ako sa problema. Hindi ko hahayaan na tuluyang mawala sa akin si Klea kundi, mapapatay ko si Nixon.

Patungo ako ngayon sa bahay nila Jomel. Kailangan ko na silang kausapin tungkol dito. Bahagyang traffic kaya naghahanap ako sa Waze ng magandang route na pwede kong daanan. Mabilisan kong pinaandar ang kotse ng makitang lumuwag ang daan.

Malapit na ko sa gate ng makita ko si Aling Carlota lumabas mula sa kanilang bahay. Hinintay ko muna ito makalabas bago ko itapat ang kotse sa tatawiran niya. Ibinaba ko ang bintana ng kotse. Laking gulat nito ng makita ako nakangiti.

"Ano ba pag-uusapan natin Amir?" pinasakay ko siya sa kotse dahil sinabi kong may importante akong sasabihin.

"Tungkol kay Klea." tinignan ko siya pero hindi mahahalata rito ang takot o ano pa man.

"Kakampi ka nila Nixon, tama ba ko? At ikaw din ang tumulong sa kanila para mawala ang bisa ng gayumang pinainom ko kay Klea."

"Wala akong alam diyan,"  sinungaling, kundi pa siya nakita ng binilhan ko ng gayuma.

"Talaga? Pupuntahan pa ba natin ang taong binilhan ko ng gayuma?" Pananakot ko.

"Wala kang mapapala sa'kin Amir. Ibaba mo na ko diyan sa tabi."

"Ayoko."

"Amir."

"Aling Carlota, aminin mo sa'kin si Nixon ba talaga ang kasama niya?"

"Hindi," walang kahirap-hirap niyang sagot.

"Sino?"

"Wala."

"Nasaan siya pupuntahan natin."

"Ayoko."

Nahampas ko ang manibela sa gigil. Huling-huli na siya pero nagmamatigas pa rin.

"Kailangan mo ng pera?" Offer ko sa sobrang inis.

"Magkano ba?" seryoso niyang tanong.

"Isang Milyon kapalit ng address."

Isang nakakarinding ingay ng tawa niya ang k.u.mawala sa matandang ito.

"Isang milyon? Ijo, hindi ako mukhang pera." nakakabanas ang tawa niya. Parang pinamumukha sa'kin na hindi siya bastbasta.

"Okay, ano pa ba dapat kong mai-o-offer sayo? Sabihin mo lang."

"Wala. Wag kana mag-aksaya ng panahon dahil hindi ko sasabihin kung nasaan siya."

"Bakit mo ginagawa ito Aling Carlota? Bakit ka ba nakikisali sa problema namin. May mapapala ka ba rito? O baka naman, binayaran ka ng gagung Nixon na yun?"

"Hindi mo katulad si Nixon. At isa pa, papayag ba ko na mapunta sayo si Klea? Parang pinatay ko na rin si Klea kung hahayaan kong mapunta siya sayo."

Humalakhak ako ng todo.

"At kanino nga ba siya nararapat mapunta? Kay Nixon? Bakit, ano ba meron siya na wala ako? Isa lang naman syang duwag na nagtatago sa malayo. Bakit hindi niya ko harapin ng magkaalaman na."

"Hindi lahat ng bagay idadaan sa payabangan. Naisip mo na ba kung bakit namin inilayo si Klea sayo? Dahil wala kang kwenta, sinasaktan mo siya hindi lang sa Physical, kundi emotional na rin."

"Sorry na lang." Binilisan ko ang andar.

Pilit niya kong pinipigilan dahil natatakot na baka mabangga kami.

"HINDI AKO HIHINTO HANGGA'T HINDI MO SINASABI SA AKIN KUNG NA SAAN SIYAAAA!"

"AMIR! PAKI-USAP! NAPAKA TANDA KO NA PARA PAHIRAPAN MO KO NG GANITO. ITIGIL MO ANG SASAKYAN KUNDI TATALON AKO RITO.". Pilit niyang binubuksan ang pintuan pero hindi niya magawa dahil naklock yun.

"NAKIKITA MO ANG PUNONG YUN?" itinuro ko ang malaking puno. Nasa isang kilometro ang layo.

"Wag, Amir, wag! Maawa ka. Ayoko pa mamatay!"

"Gusto ko nang mamatay. Mabuti pa nga kung hindi mo rin sasabihin kung nasaan siyaaaa."

Malapit na ,sobrang lapit na namin sa puno ng isigaw niya ang salitang....

Oo na! Sasabihin ko na kung nasaan si Klea!!!!

Nakaramdam din ako ng takot pero dahil desperado na kong makita si Klea ay kaya kong gawin takutin ang matandang ito kahit kapalit pa ng buhay ko o ng buhay niya.

DALAw.a.n.g oras ang byahe namin lulan ng sasakyan bago marating ang daungan

"Diyan natin isasakay ang kotse." Kalmado niyang utos.

