BestLightNovel.com

The Strange Forest 1 Chapter 1

The Strange Forest - BestLightNovel.com

You’re reading novel The Strange Forest 1 Chapter 1 online at BestLightNovel.com. Please use the follow button to get notification about the latest chapter next time when you visit BestLightNovel.com. Use F11 button to read novel in full-screen(PC only). Drop by anytime you want to read free – fast – latest novel. It’s great if you could leave a comment, share your opinion about the new chapters, new novel with others on the internet. We’ll do our best to bring you the finest, latest novel everyday. Enjoy

Hailey's POV

"Woah! Ang galing!" Cheer namin sa mga friends naming naglalaro ng volleyball. Pumalakpak at tumatalon pa kami sa tuwa.

"Yan na ata ang long rally na gusto nating makita! Nakakexcite talaga!" Masayang sabi ni Lexi.

"Para akong nanood ng Ateneo versus La Salle sa UAAP! Iba talaga skills nyo ah! Nakakainggit! Gusto ko ring maglaro kaso mabilis ako mapaG.o.d!" Sabi naman ni Mica.

"Sabihin mo nalang na di ka talaga marunong. Hahaha!" Bulalas ni Yunn kay Mica.

"Anong sabi mo?" Sinamaan naman ni Mica ng tingin si Yunn. "Ikaw ha! Lagi mo nalang ako inaasar!" At pinalo-palo na si Yunn habang ito naman ay iniilagan si Mica.

Napatawa nalang kami. Feeling talaga namin may gusto tong si Yunn kay Mica eh. Dinadaan nya lang sa pang-aasar.

Natapos na yung laro nila. Pa.n.a.lo yung team nila Erika. In a team, may six members. Dalawa yung mga babae per team at tig-apat na boys. Seven lang kasi kaming girls, yung boys naman ay nine. Si Yunn lang ang di naglaro kasi huli na syang dumating dito sa field. Kaming tatlo nina Mica at Lexi eh hanggang cheer lang.

Tinungo na namin ang bahay naming lahat.  Yes! Naming lahat. Naisipan itong itayo ng mga parents namin dahil lagi kaming wala rito sa lugar namin nung elementary palang kami. Nasa ilog kasi kami lagi. Yung ilog eh nasa medyo malapit lang sa likod ng bahay naming lahat. Ang saya kasi maligo dahil sobrang linis. Parang swimming pool lang. Ang saya nung mga bata pa kami. Hahaha! Pero may mga nakawalang buwaya roon sa bayan ng Langpoka eh karugtong pa naman ang ilog na yun dito. Medyo marami-rami na rin ang nababalitang nawalan ng buhay dahil sa mga buwaya. Simula noon ay hindi na kami naliligo sa ilog. Natatakot yung parents namin kaya nagpatayo sila ng bahay para samin na may field o sabihin nalang nating playground namin. May swimming pool din naman dito pero ewan. Naliligo nga kami pero once a month lang ata. Masyado kasi kaming napamahal sa natural na kagandahan. Iba pa rin talaga yung sa nature talaga galing gaya ng ilog.

Magkakapit-bahay ang ilan sa amin at malapit lang ang bahay namin dito sa bahay naming lahat, itong bahay kung saan kami ngayon. Magulo ba?

Yung iba naman samin eh tagkabilang bayan gaya ng Lampoka at Nati. Pumupunta sila rito dahil magkaibigan kami. Mahilig kami maglaro simula nung mga bata pa kami hanggang ngayong third year college na kami.

"Guys, snacks na tayo! Nakakagutom talaga maglaro. Hayy!" Wika ni Sab.

"NakakapaG.o.d!" Sabi naman ni Clifford na nagpapalit ng T-s.h.i.+rt. Nagkasalubong yung mga mata namin. He just chuckled. Napalunok ako ng laway at iniwas ko nalang sa kanya ang aking tingin.

"Oh! Hali na kayong lahat! It's eating time!" Sigaw ni Lexi kaya tinungo na namin yung kusina at k.u.main nang todo.

"Nga pala guys, lagi nalang tayong naglalaro ng volleyball. What if we try something new?" Sambit ni Vaness habang k.u.makain kaming lahat.


"Eh ano naman?" Tanong ni Will.

"Mag-camping tayo?" Keith suggested.

