BestLightNovel.com

The Strange Forest 2 Chapter 2

The Strange Forest - BestLightNovel.com

You’re reading novel The Strange Forest 2 Chapter 2 online at BestLightNovel.com. Please use the follow button to get notification about the latest chapter next time when you visit BestLightNovel.com. Use F11 button to read novel in full-screen(PC only). Drop by anytime you want to read free – fast – latest novel. It’s great if you could leave a comment, share your opinion about the new chapters, new novel with others on the internet. We’ll do our best to bring you the finest, latest novel everyday. Enjoy

Hailey's POV

"Follow the leader! Will, let's go!" Narinig kong sigaw ni Lexi at nauna na kasama si Will. k.u.mbaga sila yung tour guide namin.

Si Lexi kasi yung nag-search sa lugar na to at sinend nya lang kay Will para sila yung gagabay samin.

Isisa na kaming sumunod kasi medyo masikip yung daan eh. Para kaming dumadaan sa gitna ng palayan na hanggang beyw.a.n.g ang tangkad.

After ten minutes ata nang paglalakad eh nag-iba na yung daan kaya napahinto muna kami. Wala na yung mga palay. Tsaka, marami na ang mga puno sa paligid namin. Maririnig ang huni ng nga ibon at tunog ng iba't ibang mga hayop. Makikita rin na marami kang pipiliing daan.

"Woah! Ang ganda rito! Nasa kagubatan na pala tayo. Nakakrefres.h.!.+" Sabi ni Mica at ninanamnam yung sariw.a.n.g hangin.

"Grabe! Ngayon lang ata ako napadpad sa ganitong klaseng lugar. Iba talaga ang mother nature!" Sambit ni Keith.

"Oh, saan pala yung sunod na daan?" Tanong ni Johnny.

"Ise-send ko sa groupchat para alam nyo rin," sabi ni Will kaya tumunog yung lahat ng cellphone namin. "Base sa picture at sa nsearched ni Lexi, dito yung sunod," dagdag pa nito at tinuro yung daan sa kaliwa.

Naglakad na naman kami daldala ang kanykanyang mga gamit pati yung mga pagkain.

Ang layo pala ng Liyong Falls na yan. Hanggang ngayon, di pa rin kami nakarating. Dumaan pa kami sa tulay na gawa sa kahoy. Nakakatakot nga eh dahil anong oras pwede ka mahulog pag di ka nag-ingat. Kaya isisa lang kaming dumaan baka biglang masira. Medyo matagal na pala ang kahoy na ginamit.

May nadadaanan din naman kaming mga bahay pero mga apat lang ata tapos yung tatlo walang tao.

Medyo nalito rin kami dahil may dalaw.a.n.g daan na may nakasulat sa punong katabi nito. Pero di na mabasa nang buo dahil nabubura na. Yung sa kanan naman ang pinili namin dahil yun ang nasa picture.

"OMG! Heto na yun! Tingnan nyo!" Malakas na sabi ni Vaness.

Lahat naman kami ay namangha sa aming nakita. Kita na namin ang mga tubig na umaagos mula sa itaas at tila nahuhulog sa baba. Marami rin ang iba't ibang klase ng mga puno at mga bulaklak sa paligid ng lugar. Sobrang colorful. Ang ganda, sobra! Kaya di namin maiwasang kunan ito ng mga pictures. May group photos din kami. Syempre, memories. After noom eh kanykanyang selfies at photoshoots. Natigil lang kami nang biglang may nagsalita.

"Hala! Bakit ang tahimik dito? It's like we're just the ones here," panira ni Erika sa pagkamangha namin sa ganda ng kalikasan.

"Yeah. Maganda nga rito. I don't know why but this place creeps me out," sabi naman ni Sab.

"Medyo kakaiba nga yung dinaanan natin papunta rito," dagdag pa ni Roy.

"Eksakto naman yung napuntahan natin gaya nung nasa mga facebook posts, di ba? Pero ba't parang kakaiba?" Sang-ayon ko sa sinabi ng ilan.

"b.u.malik nalang kaya tayo? What do you think?" Lexi suggested.

"Ano ba kayo? Nandito na tayo. I-enjoy nalang natin," pangontra ni Yunn.


