BestLightNovel.com

Potion Of Love 18 Chapter 17

Potion Of Love - BestLightNovel.com

You’re reading novel Potion Of Love 18 Chapter 17 online at BestLightNovel.com. Please use the follow button to get notification about the latest chapter next time when you visit BestLightNovel.com. Use F11 button to read novel in full-screen(PC only). Drop by anytime you want to read free – fast – latest novel. It’s great if you could leave a comment, share your opinion about the new chapters, new novel with others on the internet. We’ll do our best to bring you the finest, latest novel everyday. Enjoy

Day One

"Yes sir, ibabalik ko nalang po 'yung ibang papers nyo sa table."

Sinamahan ko lang si Clarissa kay Sir Lucas,adviser nila.

"Next time,wag na wag mo iiwan sa table kung pwede direkta mong ibigay sa'kin." Hawak nito ang balikat ni Clarissa habang hinahaplos haplos.

Siguro na pansin ni Clarissa ang ginagawa ng adviser niya kaya ito umatras.

"Okay Sir,mauna na po kami ng kaibigan ko." Paalam nito sa kanyang adviser.

Nauuna itong maglakad hanggang sa marating namin ang field.

"Hindi ba tayo kakain? Lunch break na." Reklamo ko.

"Ano ka ba? Nagtext ako sayo 'di ba? Ngayong araw tayo kakain dito sa field ,kasama si Nixon."

"May text ka?" Mabilis ko namang kinuha ang cellphon sa bag.

"Ay!sorry,hindi ko na basa." Pinakita kong hindi ko pa nababasa ang message nya.

Umirap sa kawalan."Magbabasa kasi ng message."

"Eh! Nakatulog kasi kaagad ako." Kakamot-kamot ako sa patilya.

"Aba,himala? Maaga yata tulog mo nitong nagdaang araw?"

"Uhm,siguro,dala lang ng paG.o.d."

Taas kilay niya kong tinitigan."What happened at bakit na paG.o.d ka? Ano bang ginawa mo buong maghapon? Wala naman tayong pasok ah?"

"Eight hours,inayos itong buhok ko.Nakakangawit kayang nakaupo lang ng eight hours."

Sinilip nito ang buhok kong nakpony.

"Teka! Straight na buhok mo??!" Sumilip ang kanyang ngiti sa labi pero kaagad naman itong nawala."Eh bakit naka pony tail pa?!" Hinugot nito ang pony ko kaya b.u.muhaghag ang aking buhok na parang nagcocommercial lang ng shampoo.

"Naiilang kasi ako." Reklamo.

"Look ! Ang ganda mo bestfriend." Sinuklay niya ito ng kanyang daliri."Ang bango bango pa.Ang lambot,sino kasama mo kahapon?? Ayan ang ganda mo!"

"Si Blaze sumama sakin,siya rin nanlibre nito para sa date namin kahapon ni Amir."

"Date? Kahapon? Bakit hindi ko yata alam yan?!"

Tila na inis naman ako sa mga reaction niya.

"Hibang kana ba Bestfriend? nagkita tayo kahapon sa bahay namin 'di ba? Inayusan mo pa ko ng mukha,tapos sa damit." Inirapan ko nga.Pinipigilan niyang huwag matawa.

"Pinagloloko mo ko ha?" Sabi ko pa.

"Sinusubukan lang naman kita kung magkukuwento ka sa mga nangyari kahapon sa date nyo ni Amir.Kanina pa nga kita kasama pero hindi ka man lang nag-oopen."

"Hi Girls." Pareho kami napalingon ni Clarissa.

"Hoy! May kasalanan kapa akin kahapon ha! Hinahanap kita pero hindi ka naman nagpakita, saan ka ba nang galing?" Malakas na boses ni Clarissa kay Nixon

"Saan ka nga ba pumunta Nico at bakit ininjan mo ang bestfriend natin?"

"Wait? Bakit Nico yata ang tawag mo kay Nixon? What happened?" Nakangising siwalat ni Clarissa sakin.

