BestLightNovel.com

Potion Of Love 19 Chapter 18

Potion Of Love - BestLightNovel.com

You’re reading novel Potion Of Love 19 Chapter 18 online at BestLightNovel.com. Please use the follow button to get notification about the latest chapter next time when you visit BestLightNovel.com. Use F11 button to read novel in full-screen(PC only). Drop by anytime you want to read free – fast – latest novel. It’s great if you could leave a comment, share your opinion about the new chapters, new novel with others on the internet. We’ll do our best to bring you the finest, latest novel everyday. Enjoy

Badminton

"Klea,anong balak? Papasok ka ba?"

"Nay ,hindi po ako papasok." Nakanguso kong tugon.

"Bakit? Napapansin kong isang linggo ka nang ganyan ah?"

"Ayoko lang pong pumasok." Tulala ako sa bintana ngunit nakuniporme na.

"Panay ka naman ayaw pumasok,pero pumapasok pa rin.Anyare sayo ate?" Si Jomel naman.

"Hindi kasi ako nakapasa ng isang project namin." Maiiyak ko nang sabi."Dalaw.a.n.g araw lang naman akong nasa Hospital pero parang ang dami kong na miss sa klase."

"Ganyan talaga.Hindi mo naman maiiwasan na magkasakit.Mabuti nga hindi dengue sakit mo.Ano pala balita kay Nixon?" Si Tatay naman.

"Nauna lang po ako ng isang araw lumabas.Mabuti nakarecover kaagad siya sa sakit niya."

"Mabuti naman.Nandiyan na pala sundo mo."

"Nay,hindi po ako masusundo ni Amir." Nakasimangot kong sabi.

"Magandang umaga po." Tila na buhayan ako sa narinig ko.

"Pasok Nixon ,Clarissa ,nandito si Klea." Sabi ni Tatay sa dalawa.

"Best! Tara na!" Sabi ni Clarissa.

"Ang agaga nakasimangot ka.Anong problema mo?" Si Nixon naman.

"Wala raw kasi siyang napasa na project si Ate nong nagkasakit siya." Si Jomel.

"Bibigyan ka naman ng special project.Ano ka ba?" Si Clarissa.

"Hay okay,kunin ko lang 'yong bag ko." Tumayo na ko pero wala pa rin akong gana."

"Nandito na sakin yong bag mo." Itinaas ni Jomel ang bag ko."Oo nga pala Ate,may nalaglag sa bag mo nito." Sabay siniyasat ang maliit na bote.

Halos madapa ako ng kunin ko sa kanya ito at ang bag.

"Aalis na po kami." Hindi ko pinansin kung ano reaction nila basta diretso lang akong lumabas.

"Best,ano 'yong bote na 'yon?" Usisa ni Clarissa.

"H-ahh--Pabango, basag kasi 'yong lalagyan ng perfume ko kaya doon ko inilagay." Sana maniwal- sana maniwala.

"Akala ko naman kung ano na 'yonm" Sabi ni Nixon,habang nagdrdrive.

Tumahimik nalang ako at tila di mapakali ,baka kasi iniisip nilang gayuma talaga yon. Masyado lang akong paranoid dahil guilty ako pagdating sa bagay na 'yon.

"Relax Klea,wag mo intindihin 'yong project." Hindi naman 'yong project,ang iniisip ko.

Kahit hindi man iyon ang iniisip ko ay ngumiti na lamang ako upang wag na sila magtanong pa.Wala pa man kaming isang buwan ni Amir  pero parang nagdadalaw.a.n.g isip na ko sa mga ginawa ko rito.

Masama na ba ko?

Tama ba 'to?

Ginawa ko ba talaga ito?

Paano kung malaman nila ang ginawa ko? Mapapatawad kaya kaagad ako ng lahat?Yan ang mga na itatanong ko ngayon.Hindi ko nalang dapat isipin 'yon  dahil wala pa naman kami sa point na maghihiwalay ni Amir.

At isa pa ,

Sanay naman ako na iwan at saktan niya,siguro madali nalang para sakin ang layuan siya pagkatapos ng mga kahibangang ito.

Tulala pa rin pala ako ng makita kong nasa labas na sina Clarissa at Nixon,mabilis akong b.u.maba ng kotse.


"Sure ka, na okay ka lang?" Pag-aalala sakin ni Clarissa.

"Kung masama pakiramdam mo,pwede naman na ihatid nakita sa bahay para makapag pahinga." Si Nixon naman.

"No,okay lang naman ako.Iniisip ko lang kung anong special project ang ipapagawa ni Ma'am Lopez saakin ang tapang pa naman nun."Nagkatinginan sila,bago b.u.malik ang paningin saakin at ngumiti.