"He's right. Marami naman tayo kaya okay lang. Tsaka, baka ganito lang talaga rito dahil nasa gubat naman talaga tayo," Arthur explained.

"Pero what if something might happen to us despite the beauty of the nature?" Nakapameyw.a.n.g na sambit ni Vaness.

"May signal naman dito kaya maco-contact din natin agad parents natin," panigurado ni Josh.

"Anong meron? Wala kaya! Tignan nyo kaya!" Sabi ni Kuya Max na nakatingin sa phone nito kaya chineck namin mga mobile phone namin.

"Di ba merong signal kanina? Ba't nawala?" Tanong ni Keith na naghahanap ng signal.

"Wala talaga rito. Hanggang dun lang yun sa tulay," wika ni Johnny.

"Hayy naku! We love swimming and this is it. Let's just enjoy nalang! Okay?" Sabi ni Denisse kaya sumang-ayon yung karamihan. Wala na kaming nagawa.

May nakita kaming s.p.a.ce dun malapit sa isang talon sa gilid kaya tinungo namin ito at agad na nag-setup sa lupang medyo kokonti lang yung mga damo.

"Sus! Parang camping at picnic lang din pala tong ginagawa natin eh!" Ang sabi ni Mica sa gitna ng pagkbusy namin.

"Tama ka dyan, bes! Pero okay na rin. First time nating maligo rito eh!" Sang-ayon ni Vaness.

Naligo na yung mga boys maliban kay Kuya Max at Clifford. Yung ibang girls din, nagtampisaw na sa tubig. Ang saya ng lahat. May nagswi-swimming, nagku-kwentuhan, nagtatawanan, may k.u.makain, may k.u.mukuha ng pictures. Maririnig din ang asaran at awayan nina Mica at Yunn. Syempre, di naman magpapahuli sa ksweet-an yung dalaw.a.n.g magjow.a.n.g sina Roy at Erika. Naghahalikan pa. Naku!

"Pare, tara na!" Dinig kong pagyaya ni Kuya Max kay Clifford kaya napatingin ako sa kanila.

"Sige, pare! Susunod na ako," sabi ni Clifford kaya tumalon na si kuya sa tubig.

Nakapang-swimming attire naman na kami lahat maliban kay Clifford. Pero agad naman syang naghubad ng damit kaya agad akong umiwas ng tingin. Ba't ba lagi ko nalang nakikitang naghuhubad ang lalaking to malapit sakin? Dun kaya sya sa di ko sya makikita? Tandaan mo, Hailey. Kung masungit ka na, mas masungit ka sa kanya dahil sa ginawa nya noon.

Pero lumapit naman ito samin ni Lexi at Sab at k.u.muha ng slice ng cake.

"Ang sarap ng ginawa mong cake, Hailey!" Biglang sabi nya nang nakangiti pagkakagat nya ng cake. Napatingin naman samin yung mga nakarinig.

"Magaling din magluto yang kapatid ko, pare. Kaya ang swerte mo," nagulat naman ako sa sinabi ni Kuya Max.

"Naku, bes! Matagal nang may gusto sayo yang si Clifford. Di mo ba napapansin? Ay! Manhid ka pala, bes! Sorry! Sorry!" Sabi naman ni Lexi na nasa tabi ko at tinatap pa yung balikat ko. Humalakhak pa silang dalawa ni Sab.

"Lexi!" Pagsusungit ko kay Lexi pero kinindatan lang ako ng bruha.

"Ang torpe rin kasi ng kaibigan nating yan eh! Hahaha!" Dinig kong sabi ni Yunn.

"Tumigil nga kayo dyan! Suntukin ko kayo eh!" Sabi ni Clifford.

"Basta, pare! Support kami sayo! Mahal ka namin!" Sigaw ni Keith.

May gus...o...b.. talaga sya sakin? Nakaramdam naman ako ng hiya bigla sa harap ni Clifford.

"Wag mo intindihin mga yan," mahinahong sabi nito.

"Ah... eh... o-okay lang!" Why am I stuttering?

"Naku! Tara, Lexi! Maligo na tayo! Nilalanggam na tayo rito eh! Hahaha!" At tumayo na silang dalawa.

Narinig naman namin ang sigaw ni Sab kasabay ang tunog ng paglapat nya sa tubig.