Nang makasakay kami sa barko ay nanatili lamang kami rito sa loob ng kotse ko. Ayoko na rin kasi mag-aksaya ng oras sa kung anong bagay.

"Ilang minuto ang byahe rito sa barko."

"Tingin mo ba may minuto ang byahe ng barko? Malamang oras ang hihintayin natin bago makababa sa daungan."

Hindi na lang ako k.u.mibo. Napa hiya kasi ako. Sino ba kasi mag-iisip na minuto ang aabutin sa byahe kapag barko ang sasakyan. Siguro meron, pero baka sa pupuntahan namin malayo.

"Mga anong oras?"

"Apat na oras. Bibili lang ako ng makakain natin." binuksan niya ang pinto.

"Sasama ako." mabilis kong sunod sa kanya.

"Pati ba naman dito ay susundan mo ko."

"Mabuti na nakaksiguro."

Nakabili na kami ng makakain. Naki-usap siyang magpahangin kami sa labas. Tinanaw namin ang isang isla sabay turo niya.

"Doon ang probinsiya namin. Mga isang oras pa ang byahe bago natin marating ang barangay."

"Gabi na tayo makakarating sa bahay nyo." sabi ko.

"Oo." Iniwan na niya kong mag-isa at b.u.malik sa kotse.

Hintayin mo ko Klea at Nixon. Sisiguraduhin kong mapapalitan ng malungkot na alala ang kaligayahan nyo.

Naantala ang byahe namin dahil na iba nang route ang barko. Maaaring bukas ng umaga pa raw kami makakarating sa mismong barangay na pupuntahan namin.

"Sinasadya talaga ng panahon na huwag mo sila makita. Sana lang ay nakalis na ang dalawa sa'min para hindi mo maabutan."

"Nagsumbong kana?!"

"Hindi. Pero ang alam ko ay bukas ng umaga sila aalis pabalik ng Manila."

"Bakit hindi mo sinabi sakin kaagad?!"

"Hindi ka nagtatanong."

"Umayos ka. Kapag hindi natin naabutan ang dalawa ay patay ka sa'kin. Isa sa pwesto mo ang ipagigiba ko para gawin building namin."

"Wag Amir, maawa ka. Iyon lang ang hanap buhay ko."

"Alam ko. Ipa.n.a.langin mong maabutan natin sila. Dahil isang tawag ko lang, giba ang bahay at hanap-buhay mo."

SA WAKAS, After one hour ay narating namin ang barangay. Gamit ang kotse pero hanggang doon lang sa barangay nila kaya pasukin pero sa iba ay hindi na.

b.u.maba kaagad kami at may sumalubong na matandang lalake.

"Carlota! Akala ko ba sa mga susunod na araw kapa pupunta rito?" tumingin sa'kin. "Sino ang kasama mo?"

"S-sina Klea at Nixon. Nasaan sila?"

"Wala rito. Nasa bayan, mamimili muna raw sila bago umuwi ng manila."

Tumingin sa'kin si Aling Carlota at kuha niya kung ano ibig kong sabihin.

"Pupuntahan namin sila sa Bayan."

"Hindi muna ba kayo kakain at magpapahinga?"

"Hindi na ho. Mahalagang makita ko ang girlfriend ko ngayon." pagkatapos kong sabihin ay may lumabas na babae sa tarangkahan nila.

"Girlfriend? Girlfriend mo si Klea? Ang akala ko ay si Nixon ang n.o.byo niya."

"Tinakas lang niya ang girlfriend ko. Masama siyang lalake." litanya ko.

"Ganoon ba? Sige, gamitin nyo ang kalabaw na ito para makarating sa bayan."

Lintek, Sasakay pa kami ng kalabaw para marating ang Bayan nila?

"May kotse ako," Napansin kong nakaparada ang kotse ni Nixon malapit sa isang bahay.

"Hindi makakaraan ang kotse papuntang bayan. Kalabaw lang ang pwede magamit." sabi ni Aling Carlota.

No choice kundi makarating sa Bayan na sinasabi nila. Sumama ang babae kanina samin.

Matagal din bago kami makarating sa Bayan. Sa totoo lang, ay inip na inip na ko.

"Mister, totoo ba talaga na ikaw ang boyfriend ni Klea?" Makulit ang isang 'to.

"Tulad ng sabi ko," walang gana kong sagot.

"Pero bakit ganoon? Sobrang sweet nila, saka bakit magkasama sila matulog. Bakit pumapayag ang girlfriend mo na halikan siya ni Nixon?"

k.u.muyom ang kamao ko sa mga nalaman ko. Ang kapal din ng mukha ni Nixon. Hayop siya, wala siyang karapatan para magalaw, halikan si Klea. Ako lang ang dapat gumawa nun. Ako lang dapat.