"Simula ngayon,Nico na itatawag ko sa kanya .."

"Kasi?" Si Clarissa.

"Kasi para maiba naman.Dati naman Nico tawag natin sa kanya 'di ba?"


"Pero nasanay na kong Nixon sa kanya."

"Nico..." Awit ko.

"Nixon." Nakasimangot na wika naman ni Clarissa.

"Ni---co ..."

"Ni---xon...."

"Hep! Ang ingay nyo! Pwede ba? Nico o Nixon man itawag nyo sakin walang kaso roon." Iiling-iling niyang pangaral samin.

"Pero Nixon naman talaga ang tawag sayo rito sa buong Academy,'di ba?" Tutol ni Clarissa.

"Pero Nico ang tawag sa kanya sa bahay nila." Satsat ko.

"Hay,ang ingay nyong dalawa,k.u.main na nga tayo." Inilatag niya ang malaking tela sa field.

Nagtulong-tulong kaming maisaayos ang kakainin namin.May dalang kanin at ulam si Clarissa habang si Nixon,ay dala ang mga pang himagas.(Sige na, Nixon nalang tawag ko,para 'di na kayo galit.)

"Wala man lang akong na iambag sainyo." Reklamo ko.

"Kwento mo lang,ambag na." Bulaslas sakin ni Clarissa.

"Ano ba maikukuwento ko?"

"Yung kahapon? Aba! Bakit naglilihim kana yata samin?"

Pinagmamasdan ko siyang k.u.makain.

"Okay,ang totoo," Naghihintay silang magsalita ako."Official na kami ni Amir kahapon."

Pumalakpak si Clarissa habang si Nixon,seryosong nakatingin sakin hawak ang baso.

"Sinagot ko na siya.Tingin nyo,okay naman 'yon?"

"Oo naman! Umayghad,sobrang saya ko bestfriend." Galak na sabi ni Clarissa.

Pinagmasdan ko naman si Nixon na tahimik lamang.

"Nixon." Tawag ko.

Tumikhim ito."Congrats.Dream come true.Sana magtagal kayo ,sana kayo na talaga forever."

"Iyan ba ay bukal sa iyong kalooban ha Nixon?" Ratatat ni Clarissa.

"Bukal naman." Sumubo ito.

"Salamat sa support nyo." Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain.

Kahit hindi ako nakatingin sa dalawa,napapansin kong nagkukulitan sila at nag bubulungan.

Tumunog ang bell ,hudyat na tapos na ang break time.Tumayo na silang dalawa habang ako,nakaupo pa.

"Hindi ka pa ba papasok?" Si Nixon.

"Mauna kayo,ako nalang magliligpit nito."

"Tulong-tulong  tayo magligpit." Si Clarissa.

"Eh wag na.Section A and B 'di ba,may special test? Kami naman wala eh, okay lang na hindi kaagad ako makapasok." Nagkatinginan ang dalawa.

"Sige naaaa-- alis naaa-"

"Okay,pasalamat ka hindi ako maglilibot ngayon." Seryosong wika ni Nixon.

"Tara naaaa.." Hinawakan ni Clarissa ang kamay ni Nixon palayo sakin.

Tumatakbo ang dalawa ng mapag-isip isip kong bagay talaga sila,kung hindi lang nila ako kaibigan baka iisipin ko na talagang may relasyon sila dahil sa mga kinikilos ng isat-isa. Wala naman kasi masama kung maging sila,mas pabor pa talaga ako roon.SANA NGA SILA NALANG.

Nilinis ko ang pinagkainan namin ,tiniklop ang tela at isinilid sa basket.Naglalakad na ko sa field ng biglang umulan. Hindi ko alam ang una kong gagawin.Tatakbo ba ko,para sumilong pero sobrang layo pa ng silungan o iintidihin ko ang bag ko dahil mababasa ang gamit ko? Hala!ano ba yan! Paano ba ko...hay!

