Different World - BestLightNovel.com
You’re reading novel Different World 7 Six online at BestLightNovel.com. Please use the follow button to get notification about the latest chapter next time when you visit BestLightNovel.com. Use F11 button to read novel in full-screen(PC only). Drop by anytime you want to read free – fast – latest novel. It’s great if you could leave a comment, share your opinion about the new chapters, new novel with others on the internet. We’ll do our best to bring you the finest, latest novel everyday. Enjoy
"S-Sinundan ki-I mean napadaan lang ako"
k.u.munot ang noo niya habang may gumuhit na pilyong ngiti sa aking labi.
Humakbang ako papalapit sakanya, habang nagtataka naman itong umaatras.
"Anong g-gagawin m-mo?"kinakabahang sambit niya. Nang mapasandal siya sa bakal ay tuluyan na siyang napapikit habang ako naman ay nakakaramdam ng kung ano saaking dibdib.
Kung tao lang sana ako, hindi ko hahayaan na makaranas siya ng ganitong kalupitan sa buhay, pero ang magagawa ko lang ngayon ay yakapin siya ng napakahigpit.
Nanginginig ang mga kamay niyang itinutulak ako sa bisig niya habang pilit ko naman itong hinihigpitan.
"Kung alam mo lang sana kung gaano ko inasam na mayakap ka. Habang nandito ako sa tabi mo, hindi ko hahayaang may mananakit sayo. I want you to feel the security na alam kong hinahangad mo."
Naramdaman ko ang pagtigil ng panginginig niya sa halip ay nakarinig ako ng hikbi mula sakanya.
Napaupo siya at napasandal sa bakal na nagsisilbing harang sa rooftop na ito.
"Sino ka ba para pakialaman ang nangyayare sa buhay ko?" Hindi ko siya sinagot. Kapag ba sinabi kong nakasunod ako sakanya halos araw-araw ay matatanggap niya ba ako. At kapag sinabi kong multo lang ako, maniniwala ba siya? Nahalata niya ang hindi ko pagsagot kaya itinuloy na lamang niya ang kanyang sasabihin.
"Bakit ang hirap-hirap makisama. Ang gusto ko lang naman maging mabuti yung nakikita nila akong nasasaktan rin pero pareho lang sila, Mapanghusga. At ang magagawa ko lang ay magtago habang umiiyak." Dire-diretsong pahayag niya habang sunod-sunod na ang pagtulo ng kanyang luha. Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap sakanya. Minuto mula ngayon ay paniguradong magiging multo na naman ako kaya hangat maari gusto kong iparamdam sakanya na hindi siya nagiisa, na nandito ako at palaging nakatingin at nagmamahal sakanya.
Napaatras ako ng biglaan niya ako itinulak, pinunasan niya pa ang luhang kanina pa lumalandas sa kanyang pisngi.
"Hindi ko dapat sinasabi sayo ito. Teka sino ka ba?" Tanong niya.
Natigilan ako sandali sa tanong niya pero napalitan din ito ng isang pilyong ngiti.
"Kapag sinabi ko sayo ngayon kung sino ako. Handa ka ba? Makakaya mo ba?" Nakikita ko ang kaba sakanyang mga mata habang nag-iisip pero bago pa ito makasagot ay inunahan ko na.
"Darating din ang tamang panahon na malalaman mo kung sino ako but for now isa lang ang sigurado ako. I am your candle, ako ang magsisilbing ilaw sa madilim mong buhay." At isang matamis na kindat ang ibinigay ko sakanya bago ko siya hinila paalis doon.
"Teka saan tayo pupunta?" Pigil na tanong niya saakin.
"To prove to you that I am your candle"