Habang naglalakad kami,may hinintuan kami isang tindahan ng mga tela.

"Manang, nakita nyo po ba sina Nixon at Klea?" Tanong ng babae.

"Oo, pero kanina ko pa sila nakita. Bak--- hoy! Edward! Tara nga rito." May tinawag siyang lalake na moreno.

"Bakit po Tiya?"

"Sina Klea ba nakita mo? Hinahanap nila Aling Carlota." sabi ng babae. Tumingin ang lalake sa'min lahat,lalong-lalo sa'kin. Grabe, makat.i.tig.

"Hindi ko po alam tiya." Umiwas ng tingin.

"Naku, saan naman kaya nagsusuot ang dalaw.a.n.g iyon. Alam mo ba Carlota, napapansin ko si Klea na lalo gumaganda. Siguro hiyang kay Nixon. Aba, bagay na bagay ang dalaw.a.n.g iyon!"

Sa gigil ko ay inihagis ko ang paninda niya.

"Ako ang boyfriend ni Klea! Pwede ba bawiin mo ang mga sinabi mo kung ayaw mong masaktan?!"

Lahat sila ay nagulat sa inasal ko pero balewala sa akin yun. Mas binigyan ko ng atensyon ang lalakeng moreno na tumakbo palayo sa'min. Masama ang kutob ko kaya't  sinundan ko siya.

Ilang minuto yata siyang tumatakbo bago sumakay ng kabayo. Alam niyang sinusundan ko siya. Nakakita ako ng kabayo at doon natagpuan ko ang isang malawak na bulubundukin. May mga halaman na bulaklak sa paligid. Nagtago muna ako rito sa bahagyang mapuno.

Kita kong magkasama sina Nixon at Klea. Masaya silang nakahiga sa isang madamuhan na napapaligiran ng mga bulaklak. Mayamaya ay patakbong lumapit yung lalake.

May binulong ito kay Nixon at pagkatapos ay naglakad sila palayo kay Klea.

Nagtago ako ng mas maigi dahil naririnig kong nag-uusap ang dalawa.

"Saan mo siya nakita?"

"Dito lang, na sundan niya ko."

"Dapat makalis kaagad kami rito ni Klea. Baka kung anong gawin niya sa'min lalo sa girlfriend ko."

Gustuhin  ko man siyang suntukan pero mas pinili kong puntahan si Klea sa pwesto. Nguni't huli na, kasama na niya si Aling Carlota at tingin ko kinakausap na niya ito tungkol sa pagpunta namin dito.

"Kamusta ang mahal kong girlfriend?" Sarcastic kong bungad sa kanya.

Gulat na gulat itong yumakap kay Aling Carlota.

"Oh, bakit gulat na gulat ka Klea? Dapat inaasahan mo nang hinahanap kita 'di ba?" Umaatras siya habang ako ay papalit.

"Hindi ka ba masaya? Mabuti nga at hinanap kita. Hindi mo ba ko yayakapin man lang?" I open my arms na pilit magpapayakap sa kanya.

"Umalis kana Amir. Umalis kana." Umiiyak niyang sabi.

"Bakit mo ko iniwan at sumama ka sa iba? Akala ko ba mahal mo ko?" Kalmado ko pa rin tanong.

"Hindi kita mahal Amir." mariin niyang sagot.

Hinatak ko siya sa braso.

"Amir, nasasaktan si Klea!" Awat ni Aling Carlota.

"Wag kang maki-alam dito Aling Carlota!" Bulyaw ko.

"Tama na, nasasaktan ako. Please, bitawan mo ko."

"TALAGANG MASASAKTAN KA KAPAG HINDI KA SUMAMA SA'KIN. HAYOP KA KLEA. PINAHIRAPAN MO PA KO SA PAGHAHAHANAP. NANDITO KA LANG PALA NAGPAPAKASASA SA BUHAY NI NIXON."

Sinampal niya ko. "Ikaw ang Hayop! Paano mo nagaw.a.n.g gayumahin ako gayong alam mong iba ang mahal ko ha! Ano! Ang kapal ng mukha mo Amir!"

"Pareho lang tayong Hayop. You know why? Hindi ba ganyan din ginawa mo sa'kin dati? Ginayuma mo ko para mahalin kita. Patas lang,ibinalik ko lang kung ano ang ibinigay mo sa'kin."

Nagpupumiglas na gusto k.u.mawala sa mga bisig ko nang yakapin ko siya.

"Akin ka lang Klea. Hindi ka pagmamay-ari ng kung sino man o kahit ni Nixon pa. Magkakamatayan muna tayo bago ka mapunta sa lalakeng yon!"

Hinatak ko sya ng malakas upang makaalis kami sa lugar na ito.

"Aling Carlota! Sumama ka sa'min kung ayaw mong masira ang buhay mo!" Tarantang k.u.mapit siya kay Klea.