"Langya ka talaga, Lexi! Ba't mo ko biglang tinulak? Bruhang to!" Reklamo ni Sab pagkaahon sa tubig.

"Sorry, bes!" Nakpeace-signed na sabi ni Lexi at humalakhak pa ng tawa at tumalon na rin.

Kami nalang ni Clifford ang naiwan dito. Lahat andun na sa waterfall.

"Tayo na?" Biglang sabi nya.

"Hah?"

"Tayo na."

"Anong tayo na?"

"Di ka pa ba maliligo?"

"Ahh... ano... mamaya na–"

"Halika na!" Bigla naman nya akong hinila.

"Hoy! Teka lang! Waahh!" Wala na akong nagawa nang tumalon na kami kaya napasigaw nalang ako hanggang b.u.magsak kami sa sabay.

~~~~~

Mica's POV

"Sab, samahan mo naman ako mag-CR oh?" I said to Sab.

"May CR dito?" Di makapaniwalang tanong nya.

"Oo. Dun sa likod ng mga punong yun. Napansin ko kasi kanina," sabi ko.

"Sige," Sab replied.

When we were behind the trees na kung saan ang mga comfort rooms, pumasok agad ako sa isang CR habang binabantayan ako ni Sab sa labas. There were three comfort rooms pala. Dalawa lang kasi yung nakita ko kanina eh.

"I'm done!" I said, going out.

"Ako naman!" Kaya pumasok din si Sab sa loob.

Nagulat na lamang ako nang biglang sumigaw si Sab pagkapasok palang nya kaya I went inside na rin.

"Sab? What happened?" Tanong ko.

"M-Mica, ano ba ginamit mo kanina?" Kinakabahang tanong ni Sab.

"Tubig. Bakit?" I asked curiously.

"Sigurado ka?" Paninigurado ni Sab.

Tango lang ang sinagot ko. Hindi umimik si Sab kaya napatingin ako sa malaking balde. Nagulat na lamang ako kaya napasigaw na rin sa nakita.

"O-Oh my gos.h.!.+ Blood!"

Natakot kaming dalawa kaya k.u.maripas na nang takbo papunta sa mga kasamahan namin.

"Blood! Blood!" Pigil-hiningang sabi ko.

"Oh, anyari sa inyo?" Tanong ni Hailey.

"Guys, let's go! Bilis! We need to get out of here!" Tarantang sabi ni Sab sabay impake ng mga gamit. Napatigil naman ang iba sa kanilang ginagawa at nakatutok samin.

"Teka! Ano bang nangyayari?" Nagtatakang tanong ni Keith na nasa tubig ng waterfall.

"Oh my gos.h.!.+" Denisse and Vaness screamed in unison at napatakip ng bibig sa kanilang nakita sa mga paa namin Sab.

Napatingin naman ang lahat sa direksyong tinitignan nina Denisse at Vaness. Maging ako at si Sab ay napatingin din. Nagulat kaming lahat at nakaramdam ng takot.

"Teka! D-dugo! Dugo yan, di ba?" Takot na sambit ni Will.

"Baka naman meron kayo ngayon?" Sabi ni Josh.

"Hindi!" I said, shaking my head. "Swear!" I exclaimed, raising my hand as a sign for telling the truth.

"Ano pang hinihintay nyo? Umahon na kayo dyan! Umalis na tayo rito!" Sigaw ni Mica dahilan para maging aktibo at alerto ang lahat.

"Sabi na eh. May kakaiba talaga rito!" Vaness said.

Nagmadali namang umahon yung mga nasa waterfall. Agad kaming nagsuot ng mga damit namin at niligpit yung mga dinala namin kanina.


Please click Like and leave more comments to support and keep us alive.

RECENTLY UPDATED MANGA

The Strange Forest 2 Chapter 2 summary

You're reading The Strange Forest. This manga has been translated by Updating. Author(s): Jobertarcedeee. Already has 664 views.

It's great if you read and follow any novel on our website. We promise you that we'll bring you the latest, hottest novel everyday and FREE.

BestLightNovel.com is a most smartest website for reading manga online, it can automatic resize images to fit your pc screen, even on your mobile. Experience now by using your smartphone and access to BestLightNovel.com