"Tsaka na yan. Sa summer na tayo mag-camping," sabi ni Denisse.

"Fieldtrip?" Suggest ni Josh at uminom ng juice.

"Wag muna yan, Josh. Kakfield trip lang namin nina Sab last month eh," reklamo naman ni Mica.

"Eh ano nga ba?" Josh replied.

"Mag-separate nalang tayo. Kayong mga girls eh mag-movie marathon nalang kayo. Kami naman mga boys, let's party-party mga pare!" Sambit ni Johnny. Napa "wooh" naman ang ilang mga boys na sign na agree sila sa sinabi ni Johnny.

Nakita naman naming sinapak ni Erika si Roy kaya napaaray ito.

"Ang babaero nyo talaga! Mga bwisit kayo!" Sigaw ni Erika kay Roy.

"Eh bakit ako ang sinapak mo?" Reklamo ni Roy. Hahaha!

"Eh ikaw katabi kong lalaki eh! Alangan namang si Hailey ang sasapakin ko? h.e.l.lo!" Irap ni Erika sabay flip ng hair nya kaya napunta ito sa mukha ni Roy.

"Ito talaga. Di naman ako kasali nila ah," mahinang sabi ni Roy.

"Sorry," Erika hugged Roy kaya ngumiti na ito.

"Sus! Magjow.a.n.g to! Makabili nga ng jowa!" Bulalas ni Mica kaya napatawa kami.

Nasa left kasi ako ni Erika, sa right naman nya si Roy. At oo, magjowa ang dalaw.a.n.g yan.

"Have you heard Liyong? What if try natin dun?" Suggest ni Arthur.

"Ay! Oo nga. I saw a facebook post pero masyado na yung matagal. Pero ang ganda nga roon sa Liyong! Oh my gos.h.!.+ I'm so excited!" Sabi ni Mica.

"Dun nalang tayo. Tutal, matagal-tagal na rin tayong di nakapag-swimming eh. Kahit may swimming pool tayo rito eh di naman tayo nagswi-swimming dyan," Will agreed.

"Sige na, guys. Something new nga di ba? Gusto ko rin mtry yung waterfalls na yun eh!" Pagco-convinced ni Denisse. 

"So, ano na? Wala pa naman siguro satin ang nakapunta dun, di ba? And we all know about Liyong Falls naman," sabi ko at itinaas nang konti sa ere yung baso ng pineapple juice na hawak ko.

"Okay!" Agree nilang lahat at itinaas na rin yung mga baso ng juice nila at sabay kaming uminom lahat.

"Pero kelan ba?" Tanong ko.

"Tomorrow!" Sabi ni Arthur.

"Agad-agad? Masyado ka namang excited, pare. Hahaha!" Bulalas ni Kuya Max.

"Hahaha! Eh the day after tomorrow?" Sabi ulit ni Arthur.

"Call?" Sambit ni Will.

"Call!" Agree ni Denisse.

"Call!" Kaming lahat.

"Alam nyo na gagawin, hah? The foods and all!" Sabi ni Erika.

~~~~~

"Oh, sige. Basta, mag-ingat kayo dun ha? Lalo ka na, Hailey!" Sabi ni Mama Jean.

"Thank you, ma. Kasama rin naman si Kuya Max eh," sabi ko.

"Opo, ma. Ako na bahala kay bunso," Kuya Max said in a.s.surance.

"Okay! Good night, mga anak!" At niyakap ni Mama Jean kaming dalawa ni kuya.

Oo nga pala. Kuya Max is my older brother. Dalawa lang kaming anak. Si Papa Omar naman eh nasa Banag, may business trip kasi sila.

Pagpasok ko sa kwarto eh narinig kong sumasabog na yung cellphone ko. Hayy naku! Yung groupchat na naman namin sa messenger. Hindi ko pala nmute yung notifications.

Pagkahiga ko eh binasa ko kung ano bang nangyayari sa groupchat. Todo seen lang ako. Kinilig naman ako sa asaran nina Yunn at Mica. Tapos nag-aaway pa sina Erika at Roy. Ang lakas daw talaga ng sapak ni Erika kanina. Nakangiti lang ako habang nagbabasa. Hahaha!

Pero nagulat nalang ako nang biglang may nag-chat sakin kaya binasa ko ito. Si Clifford. Replyan ko kaya?

Clifford: Hi :)

Hailey: Ano?!

Clifford: Galit?

Hailey: What do you want?

Clifford: Nothing.

Hailey: Eh ba't ka nagchchat?

Clifford: Masama bang i-chat kita ha?!

Hailey: Galit?

Clifford: Hindi.

Hailey: Eh bakit may exclamation point after ng question mark?

Clifford: Ginaya ko lang ginawa mo :)

Hailey: K!

Clifford: Hmmm excited ka na ba sa swimming?

Hailey: Yeah, night. Bye!

I turned the Wi-Fi off, prayed and slept.