"Pareho lang naman tayong may special project,teacher ko rin si Mam Lopez kaya na t.i.tiyak kong same lang ibibigay niya satin."

"O-okay.." Sabi ko nalang.

Dumaan muna kami sa mga locker namin.Isang building lang naman ang mga locker pero ibiba ang kwarto nga lang ng bawat Year and Section.Kukunin ko na itong notebook ko ng dumating si Nixon.

"Aba,wala yata secret admirer na nagpapadala sayo?" Bulaslas niya.

"Oo nga noh? Nakakapanibago, baka akala niya hindi pa ko nakakapasok." Bulaslas ko.

"Baka na ubusan ng budget." Tawa nito.

"Loko." Isinara ko ang locker at naglakad.

"Text mo ko kapag sinasabi sayo ni Ma'am Lopez ang project na ibibigay sayo wah?"

"Sige,first subject namin sya."

"Okay,good.Wag mo kalimutan ha?" Paalala kong muli.

"Opo! Uhm Klea," Sabay tingin ko."Masaya kapa rin ba kay Amir?"

"Bakit mo naman na itanong?"

"Wala lang.Hindi kasi kita nakikitang nakangiti."

"Hindi mo nakikita kasi hindi ka naman sumasama kapag lalabas kami.Wag mo nga ko bigyan ng issue.Happy kami ni Amir." Pagtatama ko.

"Isasama mo ba ko,kung may date kayo?" Nakataas ang dalaw.a.n.g kilay nito.

"Uhm...Depende,kung kakain lang sa labas.Pwede kang sumama."

"Tignan mo 'to."

"Oh bakit? Hindi naman pwede na date namin noh? Privacy naman."

"Kailan ulit kain nyo sa labas?"

"Uhm...Baka mamaya." Mahina kong sagot.Dumating naman si Blaze.

"Hi Klea! Hinahanap ka ni Ma'am Faustino ,magpunta kana muna raw sa Faculty room."tumingin ako kay Nico.

"Sorry,mauna kana sa Room nyo." Nakangiti kong utos.

Nagpakawala ito ng malalim na hininga bago tumapik sa balikat ko.

"Okay,tara na Blaze." Nilagpasan na niya si Blaze.

"Sasamahan ko lang si Klea." Bulaslas naman nito.

"Sumabay kana sakin, kung ayaw mong masama ang pangalan mo sa listahan." Banta nito.

Kakamot-kamot si Blaze habang nakatingin sakin.

"Blaze----"

"Oo,ito na nga eh.Sige na Klea.Hintayin kita sa room natin." Sumunod siya sa lakad ni Nixon.

Iiling-iling nalang akong nagpunta sa Faculty room nila Ma'am Faustino.Sa loob nito ay si Ma'am lamang ang tao.Maaari lahat ng teacher ay nagsisimula ng magklase.

"Hi Klea,saan ka nahanap ni Blaze?"

"Sa Locker Room po.Bakit po?" Usisa ko.

"Paki fill-up naman itong paper." Sabay lapag sa table niya.

"Para saan po ito?" Tinignan ko ang naka sulat sa papel.

"Information para sa pagkuha ulit ng Scholars.h.i.+p."

"Wow,sige po." Masaya akong na upo at sinimulang fill-upan ang form.

Tahimik lamang itong nakatingin sakin ng kausapin ko siya.

"Ah ma'am? May problema po ba kayo?" Tukoy ko.

"Wala naman,notxt year graduation nyo na.Mukhang hindi na kita gaano makikita."

Ngumiti ako."Kung inaalala nyo 'yon,pwede naman po kitang dalawin sa Faculty nyo or sa Room mismo.Kahit malaki itong Academy, hindi naman malabo na magkakasalubong tayo."

Sabay kaming tumawa.

"Lagi naman kaming nagpupunta ni Amir sa bahay nyo." Dugtong ko pa.

"Sige na nga. Tapusin mo na 'yan para makapasok kana."

"Sabay na tayo ma'am."

"May meeting kami saglit. Paki sabi kay Pres.,na bigyan kayo ng ibang activity habang hinihintay nyo ko."

"Ah Sige po,tapos na ko." Inabot ko ito at tsaka inayos ang uniform

"Pinatawag nyo raw po ako t.i.ta?"

Sabay kami nagkatinginan ni Ma'am sa pinto ng Faculty.

"Yes Amir,sit down." Nakatingin lamang saakin si Amir habang umuupo ito.

"May napapansin lang kasi akong 'di maganda sa ginagawa mo." Masamang tingin ni ma'am kay Amir.