Takbo ako nang takbo hanggang  may nakasalubong akong nakapayong.

"Awts." Napaupo ako sa damuhan, basa nang tuluyan ang buong katawan ko, kasama ang bag.

"Ano ba! Nakita mo namang may nagmamadali rito ikaw naman haharang harang!" Bulyaw ko.

Hindi siya k.u.mikilos ngunit nakatakip pa rin sa kanya ang payong,i'm sure, basa na rin ito sa ulan.

"Badtrip!" Sigaw ko pa.

"Ang init naman ng ulo nang Girlfriend ko." Nanlaki ang mata ko ng ipakita kung sino ang nasa harap ko ngayon.

Pinayungan niya ko habang siya naman ay suot ang kapote.

"Amir..." Mahina kong tawag.

"Bakit, hindi ka nagdadala ng payong?" Pinagpag nito ang damit ko.

Muntik na niyang mahawakan dibdib ko kaya kaagad akong umiwas.

"Dahan-dahan,basang basa na rin ako eh.Magpapalit muna ko ng damit."

"May dala ka bang extra?"

"Oo nasa locker ko naman lagi 'yon."

"Sige,sasamahan na kita."

Pagkapalit ko nang uniform ,inilabas ko kaagad ang mga nasa loob ng bag ko.Tila na bunutan ako ng tinik sa dibdib dahil walang notebook na nakalagay dito.Tanging mga panyo,Cellphone ,headset ,medyas ,ballpen ,lapis at power bank lang ang laman.

Laking hinayang ko ng hindi mabuksan ang cellphone ko ,pati yung power bank ayaw na rin gumana, kahit ballpen ayaw sumulat.

Oh sige,ako na malas!

"Badtrip." Bulong ko.

"Pumasok kana." Saad sakin.

"Ikaw?"

"Papasok na rin." Inilagay ko nalang sa locker yung mga gamit ko,kinuha ang isang bag tsaka inilagay ang mga notebooks.Sabay kami naglalakad ng may tumawag sa kanya.

"Nabasa mo ba yong message ko? Okay,good...Kailangan ko rin 'yan bago ang uwian.Text mo ko kung nasa school kana.Maraming salamat."

Ibinaba kaagad ang phone.

"Sino 'yon?" Usisa ko.

"Wala lang,ihahatid kita sa room nyo."nang matapat kami sa room nila.

"Nagtetest na sila ohh.." Natanaw namin lahat ay seryoso sa exam.

"Hahatid kita." Pamimilit nito.

"Wag na.Mahalaga ang exam."

Lumunok siya bago tumango ng mahina.Pumasok na ito sa kanilang room,ako naman ay pumasok na rin sa kwarto namin.Nagkakingay ang mga klasmeyt ko ng dumating ako.Wala pa si Ma'am Faustino.

"Klea!!! Ganda tara rito." Tawag sakin na isang pinsan ni Amir.

Lumapit naman ako.

"Hindi mo sinabi na boyfriend mo na si Amir." Nakangiti niyang sambit.

Lahat sila nakatingin at hinihintay ang sagot ko.

"Paano mo.."

"Pinsan ko si Amir ,syempre pinagmalaki na niya 'yon sa buong angkan namin."

Naisip ko lang kung ginawa niya rin ba ito kay Leny nong naging sila.

"Ngayon lang sya nagpakilala na may girlfriend sa buong angkan namin." Dagdag nito.

"Oo nga." Pagsang-ayon ni Blaze."Jeff ,kasasabi lang ni Amir na hayaan mo siyang magsabi sa iba." Saway nito sa pinsan.

"Naexcite lang naman eh.Ganoon din naman,sa Section D ko lang naman nasabi." Depensa nito.

Si Pres naman ay nakangiti sakin pero sa kabila nun ay may mapait na ngiti akong nakita.

"Andyan na si Ma'am!" Sigaw ng kung sino.

"Lahat ba kayo ay k.u.main ng lunch?" Usisa ni Ma'am

"Yes ma'am!"