~~~~~

Clifford's POV

Nakahigang tinitigan ko pa rin ang last message ni Hailey sakin.

Hailey: Yeah, night. Bye!

Tsk! Ang sungit talaga ng babaeng yun. Ang sungit na nga sa personal, masungit pa rin pati sa chat. Ang dami kayang mga babaeng nagchchat sakin eh sini-seen ko lang tapos yung iba di ko binabasa. Maliban nalang sa mga kilala ko. Eh ang babaeng to, ako pa ang naunang mag-chat sa kanya. Aba!

Akalain mo, kung babasahin mo yung mga conversations namin simula nung una. Ako ang unang nagchchat sa kanya. Lagi akong nagha "hi" with smile emoticon pa pero sini-seen nya lang. Himala nga ngayon eh nag-reply sya. Ako pa nga nag-send sa kanya ng friend request nung malaman naming may facebook account na sya.

Ano bang meron kay Hailey? Ba't sya ganun? Kanina nga eh nagkasalubong mga mata namin. Iniwas ba naman yung tingin nya. Iba ka talaga si Hailey.

Napangiti ako. Ngayon lang talaga sya nag-reply sakin. Masaya na ko kahit papano. Kahit ang sungit nun sakin, crush ko pa rin yun mula nung mga bata pa kami.

Gusto ko si Hailey. Oo, maganda talaga sya. Pero parang mas nagkakagusto ako sa pagkasungit nya. Ewan ko ba. At alam ko naman kahit masungit yun, mabait yun. May ganun ba?

Ipagdadasal nalang talaga kita, Hailey ko. Sana maging tayo na! Haha!

~~~~~

Lexi's POV

Kanina pa ko rito sa PC ko. Search, scroll, search, scroll. Hinahanap ko kasi yung Liyong Falls. I've searched already the page pero wala namang mga posts dun kaya nag-search pa ako ng iba.

Hayun! Nakita ko na rin. Dinownload ko agad yung mga pictures. Based sa mga nsearch ko eh two years ago ang pinaklatest na posts. Tama nga yung sinabi ni Mica. Ano na kaya yung itsura ng daan papunta dun? Hanggang search lang talaga ako.

"Okay na siguro to. Inaantok na ako eh!"

~~~~~

Hailey's POV

Magkasama kami nina Erika, Mica, Josh at Clifford dito sa mall, b.u.mibili ng mga kakailanganin naming ingredients para bukas.

"Bes, ano nga ulit yung candy na may message sa likod?" Tanong ni Mica.

"Goya?" Erika answered.

Napahalakhak naman kami ni Mica dahil dun. Hahaha!

"Chocolate yun, bes. Sapakin kita dyan eh! Bruha ka! Hahaha!" Bulalas ni Mica kay Erika.

"Sorry, bes. Di ko alam eh. Hahaha!" Sabi ni Erika

"Fres!" Sabi ko at kinuha yung isang pack ng fres at inihagis kay Mica pero umilag ito kaya dumaplis ito sa likuran at tumama sa likod ng isang lalaki. Naku! Lumapit ako sa kanya pero nauna nyang napulot yung fres.

"Naku, sorry. Di ko sinasadya," sabi ko.

"It's okay, Miss," sabi nung lalaki. Ngumiti ito at binigay sakin yung fres.

Nakat.i.tig lang ako sa kanya habang naglakad ito papalayo.

"Oh my gosh, bes! Ang gwapo!" Sabay na sabi ni Erika at Mica.

"Jackpot bes! OMG!" Kinikilig na banggit ni Mica.