"Ano?" Nag-cross arm na tanong nito.

"Bakit mo ginawa 'yon?"

Hindi ko maunawaan ang pinag-uusapan nila.Salitan ko silang tinignan.

"Masama ba?" Sa boses palang niya parang hindi na maganda ang nangyayari.

"Amir,akala ko pa naman nag bago kana! Eh ano 'to!!" Sabay hagis sa kanya ng isang plastic.Hindi ko alam kung anong nilalaman nun.

"Amir! Tinatanong kita!"Tumingin sakin si Amir bago sumagot.

"Inilagay lang 'yan sa bag ko."

Kahit hindi naman dapat,ay lumapit ako sa table at binuksan ang plastic. Pipigilan pa sana ako ni Amir pero huli na,nakita ko na ang nilalaman ng plastic na 'yon.

"Matagal na yan." Masamang tingin sakin ng boyfriend ko.

"Galing ka sa Bar." Mahina kong sabi habang tinitigan ang larawan.

"Kasama ang mga kaibigan mo." Sabay tingin sa iba pang larawan."Kasama ang mga babaeng ito."Sabay lapag ko ang isang larawan."Ayos ka rin Amir noh?" Huli kong sabi

"Matagal na yan." Mahina niyang paliwanag.

"Ma'am papasok na po ko." Tumango lamang si Ma'am sakin.Mabilis akong naglakad-lakad palayo sa Faculty room.

Akala ko pa naman kapag minahal na niya ko magbabago na rin siya sa dati niyang gawin.

Kilalang Playboy si Amir kahit mag-jowa na sila noon ni Leny,kaya nga laging galit si Leny dito kapag may umaaligid sa kanyang boyfriend.Hindi ko na dapat ikinagulat 'yon eh,dapat alam ko na,dapat handa ang sarili ko sa ganitong bagay.

Once a Babaero ,always a Babaero.

"President,gumawa ka raw ng activity habang hinihintay natin si Ma'am Faustino." Dumukdok ako sa arm chair matapos kong sabihin 'yon.

Saglit na tahimik ang lahat bago nagsalita si Pres.

"Spelling nalang tayo.Mag labas kayo ng 1/4 paper." Mahinang utos nito.

Hindi ako k.u.milos.Umiyak lang ako ng mahina upang huwag nilang marinig ito.Sumisinghot ako,pero hindi naman 'yon dahilan para pansinin nila ang ginagawa ko.

Oo, masakit,masakit kasing malaman na akala mo ikaw lang ang mahal niya sa kabila ng panggagayuma mo pero  hindi rin pala 'yon ang dahilan para magbago siya sa mga dati niyang gawain.Kung alam ko,  ganito pala hindi na ko umasa na ako lang,dapat pala hindi na ko nag-a.s.sume ,ginayuma ko pa siya kung sa ganitong sitwasyon masasaktan niya rin ako.Pasumpsumpa pa siyang hindi na niya sasaktan pero ano to?

Gusto kong ako lang ,

Gusto kong sakin lang siya ,

Mahirap na bang ipaglandakan sa iba 'yon?

Mahal na mahal ko si Amir pero nasaktan na naman ako.

Sa sobrang taas ng emosyon ko hindi ko na pala na pansing lumalakas na pala ang pag-iyak.Wala na rin akong pakialam kung nakatingin silang lahat o hindi nila ko pansinin,gusto ko lang ibuhos ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Nagtext si Ma'am Faustino. Pumunta raw kayo ngayon sa Court dalhin daw ang mga raketa." Huli kong rinig mula kay Pres.

Dinig ko ang ingay ng lahat,ngunit kaagad din nawala.

"Kaya mo bang maglaro ngayon ng  badminton?" May halong pag-aalala nya.

Nagpunas ako ng luha,humarap ako upang magsalita.

"Opo." Mahina kong sagot habang humihikbi ngunit hindi ko siya matignan nang diretso.

"Sumunod kana lang." Iniwan na ko.

Binitbit ko itong bag ko,nag lakad ng mabagal.Hindi ko na pansin nilagpasan ko na si Blaze.

"Nakita mo na ba 'yon?" Mula sa likuran ko ay nagsalita siya.

"Alam kong siya ang dahilan kung bakit umiyak ka."

Huminto ako at humarap. "Alam mo ba 'to?" Matapang kong tanong.Nakatingin lamang sakin. "May alam ka ba kako rito!" Lumakas ang tinig ko.

"Hindi ako matatahimik kung hindi ako magsasabi ng totoo,ako ang k.u.muha ng litrato."

Muli akong umiyak."Simula ba ng naging kami ginagawa niya pa rin 'yon?" Usisa ko.