Tumingin siya sakin."Klea,bakit basa 'yang buhok mo?"

"Naabutan po ako ng ulan.Haaaatchiiing !!"

Nagtawanan ang mga klasmeyt ko ng makita ang nangyari saking pagbahing.

"Bakit hindi ka na ligo 'nong nagpalit ka?"

"Nagmamadali na po akong pumasok.Mabuti nga po walang notebook nabasa sakin.Haaaatchiiing!"

Sa pangalaw.a.n.g pagkakataon ay b.u.mahing ako pero tahimik silang lahat.

"President,pakihatid si Klea sa clinic." Utos ni Ma'am Faustino.

"Haaaatchiiing!!! Waaaaah,ano ba 'yan!" Sabi ko.

"Punta ka muna sa clinic Klea para makahingi ng gamot." Sunod pang sabi ni Blaze habang nagtetext.

"Okay pa naman ako." Singhot na ko nang singhot.

"Pres,samahan mo si Klea." Utos muli ni Ma'am Faustino.

Tumayo si Pres, kinuha ang bag ko.Tumayo na rin ako para sumunod sa kanya.Walang humpay naman akong bahing ng bahing.Binuksan niya ang payong,nagshare kami roon, papuntang clinic.

"Kailangan mo lang uminom ng maraming tubig ,inumin mo rin ito." Sabay abot sakin ng gamot."May sinat ka rin kaya inumin mo rin itong paracetamol." Paalala ng Nurse.

"Iiwan na kita rito."

"Ha? Bakit naman Pres?" Usisa ko na parang ngongo na.

"Kailangan mong mahiga rito sa clinic hangga't 'di nawawala 'yang sinat mo." Si nurse na nagsabi.

"Pero..."

"Wag kana mag pero Klea,susunduin kita kapag okay kana,'di ba nurse?"

"Kahit hindi na." Sabay banat ay Pres."Kaya naman niya b.u.mangon siguro basta wala ng sinat."

Nahihiya naman nagkatinginan ang dalawa.Napataas ako ng kilay sa mga itsura nila.

Tumikhim ako."Mahihiga na po ako ah?"

"Sige,pasok sa loob ng kwarto." Utos ni Pres.

Pagpasok ko may dalaw.a.n.g estudyanteng nakahiga.Hindi ko naman din pinansin dahil gusto ko na rin mapahinga ang katawan ko dahil medyo nakakaramdam na ko ng hilo.

Mayamaya may yumakap sakin.Napabalikwas ako, medyo madilim sa kwarto  ang tanging liwanag lang ay ang bintana.

"Bastos ka wah!"naiinis kong sabi.

"Bastos na ba ko? Para niyakap lang naman kita."

"N-nixooon???" b.u.mangon naman ito.

"Mabuti naman nakikilala mo pa ko kahit madilim." Bulaslas niya.

"May sakit ka rin??" Hinipo ko ang noo niya,mas mainit ito kaysa sakin."Mukhang mataas ang lagnat mo wah? Kanina pa ba 'yan?"

"Oo,kaninang umaga pa,hindi ko na kinaya kaya nagpapunta na ko ng clinic.Eh ikaw? Bakit nandito ka? May sakit ka rin ba?"

"Oo,sinisipon ako at sinat."

"Bakit?? Kanina naman okay ka wah?"

"Naulanan ako kanina eh."

"Hindi kasi nagdadala ng payong,mahiga kana rito."

"Lilipat nalang ako sa ibang kama."

"Bahala ka,matulog ka para mawala 'yang sinat mo."

"Ikaw,ang dapat matulog dahil ang taas ng lagnat mo."

"Giniginaw nga ko eh,kaya niyakap kita."

"Ganoon? Kapag gininaw ka kung sino-sino nalang yayakapin mo?"

"Alam ko naman na ikaw 'yan,amoy mo palang alam ko na."

"Ganoon? Dinaig mo pa pala aso kung makAmoy."