Nilakad lang namin ang kakahuyan. Hindi ko napansin na mahaba ang nilakad namin dahil sa galit na nadarama. Gusto ko maranasan ni Klea kung paano gawing tanga at umasa sa wala. Gusto kong maranasan niya ang matindi kong galit.

May dagat kaming natanaw. Sapilitan silang pinasakay ng bangkang de-motor. Magkayakap silang nakatingin sa akin.

"Pupunta tayo sa ibang bansa. Doon magaganap  ang kasal natin."

Ang puso ko parang matigas na rin. Ni wala na kong makitang awa sa kanila. Ni hindi ko magaw.a.n.g umiyak dahil sa ginawa niya sakin. Ang gusto ko lang naman ay iyong makasama siya habang buhay. Kahit itong puso ko nalilito nakuha ko pa rin takpan ang katotohanan na mahal ko siya. Mahal ko siya dahil kailangan ko. Mahal ko siya dahil iyon ang totoo.

"Ayoko ng magpakasal sayo. Hayaan mo na ko maging malaya. Mahal na mahal ko si Nixon," sa inis ko,  hinatak ko siya palapit.

"Sino ba masusunod sa mga oras na ito? Ikaw o ako?" sarcastic kong tanong.

Matatalim na tingin ang ginawa niya sa'kin, "Ako at ako pa rin ang masusunod sa sarili kong kaligayahan. Kahit patayin mo ko, hinding-hindi mo mababago kung sino talaga ang mahal ko."

Napagbuhatan ko na naman siya ng kamay.

"Klea!" Sigaw ni Aling Carlota.

Nilapitan niya ito dahil tumama ang kanyang noo sa pinaka gilid ng bangka.

"Sukdulan na 'yang kasamaan mo Amir. Iyan ba ang nagagawa ng pagmamahal mo? Kahit makapatay ka ng tao ay okay lang basta masunod ang gusto mo? Ganoon ba ha Amir!"

"Simple lang ang gusto ko. Mahalin niya ko tulad nung dati. b.u.malik sya sa buhay ko na walang inaalalang ibang tao. Iyon lang, yun lang ang gusto ko."

"Kahit patayin mo ko ngayon. Hindi ako papayag na mangyari ang kagustuhan mo. Mas gugustuhin ko na lang siguro malunod sa karagatan na ito kaysa magpakasal sayo."

Tumayo siya. Lumapit ito sa gilid ng bangka.

"Kung ano man yang binabalak mo,wag mong itutuloy." pilit kong pinakakalma siya.

"Klea, hindi ito ang tamang sagot para takasan ang problema." Sabi ni Aling Carlota rito.

Umiiyak si Klea habang umiiling. "Ayoko na Aling Carlota. Kung hindi lang ako mapupunta sa lalakeng mahal ko, mas mabuti pa sigurong mamatay na lang. Tutal, paG.o.d na ko. PaG.o.d na paG.o.d ako magtago sa kanya." Umatras siya.

"Klea, b.u.malik ka rito. Hindi ka marunong lumangoy. Wag mong gagawin 'yan." Kapag nangyari ang gusto niya ay parang sinabi na niyang ayaw na niyang mabuhay.

"I'm sorry, sorry Amir. Kasalanan ko 'to. Kung hindi kita ginayuma siguro masaya ako at kontento kay Nixon. Siguro hindi ko na lang pinilit ang sarili ko sa tulad mo. Sa maling tao ko pa ibinigay ang pagmamahal na dapat kay Nixon." Humarap kay Aling Carlota.

"Aling Carlota, sabihin mo na lang kay Nixon na mahal na mahal ko siya. Siguro hindi na ko mahihintay ang Pangako niya sa'kin na pakakasalan niya ko."

Habang abala niyang kinakausap si Aling Carlota ay niyakap ko siya upang makalayo sa gilid ng bangka pero--- itinulak niya ko. Ito ang dahilan para tuluyan siyang mahulog sa gitna ng karagatan. Gumew.a.n.g-gew.a.n.g ang bangka, ito rin ang dahilan para tumaob ito kasama kami ni Aling Carlota. Masyado nang mabilis ang pangyayari at wala na kong nagawa pa para makagawa ng paraan.

Bakit by: Cueshe

Please click Like and leave more comments to support and keep us alive.

RECENTLY UPDATED MANGA

Potion Of Love 51 Chapter 50 summary

You're reading Potion Of Love. This manga has been translated by Updating. Author(s): Ayieshien1991. Already has 1533 views.

It's great if you read and follow any novel on our website. We promise you that we'll bring you the latest, hottest novel everyday and FREE.

BestLightNovel.com is a most smartest website for reading manga online, it can automatic resize images to fit your pc screen, even on your mobile. Experience now by using your smartphone and access to BestLightNovel.com