"Ba't ka umilag? Ba't di mo sinalo yung fres?" Tanong ko. "Nakakahiya tuloy."

"Di ako catcher eh. Hahaha! Pero bes, ang gwapo talaga!" Ano ba tong si Mica.

Napangiti nalang din ako. Kinikilig din. Nakita ko naman si Clifford, nakatingin samin, sakin. Ba't ganun sya makatingin? Napataas nalang ako ng kilay.

Nauna nang lumabas sina Josh at Clifford para ilagay sa likod ng kotse yung binili namin. Heto naman kami ni Erika at Mica, papalabas na rin. Sinalubong kami ng dalawa. Pinasok na rin namin sa loob ng kotse yung mga hawak namin.

"Hayy! Natapos na rin tayo. Tara na!" Sabi ni Josh.

~~~Kinabukasan~~~

"Ready na ba ang lahat? Baka may nakalimutan tayo hah?" Sabi ko habang chini-check yung mga foods sa table.

"Okay na, bes!" Sagot ni Sab.

"Okay, guys! Tulungan nyo na kaming ilagay ang mga ito sa van. Boys! Help!" Tawag ni Vaness sa mga kasama namin.

Nilipat na namin lahat ng mga gamit pati foods dun sa van. Dalaw.a.n.g van nga pala yung gagamitin namin papunta dun sa Liyong Falls.

"By the way, since kay Will at Arthur ang van na gagamitin natin, sila na magddrive. Kaya di na sila kasali sa bunutan. So, charan! Kuha na! Nshaked ko na to," sabi ni Denisse na hawak ang container na may laman na nakarolyong mga papel kaya isisa na kaming nagbunutan.

"Naku bes, sana nasa same van tayo!" Dinig kong sambit ni Vaness kay Denisse.

"Oo nga eh," sagot naman ni Denisse.

"Uy! Pare, Van-1 ako. Kasama tayo!" Wika ni Kuya Max kay Arthur at nag-apir ang dalawa.

Umingay ang lahat dahil nalaman na kung sinu-sino ang magsasamsama.

"Yung Van-1 kay Arthur. Yung Van-2 naman kay Will. Kaya sakay na!" Sigaw ni Denisse.

"Wohooo!" Sabay naming sigaw lahat sa tuwa at nagsipasok sa van.

Ang resulta ng bunutan ay ganito.

[VAN-1]

(MEN)

Arthur

Kuya Max

Keith

Roy

Will

(WOMEN)

Erika

Lexi

Hailey

[VAN-2]

(MEN)

Josh

Johnny

Yunn

Clifford

(WOMEN)

Denisse

Vaness

Sab

Mica

Parang fieldtrip lang din pala tong ginagawa namin eh. Narinig namin na ang ingay dun sa kabilang van. Nagkantahan pala yung mga maiingay. Lalo na sina Mica, Vaness at Denisse. Naku! Hahaha!

Akala nila sila lang hah? Nagkantahan din kami. May dalang gitara kasi dun sa kabilang van si Yunn at si Kuya Max naman dito.

After two hours, nakarating din kami sa entrance kaya nagsibaba na kaming lahat after pinark yung sasakyan sa gilid. Di pala pwedeng ipasok yung sasakyan dahil masyadong masikip yung daan. Parang tao lang yata ang makakadaan.

Kinuha namin yung mga gamit at pagkain sa likod ng dalaw.a.n.g van at nag-ready na.

May nakasabit na karatula sa isang puno. "To Liyong Falls" with an arrow ang nakasulat dito. Tanaw namin ang napakataas at makapal na masonry fence na nakapalibot sa lugar na ito, na wari ay ayaw ka nitong papasukin o palalabasin.

Dito na nga mangyayari ang inaasam ng lahat.


Please click Like and leave more comments to support and keep us alive.

RECENTLY UPDATED MANGA

The Strange Forest 1 Chapter 1 summary

You're reading The Strange Forest. This manga has been translated by Updating. Author(s): Jobertarcedeee. Already has 1206 views.

It's great if you read and follow any novel on our website. We promise you that we'll bring you the latest, hottest novel everyday and FREE.

BestLightNovel.com is a most smartest website for reading manga online, it can automatic resize images to fit your pc screen, even on your mobile. Experience now by using your smartphone and access to BestLightNovel.com