"Gwapong aso." Dinig ko ang pag ngisi nito.

"Itulog mo nalang 'yan,baka kung mapano kapa." Humiga na ko at pumikit.

Nagising nalang ako nag kakagulo sa lobby ng clinic.Pagkalabas,nakita kong isinasakay sa loob ng ambulance si Nixon.

"Nurse,anong nangyari?"

"Kinumbulsyon si Nixon,dadalhin na namin sa Hospital."

"Ako na po sasama,kaibigan ko po si Nixon." Hindi ko na siya tinignan,diretso akong pumasok ng ambulance.

"Nixon? Dadalhin kana namin sa Hospital."

Walang malay tao ito kaya ng dumating kaming hospital ay dinala kaagad siya ng emergency room.Gusto ko sana tawagan ang Mommy at Daddy niya pero sira nga pala ang cellphone ko at iniwan ko sa locker.Nakupo ako ng lumabas ang doctor.

"Ikaw ba,ang kamag-anak ng patient?"

"Kaibigan niya po ako.Ano po ba balita kay Nixon?"

"May dengue po ang patient ,kung pwede lang po paki tawagan ang parents or relative para maadmit na namin siya sa lalong madaling panahon. Delikado ito kapag b.u.maba pa ng husto ang platelets niya."

"Sige po." Nagluluha na ko."Tatawagan ko po ang parents niya."

Nakiusap akong makikigamit ako ng telephone sa nurse station ng dinadayal ko na ang numero ay siyang dating ng parents niya.

"Nurse,saan kwarto si Nico Lexon Guevara rito?" Usisa ni t.i.ta,sa nurse na lalake.

"t.i.ta." Tumingin sakin."Nasa ER pa po si Nixon, hinihintay pa po kayo ng Doctor bago siya dalhin sa private room,para i admit."

"Klea." Umiyak itong naka yakap sakin."Si Nico,ano raw ba sabi ng Doctor? "Humiwalay sa yakap.

"May dengue po si Nixon, t.i.ta." Kabado kong sabi.

"Oh my G.o.d! Paano nangyari 'yon." Salo ang kanyang dibdib.

"Ma'am..." Tawag ng Doctor K

kay t.i.ta.Lumapit sila ni t.i.to at nakipag-usap nang masinsinan.Dalaw.a.n.g oras akong nakupo sa tabi ni Nixon na natutulog.

"Klea,pwede kana umuwi ,kami ng bahala magbantay kay Nico,may klase pa kayo 'di ba?"

"t.i.ta,sorry pero hindi ko po kayang umalis dito na hindi nalalaman kung okay na ba si Nixon." Malungot kong sabi.

"Sabi ng Doctor,sasalinan siya ng dugo,wag kana mag alala."

"t.i.ta..."

"Uhm.."

"Natatakot po ako." Tinignan ko si Nixon."Baka po,iwan tayo ni Nixon." Lumuluha na ko.Lumapit siya sakin sabay haplos sa ulo.

"Gagaling kaagad si Nico, Matapang na lalake kaya 'an." Nakangiti kahit na babatid kong nag-aalala rin ito.

"Baka po, lumala 'yong dengue niya." Hindi ko naiwasan maiyak sa harap nila.

"Alam mo, matutuwa si Nico kapag nalaman niyang nag-aalala ka sa kanya ng husto, pero magagalit 'yon kung ganyan ang inaasal mo.Kilala rin kitang matapang Klea, kahit ano pang mangyari gagaling si Nico."

Niyakap ko na rin si t.i.ta dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Papasok na ko ng Academy,sumalubong kaagad sakin si Clarissa na halos alalang-alala.

"Galing ka ba sa Hospital?" Tumango ako."Anong sabi ng Doctor?"

"May dengue 'yong kaibigan natin Clarissa." Nakayuko kong tugon.

"Umayghad,ano pa sabi? Alam mo bang nabalitaan ko lang 'to kay Amir?"Nakalimutan ko si Amir. Oo nga pala ,mas iniintindi ko kasi si Nixon,ngayon eh.