"Hindi. Nito ko lang din siya nakitang ganyan, kaya nga na isip kong baka may problema kayo."

"Hindi naman ako nagbibigay ng dahilan para masira ang relasyon namin,mahal ko siya."

"Baka kagagawan lang ito ni Leny para masira kayo." Sabi nito.

Mabilis akong nagpunta sa Locker room. Inilagay ko ang bag ko doon at dumiretso sa Court.Nandoon lahat ng klasmeyt ko,maging ang iba pang sections na nakapang PE uniform.

"Leny ,Klea,partner kayo sa kabilang court." Sabi ni Ma'am Faustino.

"Bakit nagsabay-sabay maglaro?" Bulong ko.

"May isa pang meeting sa hapon si Ma'am, kaya sinabay na niya tayong lahat." Bulaslas ni Nixon.

"Ganoon at kami pa ng bruhang 'yan ang partner."

"Klea." Tawag ni Ma'am,lumapit na ko at lumugar kung saan nya tinuro.

"Bakit,siya  partner ko? Ang dami nilang Section D oh!??" Reklamo nito ng tumabi sakin

"Nagawa mo pa mag reklamo ,akala mo naman magaling maglaro." Bulaslas ko.

"Excuse me?! Shut up! May karapatan naman siguro akong pumili ng makakapartner." Litanya niya.

"Well,hindi ko na siguro kasalanan 'yon." Inirapan ko."Tsaka,ikaw pa nagreklamo ha? Sa pagiging desperada mo nakuha mo pa mag-enarte."

Cross arm syang humarap sa akin. "Nakita mo na siguro 'yong picture noh?" Nakangisi.

"Happy? 'Di ba ganyan naman ang galawan ng mga desperada?" Tinaasan ko ng kilay. Akala ba nya magpapatalo ako.

"You know what? Kabarkada ko  mga kasama niyang babae."

"Oh talaga ? Share mo lang? " pang-iinis ko.

"Epal ka."

"Tama na nga yan! Mag-aaway lang ba kayo diyan o mag lalaro?" Bulyaw ni Pres.

Nag-umpisa ng hampasin ang shuttlec.o.c.k patungo samin.Nagkatamaan ang raketa namin kaya hindi na hampas ang shuttlec.o.c.k.

"Pwede ba, ako ang t.i.tira nun! Tignan mo tuloy nagka puntos sila." Gigil niyang sambit.

"Sa kaliwa ka pumalo,at ako sa kanan." Inis kong utos.

"Wag mo kong utusan! Alam ko kung ano ginagawa ko!"

"Okay...." Inirapan ko nalang at tinira niya ang shuttlec.o.c.k

Nang samin na papunta ang shuttlec.o.c.k ay sa gitna tumama kaya naman nagkatama muli ang raketa namin.

"Ano ba?????!!!!" Bulyaw niya sakin sabay tulak!

"Laro lang 'to Leny! Ba't ba masyado mong dinidibdib!"

"Dahil mang-aagaw ka! Nasa akin na nagawa mo pang-agawin!"

"Ano ba 'to? Laro pa ba tong pinag-uusapan natin!" Iritable kong tanong.

"Magtigil na nga kayo! b.u.malik kayo sa pwesto nyo!" Galit na utos ni Ma'am Faustino.

"Subukan mo pang-agawin ,malilintikan kana sakin." Bulaslas niya.

Nang sakin papunta ang shuttlec.o.c.k hahampasin ko nang bigla niya kong itinulak,nawalan ako ng balanse dahilan upang masubsob ako.

"Tanga kasi." Naktaas ang kilay,sabay cross arm.

Tumayo ako at mahinahon pa rin naglaro,sa 'di naman sinasadya ay natamaan siya ng raketa ko.SinuG.o.d nya kong galit na galit,'don kami nagsabunutan.Hanggang sa maramdaman kong marami ng pumipigil sa amin,ngunit ayaw naman papigil ni Leny.Nag sisigawan na ang marami, ngunit nakahawak pa rin siya sa buhok ko.

Kakalbuhin talaga kita ,makawala lang ako rito!

Please click Like and leave more comments to support and keep us alive.

RECENTLY UPDATED MANGA

Potion Of Love 19 Chapter 18 summary

You're reading Potion Of Love. This manga has been translated by Updating. Author(s): Ayieshien1991. Already has 1126 views.

It's great if you read and follow any novel on our website. We promise you that we'll bring you the latest, hottest novel everyday and FREE.

BestLightNovel.com is a most smartest website for reading manga online, it can automatic resize images to fit your pc screen, even on your mobile. Experience now by using your smartphone and access to BestLightNovel.com