"Nagpunta kami ni Amir kanina sa Clinic,sinabi niyang nandoon si Nixon ,dinaanan ka namin pero sabi rin ng President nyo nasa clinic ka rin dahil may sakit ka." Dinampi niya ang leeg ko."Mataas lagnat mo wah?"

"Klea." Mahinang tawag ni Amir sa akin.

"Hay,Naku! Galing kana sa Hospital hindi kapa nagpacheck-up." Galit na sabi ni Clarissa sa akin.Nanatiling naka yuko lamang ako.

"Tara na." Hinawakan ni Amir ang kamay ko.

"Saan tayo pupunta?" Bulaslas ko.

"Sa Hospital malamang..." Galit niyang tugon.

Nakasunod lamang samin si Clarissa.Naghiwalay lang kami nung sumakay na ito sa kanyang kotse,ako ay naka sakay sa kotse ni Amir.Tahimik lamang kami sa loob, walang umiimik.

"Simpleng sipon lang po ito Miss,pero I recommend na admit ka muna."

"Bakit po?"

"May ginawa pa kaming test sayo,mamaya pa malalaman kung uuwi ka rin ngayon o tuloy admit na talaga."Natahimik ako ng lumabas sa isang kwarto.

"Ano sabi?" Usisa ni Amir.

"Wag mo sabihin may dengue kana rin." Naiinis na wika ni Clarissa.

"Sipon lang naman daw, pero may test result pa silang hinihintay kung admit ba ko o hindi."

"Eh ngayon??" Si Clarissa.

"Sa Ward room muna raw ako para makapagpahinga." Bulaslas ko.

"Pipili ako ng private room para sayo." umalis kaagad ang Amir,lumapit sa Nurse station.

"Ang swerte mo,dahil mayaman ang boyfriend mo." Bulong ni Clarissa.

Pinagmasdan ko naman na nakikipag-usap si Amir sa Nurse.

"Tinatawagan ko na sina t.i.ta,sasabihin kong nandito ka sa Hospital." Hawak ang cellphone.

"Mag-aalala ang mga 'yon." Bulong ko sa sarili.

Pinili nga ko ng private room ni Amir. Nakahiga na ko nang dumating sina Nanay,Tatay at Jomel.

"Ate." Tawag ni Jomel sakin.

"Ano bang nangyari? Bakit ba nandito ka?" Usisa ni Tatay.

"Tay, mataas po ang lagnat ni Klea,may hinihintay pa ibang result para malaman kung simpleng sipon lang ba o ano." Sagot ni Amir.

"Nandito rin ba si Nixon?" Usisa ni Nanay

"Opo,Nay.may dengue po." Mabilis kong sagot.

"Saan ba siya banda? Pupuntahan muna namin."

Sinamahan sila ni Clarissa kung saan banda ang room ni Nixon, kami lang ni Amir ang naiwan.

"Unang araw natin nandito ka sa Hospital." Malungkot niyang sambit

"Wala naman may gusto.Alam mo bang mas nag-aalala ako Kay Nixon, kaysa sa kalagayan ko?"

"Gagaling din siya.Kaya magpagaling kana rin ha?"

"Opo.Amir."

"Yes?"

"I love you,unforgettable ito para sakin."

"I love you too,magpagaling kana.MagbBaguio pa tayo."

Please click Like and leave more comments to support and keep us alive.

RECENTLY UPDATED MANGA

Potion Of Love 18 Chapter 17 summary

You're reading Potion Of Love. This manga has been translated by Updating. Author(s): Ayieshien1991. Already has 629 views.

It's great if you read and follow any novel on our website. We promise you that we'll bring you the latest, hottest novel everyday and FREE.

BestLightNovel.com is a most smartest website for reading manga online, it can automatic resize images to fit your pc screen, even on your mobile. Experience now by using your smartphone and access to BestLightNovel.com